Chapter 3

9 1 0
                                    

Parang hinahati ang ulo ko sa dalawa nang matanaw ko ang pamilyar na kisame. Halos maibalik ko ulit ang sarili ko sa tulog nang naramdaman ko ang panduduro ng isang babae sa ulo ko. This isn't mom. Alam ko ang amoy nya.

Malabo ang paningin ko. Ifinocus ko ang mga mata ko sakanya at napagtanto kong si Trisha 'to. 'Yong kaibigan ko since 1st year highschool. "Tell me what happened last night bitch!" Tumabi sya saakin. Ibinagsak ko ang ulo ko sa unan.

I smell really drunk as shit. Patay siguro ako kay Mommy. "Anong sabi mo kay mommy?" Pikit mata kong sinabi. Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang ibangon pa ang sarili ko para makaligo.

"Nako, pasalamat ka saakin at magaling ako magdahilan. Thankyou na rin sa maykapal dahil maagang umalis ang mommy at daddy mo." Proud pa notong sinabi. Inabot nya ang remote ng tv at in-on 'yon. "So what did you tell mom?"

"Ang sabi ko, napagkamalan mong ascorbic acid 'yong sleeping pills kaya ayan, tulog kang dumating dito kagabi. Hindi na naman sya nagtanong pa. Huy! Effort kong ilayo ka sakanya para di ka nya maamoy ha?" Natawa ako ng bahagya. Feeling ko ligtas ako sa babaeng to.

"So tell me what happened!"

Ikinuwento ko ang nangyari. At last sinabi kong alam kong galit saakin si Danah. I know nakapost na 'yon sa facebook at kumalat ang video naming sinampal ko sya. Pero hindi 'yon mahalaga. Ang iniisip ko si Clein. Galit na galit sya saakin.

I feel sorry for Danah too. Sobrang liit lang noong bagay at nagawa ko na 'yon kaagad sakanya. Good thing she's really nice. Maybe I should give up Clein fo Danah.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinilip ang DM ni Danah.

Danah Alexa

I'm really sorry Caleigh. Hindi na kita natulungan pauwi. You were so drunk last night. Ipinaliwanag ko na kay Clein. Don't worry he's not mad. Can we talk later? Mamaya sa starbucks. Maybe 1 pm?

Sinilip ko ang oras sa tabi kong lamesa. Oh My Effin Gosh it's 12:30.

Binilis ko ang pagligo. Denim short at V neck na white shirt lang ang isinuot ko. Iniwan ko doon si Trisha na nag babrows sa loptop at mabilis pinaandar ang aking eon.

Nagpapark palang ako ay nakikita ko na si Danah. I'm one minute late. Kaya pagka baba ko ay sya agad ang dineretso ko.

"Danah.." namilog ang mata ni Danah nang makita ako. Ni wala akong liptint. Wala lahat. "Your brows on fleek! And You don't even wear make up!" Agad syang tumayo at ibinigay saakin 'yong kape.

"Sorry about last night Danah. I'm drunk." I don't feel any shame right now. Para bang gusto kong inumin ang kape ng diretso kahit malamig ito. Hindi ko magalaw ang cheesecake sa harapan ko. I'm literally not on my mood. "It's really okay! We're cool!" Ngiti nya.

She's really lovely. Maputi sya at kulay brown ang kulot na buhok. Kumpara saakin mas kulot ang kanya. Parehong natural ang saamin dahil grade 3 palang kami nakikita ko na 'yon sakanya.

Ang manipis na labi at makapal nyang kilay dahil sa make up ay mas lalong nagpapaganda sakanya. Mas maganda nga naman sakin si Danah. No wonders. Maganda talaga ang mga type ni Clein.

Pero wala pa akong nakikitang nagiging girlfriend ni Clein for a long time. Baka si Danah na 'yon. Nakakatakot nga lang. Baka makalimutan na ako ni Clein dahil sa magandang babaeng 'to.

Meztisa na nga, matalino pa. Ano pa bang hahanapin ni Clein?

"Okay, continuation of last night. Like I've said. Gusto yata ako ni Clein. And I like him too." Hinawakan nya ang kamay ko. "You're his bestfriend right?" Tumango ako. Yes. He's bestfriend. Forever.

"Can you help me with him? Meron akong listahan. Pakilagay naman ng mga gusto nya sa babae. And yopung exes nya. Please?" Inilabas nya ang planner sa bag nya. Kulay pink ito at puno ng picture ni Clein sa harapan. Nakita nya na kaya 'to?

Should I let her know? Well knowing his exes were too private. "Danah, if you think he likes you, why don't you ask him kung sino ang mga ex nya? Para saakin ay masyado yong private. Let him know that.. uhm you two like each other."

Patuloy sya sa pagsasalita pero papasok man yun sa tenga ko ay lalabas rin naman sa kabila. "What do you think? Uy Caleigh." Naibaling ko sa labas ang atensyon ko. Wala akong naintindihan kaya tumango nalang ako. "So anong mga nailista mo?"

He likes pasta.

Yon lamang ang naisulat ko. "Really? I like pasta too!" Hindi ko alam pero gusto kong ipakain sakanya lahat ng pasta sa mga fast foods. I really wanna go now. I'm losing my temper.

"Why don't we go out and buy something sa mall? May dala ka bang cards?" I do have bank accounts at may 15 thousand ang 8 accounts ko. Gusto kong imax out ngayon ang cards ko at bilhin lahat ng pastang makikita ko. Please mom I need more money. Sana maibenta na ulit ang mga tanim.

Hindi ko alam bakit ako nangigitil sa tuwing nakikita ko si Danah. Sino bang may sabing gusto sya ni Clein? Alam ba ni Clein ang sinasabi ng babaeng 'to?

"Oh wait tatawagan ko si Clein. Sama natin." Kinagat ko ang labi ko. Ayaw ko maging 3rd wheel pero may kasalanan pa ako. How about sabihin kong masakit ang ulo ko dahil sa pag inom ko kagabi? Mauubusan na ata ako ng dahilan.

"He's coming!!" Si Danah. Sobrang excited nya at nilantakan nya ang cheesecake sa harapan namin. Wala akong kaayos ayos. Ni wala akong powder. Moisturizer lang ang inispray ko sa mukha ko at medyo magulo pa ang buhok ko.

Sabagay sanay naman syang makita akong parang nasa bahay lang. Na aalala ko lang noong grade 6 kami ay boxers lang ang suot nya habang nasa bahay kami. Ako naman maluwag na t shirt at maikling short. Parang wala kaming pakeelam dalawa sa isa't isa. Pareho lang kaming nanonood ng tv.

"Danah.." napatalon ako. Nandito na si Clein. Ni hindi nya ako dapuan ng tingin. Galit nga sya. Wala naman akong magagawa. I'll just go with the flow. Ayaw kong masira ang araw ko.

Walang sasakyan si Danah pero dala ni Clein ang kanya. Uupo kaya sya sa front seat? Pwesto ko 'yon. But I think I should let her. Wala naman akong magagawa dahil hindi saaking sasakyan 'yon.

Diretso ang drive ko sa SM. Bahala na sila kung saan sila mag papark. Doon nalang ako sa pinaka malapit at alam kong hindi matatabihan ni Clein ang sasakyan ko. Mine's too small at doble naman ang laki ng kanya. Hindi sya kasya.

Nakahanap ako ng pwesto kung saan ako kasya. Nang maipark ko ay naghintay ako sa harapan ng sasakyan ko. It's freakin' hot. Nagpapasarap ang dalawang 'yon. "Caleigh!" Narinig ko si Danah nang tingnan ko sya ay nakapulupot ang braso nya kay Clein. Kulang nalang itali ang katawan nya don.

Parang gusto ko ulit sampalin si Danah. Hindi naman ako ganyan ka lapit kay Clein. Minsan ihinahampas ko ang bag ko sakanya para sya ang magbitbit. Sunod non aakbayan nya ako at halos di ako makahinga. Siguro ayaw nya ma choke si Danah? Oh love.

"CR lang ako Clein, Caleigh." Paalam ni Danah sa kalagitnaan ng kain namin. Uh-oh.

AWKWARD!!

"Maria." Lumunok ako. Pinipigilan ko ang pagngiti kaya kinagat ko ang ibabang labi ko. What the hell? Akala ko ba ay galit sya sakin? "Maria!!" Binitawan ko ang tinidor. "Akala ko galit ka? Why are you talking to me? Kumain ka nalang." Halos mahimatay ako sa sinabi ko. No Caleigh! Talk to him!!

"You were so drunk last night--"

"And you're being so gentleman with Danah." Halos magtunog girlfriend ako. I hate it! Why am I like this? "You two just hung up sa bar kagabi. So sweet." Sunod sunod ang irap ko. Where the hell is Danah?

"Hinanap kita kahapon. Hindi sana kita pag iinumin pero nalaman ko nalang na sinampal mo si Danah? Sasabihin ko kay Tita na wag ipagamit ang sasakyan mo. I'll fetch you every day kahit sabado at linggo.          Hatid. Sundo."




"Jesus"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

And Then He Asks WhyWhere stories live. Discover now