Pahina 3

14.3K 220 3
                                    

Pahina 3

"Good morning, Ever."

Hindi ko maitago ang pagkabangag ko. Kung kailan namang major subject kinabukasan ay tsaka ko nagawang magpuyat? Minsan ang bobo ko rin talaga!

"Tough morning?" Tanong ni Ever sa halos pabulong na boses siguro dahil may lollipop sya sa bibig.

"Yeah! Late na 'ko nakatulog kagabi. Anyway, si Bella?"

Hindi sya sumagot at basta iniabot sa akin ang cellphone nya. May text sakanya si Bella na hindi ito makakapasok ngayong araw at ipaalam nalang rin raw sa akin.

Oh well, Half day lang naman ang klase namin today. It won't hurt if she's not around. I still have Ever.

Minsan iniisip ko na pakiramdam ko naman ang independent ko na pero bakit hindi ganun ang nakikita ng ibang tao? Minsan lang naman na ayokong magisa lalo na pag ganitong maraming tao ang nakapaligid sa akin. Gusto kong may kasama.

Natapos ang isang subject na tulog ang katabi kong si Ever. I tried my best para hindi sya mapansin ng professor namin. Pero ganito na naman sya lagi at chill lang kahit na makita sya at mapagalitan.

"We still have an hour. Gusto mong sumama sakin sa Urban Brew? May kailangan lang akong tapusin. And i badly need a cup of coffee."

Tumango sya bilang sagot bago nag unat. Napaka kalmado ng babaeng to. Though para sa iba ay mukha syang weirdong tahimik na hindi mo mabasa ang nasa isip, para naman samin na kaibigan nya, mukha lang talaga syang chill at parang walang problema. Plus she really looks like a high class doll.

Nandito kami sa coffee shop at talagang tahimik dito. Samahan mo pa ng naka-mute na kaibigan ay perfect place talaga para makapagfocus.

Tinapos ko lang ang ipapasa kong project bago umorder ng makakain. Si Ever naman ay nakakadalawang klase na ng frappe at pagkain. I can't help but smile at her. She looks so innocent and cute.

"Ever? We've been friends since high school pero hanggang ngayon hindi ko pa alam ang ilang personal na bagay tungkol sayo."

Totoo naman. Matagal ko ng kaibigan si Ever at Bella pero tingin ko na masyadong masikreto itong si Ever when it comes to personal matters. Although yung iba ay alam ko na talaga pero mayroon parin akong gustong malaman. I don't even know what it is. Weird.

"Just ask." Matipid nyang sagot bago ako nginitian.

This looks interesting. Gaano kaya kahaba ang salitang pwede nyang isagot sakin ngayon?

"Ayos ka lang talaga na only child ka?" Pauna ko. Pag tango lang ang isinagot nya sakin.

"Hmm... How's your family?" Tanong ko pa. She signs ok as an answer.

"My god Ever! Kailan mo ba binabalak magsalita? Never?"

She looks straight into my eyes before she flash a smile. Parang nangungusap yung mga mata nya. Kung tutuusin, pakiramdam ko ngayon na basta titigan ko sya ng diretcho sa mata ay makukuha ko lahat ng sagot sa mga tanong ko.

"I'm sorry." Biglang lumabas sa bibig ko.

Wala syang ginagawa o sinasabi pero parang may naramdaman ako na kung ano at gusto ko lang humingi ng tawad sakanya. I don't even know what i've done.

"People tend to know more when they know less. Maybe ganun na talaga? When you're quiet, they think you're hiding something or being mysterious when infact, you just want to watch them, to care for them and listen to what they say. Without saying a single word."

I must say, For the very first time ay narinig ko ng malinaw ang tono ng boses nya. Yes it's not that feminine because she has a low tone voice, but there's surely something about her.

"You know what Maiko? It's true! Actions always speaks louder than words." Dugtong nya at nginitian muli ako bago ibinalik sa pagkain nya ang atensyon.

Nagising ako sa ulirat matapos nyang putulin ang pagkakatitig ng diretcho sa mga mata ko. Napakunot noo nalang ako dahil parang hindi ko na maintindihan yung nangyari.

This girl is such a mystery.

Paguwi ko ay nadatnan ko si Papa na nasa living room at nanonood habang nagkakape. Lumapit ako at humalik sa pisngi nya bago sana ay aakyat na.

"How's school?" Bigla nyang tanong bago pa ko makahakbang sa unang baitang ng hagdan.

"Uhm.. Ok naman po."

"Anak, halika nga muna rito at magusap tayo."

Dahan dahan akong lumapit at naupo sa tabi ni Papa. Sya, tunay ko syang magulang. Pero hindi ko maalis na mailang sakanya. Siguro dahil ay noon ang tingin ko, ako ang sinisisi nya kung bakit namatay ang mommy ko.

My mom died after giving birth to me. Kung tama ang pagkakaalala ko, mahal na mahal talaga ni Papa si mommy. Mabait raw kasi sya, maalaga, malambing at mapagmahal raw. Kamukhang kamukha ko raw ang mommy ko sabi ni nanay Delia. Baka tuwing nakikita ako ni Papa ay naaalala nya si mommy at naaalala rin na wala na ito.

"Look anak, alam kong ayaw mo sa kurso mo pero-"

"Hindi naman po ako nagrereklamo."

"Alam ko. Pero ramdam ko naman na napipilitan ka lang talaga. Siguro naman alam mo kung bakit yan ang pinakuha ko sayo?"

"Yup! Para kahit papano, nakalinya sa medicine. Makakapaglitas ng taong pwedeng mamatay na-"

"Maiko—"

"I get it, Pa! Pwede na po ba kong umakyat? Magpapahinga na po muna ako."

Pansin ko ang paghugot ni Papa ng malalim na paghinga. Napapikit pa sya siguro ay dahil sa frustration. Alam kong gusto nyang maging malapit kami pero sadyang may dingding na pumapagitna sa amin.

Dingding na alam kong ako mismo ang gumawa. I don't even know how to smash that wall especially ngayon na ang taas taas at parang ang tibay na nito.

"Sige. Papatawag nalang kita kapag maghahapunan na tayo."

Tumango lang ako at tumayo na. Halos takbuhin ko paakyat hanggang sa kwarto ko. Ibinagsak ko nalang ang katawan ko sa kama at napatulala na naman sa kisame.

Maraming tao dito sa bahay. Kumpleto rin kaming pamilya na nandito ngayon pero pakiramdam ko na magisa lang ako. Hindi ko alam kung ako lang ba talaga tong gumagawa ng problema ko eh.

Here we go again, Nababaliw nanaman yata ako.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon