2nd Part

39K 464 115
                                    

"Uy, Dana.." tawag sa akin ni Nof. "Kamusta na?" sabay yakap sa akin.

"Para namang antagal-tagal nating hindi nagkita."

"Huwag mo na ngang pansinin 'yan si Nof. Congratulations anyway, DK!" bati naman sa akin ni Kim.

"Congrats din, Kim. Ano na palang plano mo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"I don't know. Siguro, magpapakasal na kami ng boyfriend ko!" she joked around.

"In your dreams, Kim! Hindi 'yan mangyayari! E ni wala pa ngang progress ang relationship niyo ni Clarence eh, kasalan na kaagad." pang-aasar sa kanya ni Nof. As usual, nag-away na naman sila. Wala pa rin silang pinagbago.. para pa rin silang mga bata.

Natigil lang sila nang dumating na ang Besty Sara ko, kasama si Dave.

"Oy, ang tatanda niyo na, nag-aaway pa rin kayo! Graduate na nga tayo sa St. Claire oh!" pangangaral ni Sara.

Yes, that's right. One year had already passed. And now, proud akong sabihin na alumni na kami nila Nof, Kim, at Sara ng aming minamahal na school.. ang St. Claire Academy. At nandito kami ngayon kina Nof to celebrate our graduation..

Mamimiss ko rin ang school na yun. Maliban kasi sa pawis at dugo na inalay ko sa apat na taong pag-aaral para lang ma-maintain ko ang pagiging Dean's List, ay marami rin akong nabuong memories, good and bad to be exact, and I even made friends with these people.

"Wow, Sara! Kung umasta parang mature lady na ah!" pang-aasar ko sa kanya.

"Siyempre, Dana. Malapit na akong maging Mrs. Cruz eh. Besides, possible na magkaroon ka na ng inaanak, noh? At kapag nagkataon, we'll name it Dara kung babae, at Dave Jr. naman kapag boy." sabay halik niya kay Dave. Si Dave naman masyadong na-conscious kaya nag-blush na lang.

Last week ay nag-propose na si Dave. Sabi ni Sara ay bongga raw ang naging proposal, kasi sa beach raw ito ginawa. Nag-star gazing raw sila and they kissed under the moonlight. Pero not just a kiss! Kwinento pa niya talaga ng detalyado ang ginawa nila. Kumbaga sa libro, cover to cover. Kadiri talaga si Sara, pero kahit ganun, mahal ko siya..

"Ano ka ba, Sara! Huwag ka ngang ganyan! Naiinggit si Kim!" patuloy na pang-aasar ni Nof

"Shut up, Salvador!" tapos tuloy na naman sila sa habulan.. Hindi na nagsawa.

"Nga pala, Dana. Nasaan na si Andy?" tanong naman bigla sa akin ni Dave. Malay ko ba kung nasaan siya.

Come to think of it, wala pa nga rito si Andy. Kanina pa siya nag-text sa akin na papunta na siya pero until now, wala pa rin.

And then...

"Masyado na ba akong late, guys?" napalingon kami kung sino ang nagsalita. Si Andy pala.

For Hire A Damn Good Kisser (Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon