Isang dalagang masasabing napakabait ang maituturing kay Sera, siya yung tipong masasabing di maarte sa mga bagay bagay. In short napaka simpleng babae lang si Sera, na tahimik at masayang namumuhay kasama ang kaniyang masayang pamilya at ang nag iisa niyang bestfriend slash "/" cousin. na si Vanessa Uligan, na katuwang niya sa lahat ng mga kalokohan o ano mang pinagkakaabalahan nila.
At may isang binata naman na pinaglihi ata sa sama ng loob, dahil na rin sa angking kasupladuhan nito siya ay si Khaye Buenavista. Masydo siyang maselan sa mga bagay bagay, dinaig pa nito ang isang babae na makapag inarte. Pero tanging mga kaibigan niya lang ang lubusang nakakaintindi at nakakatiis sa pag uugaling meron siya. At iyon ay sila Fredirick Samonte, Carl Esteban, Jiro Hara, at Sychie Peralta.
Pero dahil sa isang aksidente nagkaroon nang malaking pagbabago ang buhay ni Serapina Cruz, na ang dating tahimik at walang masyadong iniisip na problema ay napalitan nang dumating sa kaniyang buhay si Khaye Buenavista. Sa ganito ba'ng paraan ay mapaglalapit ba ng tadhana ang dalawang parang aso't pusa na di pwedeng maglapit? At paano makakaapekto sa buhay ni Serapina ang mga taong dadating sa buhay niya? Maaari ba'ng magdulot ito ng kagandahan o kapurwisyuhan?