Chapter 1

88 11 4
                                    

 Ella on the right side.

Ipinikit ko na ang aking magagandang mata dahil alam ko na hahalikan niya na ko.

Waaa! ready na kong matikman ung kissable lips niya. Ayan na!

*BOOOGSH*

-Ella's POV-

"ARAY!! Anu bang problema mo Kara?! Andun na e! Hahalikan niya na ko!"

"Tama na yang pagpapantasya mo Bes, pinagtitinginan ka na ng mga kaklase natin!"

Lumingon lingon ako para makita nga kung pinagtitinginan na ako.

O_o   >.>   <.<   -_-   +_+   *_*  (mga itsura nila)

"Uhmm Hehe, Sorry" *With matching peace sign pa*

"Psssh!" antaray talaga ni Ma'am oh. 

Haaay, Makapagpakilala na nga lang. I'm Ellaine Denise Perez, Ella for short. Ako lng naman ang kaisa-isang granddaughter ni Mrs. Delfina Perez, ang may-ari ng pinakatanyag na kompanya dito sa Pilipinas. Ang Perez Corporation. Nagtataka siguro kayo noh kung bakit si Mamita ang inintroduce ko sainyo. Well, ulila na kasi ako. Namatay sila dahil sa car accident. Dapat nga kasama ako dun e.Kaso hiniram ako ni Mamita. Lalaruin niya daw ako. 

Socialite ako kaya medyo popular na ako dito sa university. Marami man akong friends pero isa lng talaga ung bestfriend ko yun si Kara. Yung ng batok sakin kanina nung hahalikan na sana ako ni Nathan :(. 

Sino si Nathan?

Siya lng naman ang ultimate crush ko dito sa university. Deds na deds ako sakanya simula pa nung 1st year ako. Ang pogi kasi eh!

Di ko nga alam kung bakit di niya ko mapansin! Eh halos lahat ng lalaki dito, Pinagpapantasyahan na ko! Charrs. Wahaha!

Nga pala. Favorite color ko ang pink! 

I LOVE PIIIIIIIIIIIIIIIINK!

Punta kayo sa room ko! Halos lahat ng color na makikita mo PINK! Haha.

Pero hindi porket na favorite ko na ang pink maarte na kaagad! Marunong ata tong mag Taekwondo noh! Black Belter pa! Say mo!

KRIIIIING! KRIIIIIIING!

"Class you're Dismiss" Yes wohooo! Makikita ko na si "The apple of my eye ko"

 Si Nathan! Yieeeeeeeeee.

Paglabas ko, Nakita ko kaagad siya! Huwaaaah! So pogiiiiiiiiiiiiiii!

Lalapit na sana ako ng biglang,

"Hi Nathan, pwede mo ba akong ihatid hehe" *ayos ng buhok sabay ngiti*

"Sure, cge pre. Mauna na ko." 

Totoo ba yun?! Pumayag siya na ihatid ung bruhitang yun?! NO!!!!! MY NATHAN! HUWAAAAH! Di hamak naman na mas maganda ako kaysa sa mukhang Dugong na yun noh! Ganun na ba talaga ka-baba ung taste niya?! Tampo ako! Selos ako! Huwaaa!

"Bes, punta muna tayo sa cafeteria, nagwawala ung mga alaga ko e! Gutom na!" Ang PG talaga netong si Kara

"Geh"

Pagpasok na pagpasok palang namin ni Kara. May nahagip ang aking mga mata!

Isang babae at isang lalaki na NAGLALAMBINGAN. 

At eto pa! SI NATHAN MY LOVES KO YUNG LALAKI!!!!!!!!!!! HUWAAAAAAAAAAAAAAA! 

Pigilan niyo ko!!

Umorder na kami ni Kara ng food namen.

Yung kanya, halos nasa restaurant na sa dami! May pa dessert dessert pang nalalaman ang bruha. Yung akin naman tuna sandwich lng tsaka juice.

Nakakabanas na talaga! Kung kanina naglalambingan. Ngayon naman nagsusubuan! Akala ko ba aalis na tong dalawang toh! Psshhhh!

"Hinihiwa na pala ang sandwich ngayon Bes!" Sarcastic na sabi ni Kara

Tss. Sa selos ko, di ko na namamalayan na hinihiwa ko na yung sandwich. Wahaha!

"Kara, pigilan mo ko!" sinasabi ko yun habang nakatingin parin sa dalawang naglalampungan.

Agad namang napatingin si Kara sa tinitignan ko.

"Ay hindi! Gorabels! Suportado kita!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko! Tumayo na ko at sinugod sila.

"Uy! Ella! Joke lng yun! Huy! Wag!" inaawat niya ko.

"Hoy Dugong! Lumayo ka nga sa Nathan ko!" napalingon yung babae. Wahaha! Aminado siyang mukhang Dugong. Tas ung ibang tao pinagtitinginan na ako. Psssh I don't care.

"Are you talking to me?!" Aba aba! Ini-english pa ko!

"Oo naman! Sino pa bang mukhang dugong dito!" Nagtawanan yung mga ibang tao dito sa cafeteria.

Tumayo na siya at akmang sasampalin ako pero sinipa ko agad siya! Napatayo naman si Nathan my loves.

"Black Belter toh ng Taekwondo teh!" Tawanan ulit ung mga tao. 

"Sino ka ba ha? Bat ka ba nakikialam samin?!" Aruuuuuy ang sakit! Si Nathan yun e.

"Sino ako??! Ako lng naman si Ellaine Denise Perez, Ella for short!" 

"Bat mo ba kami pina-pakialaman? Di naman kita girlfriend a! Ni hindi nga kita kilala e!" Arrrrrruuuuy! Tagos teh! Ansakit! Ansakit mapagsalitaan ng ganun ng crush mo!

"Bat ko kayo pinapakealaman? Kasi gusto kita! Manhid ka nga lng Pssh!" 

O_O <---- mga itsura ng tao sa paligid namin.

"Thanks nalang dahil gusto mo ko, Pero hindi kita gusto e. Your not even my type!" Oucch! It hurtssssss!

"Woooah" letche talaga ung mga tao! Nakikinuod na nga lang may pa sound effects pang nalalaman!

Binuhat na niya yung mukhang dugong na bruha na yun at tumakbo na papuntang clinic.

Hinihimas naman ni Kara ung likod ko para gumaan ng konti ung loob ko.

"Oh kayo! Anung tinitingin tingin niyo diyan?!" sinigawan ko ung mga taong nakatingin parin sakin.

"Ooops, sorry" *Sabay alis*

Umuwi na ko. Nakakahiya naman kung magsi- stay pa ko dito sa university noh!

...

Pag pasok ko palang ng bahay, nakita ko na kaagad si mamita. Nanunuod ng news. Pshhh

"How's your day iha?" Haay nako! tinanong pa!

"Hehe, mabuti naman po. Masaya" *sabay mano* Kung alam mo lng mamita! Yung crush ko pinahiya ako! 

Pumasok na ko sa kwarto ko.

"Buti nalang talaga ang cute netong room ko, nakakagaan ng loob kahit papaano" 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:  Thanks sa mga nagvote dun sa Prologue.  :)

 VOTE.  COMMENT.

GorgeousTwinkle♥ 

I Failed(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon