1st Part

122K 1K 240
                                    

I was speechless..

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin pagkatapos aminin sa akin ni Andy ang lahat, ang buong katotohanan. Ang katotohanan, na nagsinungaling siya sa akin.

"Dana."

"So all of those was just a part of your foolish act, Andy.." hindi niya ako magawang tignan, and so do I. Kahit hindi niya sabihin, alam kong pinagsisisihan niya ang ginawa niya.

Mixed emotions ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung dapat nga ba akong mainis o intindihin na lang siya.

Alam kong ginawa niya yun for my sake. Masyado akong mahal ni Andy para saktan. At dahil sa kagustuhan niyang protektahan ako, nasaktan pa rin niya ako nang hindi niya namamalayan.

Ang hindi ko lang matanggap ay of all people, si Andy pa? Siya pa na pinagkatiwalaan ko ng buong-buo. Yung akala ko na hindi ako kayang saktan, siya pa ang nangloko sa akin .

Yung tao pa na napag-aralan ko na ring mahalin..

---------

Kim's POV

Oh, God! Ansakit ng ulo ko. Madaling-araw na kasi kanina, buhay na buhay pa ang diwa ko. And until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko last night.

Alam kong ikakasal na si Cyriel at Ynna pero..

"Alagaan mo ang anak ko, hija. Mahirap 'yang intindihin pero salamat at napagtiyagaan mo siya. Sige na, mag-ingat kayo sa daan. Show Cyriel that you are the most beautiful woman in the world, in your wedding tomorrow."

Tomorrow? For Pete's sake.

Yun ang eksakto kong narinig na sinabi ni Tita kay Ynna bago siya sumakay sa kanyang car pagkatapos nung dinner namin sa bahay ng mga Perez last night.

Kung ganun, seryoso na talaga si Cyriel sa babaeng yun. Kung alam niya lang kung anong klaseng gulo ang pinapasok niya. Besides, mas maganda, faithful at less bitchy naman si DK kumpara sa witchy na yun.

Ilang beses siguro siyang ipinakulam ng b*tch na yun kaya ganun na lang siya kapatay na patay sa kanya na pati pangalan niya, e inoffer na rin niya. (How I wish na sana ganun rin sa akin ang kapatid niya. xD)

So much for that..

Ilang oras na ang nakalilipas pero hindi pa rin ako mapakali. I've been holding my phone right now for the past few hours already and I still don't know my purpose for doing so. Siguro nga, may gusto akong tawagan. But the real problem is hindi ko alam kung sino.

---------

Dana's POV

For Hire A Damn Good Kisser (Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon