It's been 2 years but the pain's still the same.
I can still remember that rainy night. How I saw him kissing other girls. How drunk he was with... I don't know. Is it because of alcohol around their table or because of that slut, giving him french kisses while sitting on his lap?
We've been together for 5 years already. At sa tingin ko'y nagsawa na siya.
Pero kahit ganoon, hindi pa din nagbago ang pagmamahal ko sa kaniya. Call me stupid, tanga, whatever. I don't fucking care anymore.
"Hoy! Tulala ka na naman!" ani Adrian, best friend ko, sa akin habang gumagawa kami ng presentation dahil dadating ang mga investors ng aming kompanya ngayon. Natulong din ang iba naming kateam pero dahil sa sobrang busy nila, hindi na nila ako napansin na nakatulala bukod kay Adrian na parang binabatayan ang kilos ko. Kanina niya pa kasi iyon napupuna.
Kahit tinutusok tusok niya ng paulit ulit ng pisngi ko, hindi manlang ako natinag sa ginagawa niya. Bigla na lang nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha.
Shit. Hindi ka pa rin ubos?
"Anong nangyari sayo, Bea?" nagaalalang tanong ni Adrian at agad pinunasan ang luha ko gamit ang kaniyang panyo. Ramdam na ramdam ko ang pagaalala sa kaniyang boses kaya lalo akong humagulhol.
Nag-alala din kaya siya sakin?
Noong gabing nahuli ko siya, basag na basag ako. Sobra sobrang sakit ang naidulot niya sakin.
Nanatili muna ako sa sulok, pinapanood sila kahit pa malabo na ang nakikita ko dahil sa mga luha na parang hindi titigil.
But when his hand traveled inside that bastard's short slutty dress, hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsugod at paghila sa buhok ng malanding 'yon.
"What the fuck, bitch?" sigaw ng babae nang nalaglag siya sa pagkakaupo sa sahig.
Nakita kong nanlaki ang mata ni Richard sa ginawa ko... O sa presesya ko mismo. Agad siyang tumayo at sinubukang hawakan ang siko ko.
"Beatrice, let me explain-"
Sinampal ko agad siya. Hindi natulo ang luha ko. Siguro namanhid na dahil sa paninitig ko sa kanila kanina.
"Explain what, Richard? Hindi mo na napigilan ang tawag ng kalamnan mo kaya naghanap ka ng iba, ha? Hindi mo napigilan kasi alam mong hindi kita pinagbibigyan, ha?" sigaw ko sa kaniya.
Wala na akong pakealam sa nakakarinig samin ngayon. Naubos na yata ang pake ko.
Luminga linga siya sa paligid at nang nakita niyang pinagtitinginan na kami ng mga tao, hi awakan niya ang siko ko.
"Let's not fight here, please. You're making a scene here." bulong niya
Hinawi ko ang kaniyang kamay at sinampal ulit siya. Napapikit siya sa lakas ng ginawa ko at kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Hindi agad siya nakabawi sa ginawa ko.
"Punyeta, bakit? ha? Ayaw mong malaman ng mga tao dito kung gaano ka kawalang hiya? Ha?" sigaw ko sa kaniya. Nasasaktan ako na hindi manlang siya makapagsalita sa ginawa niya sakin.
Nasasaktan ako kasi umaasa ako na humingi siya ng tawad pero hindi niya ginawa. Siguro, kung sakaling sinabi niya ang mga katagang "I'm sorry", siguro hanggang ngayon nagbubulag bulagan pa rin ako sa ginawa niya sakin. Sabihin niyo nang tanga ako, pero walang makakapantay sa pagmamahal ko sa kaniya.
Pinangako niya sa mga magulang ko bago sila pumanaw na siya ang bahala sa akin.
Mabuti na lamang at nag-ayos ako sa pag-aaral at nakakuha ako ng magandang trabaho. Kung hindi, tae ang tingin niya sakin ngayon dahil wala akong maibibigay sa kaniya.
Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya. Naguluhan siya sa ginawa ko kaya sinabi ko na ang pinapahayag ko.
"Give me my card back, mother fucker." malamig kong sinabi sa kaniya. Oo. Binigay ko sa kaniya ang isang credit card ko dahil naggipit siya at dahil mahal ko siya, ibinigay ko ang isa sa kaniya dahil kailangan niya ito. Pero ngayon na nakita ko na kung saan niya ginagamit ang card ko, hindi siya worth it na bigyan.
Nanlaki ang mata niya at lumuhod sa harap ko.
"Babe, 'wag namang ganyan, babe. Alam mong wala akong pera ngayon." pagmamakaawa niya.
Muntikan na akong maawa sa kaniya, pero nanaig ang galit ko sa kaniya.
Nanliit ng mata ko sa kaniya. "Ang kapal naman talaga ng pagmumukha mo, ano? Niloko mo na ako't lahat lahat, gusto mo pang ibigay ko ng tuluyan sayo abg credit card ko? Are you fucking kidding me?" iritadong tanong ko sa kaniya.
Naluha luha siya at napansin kong wala talaga siyang balak na ibigay ang credit card ko kaya agad kong hinagilap ang wallet niya. Nakipag-agawan pa siya pero nakuha ko din ito at nang nakuha ko na ang card ko, binato ko sa pangit niyang pagmumukha ang wallet niyang bente na lang ang laman.
"Tangina mo. Sobrang kapal ng mukha mo. Oh yan. Tignan ko lang kung makabili ka pa ng kahit ano sa bente na yan." singahal ko sa kaniya.
"Bea, please. Baby..." pagmamakaawa niya. Nang hinawakan niya ang binti ko, tinadyakan ko siya sa tiyan. Swerte niya, nakaheels ako ngayon.
"Dont. fucking. touch me. with that. fucking. hands. of yours." mariin kong sinabi sa kaniya at sinuntok siya sa mukha kaya siya nakatulog sa lamesa.
Agad naman siyang dinaluhan ng malandi niyang kabit. Kinilabutan ako sa nangyayari kaya agad kong hinaplos ang mga braso ko. Nakakadiri ang dalawang 'to.
"Baby? Are you okay?" malanding tono ang ginamit ng babae. Muntik na akong masuka. "What did you do?!" sigaw sakin ng babae.
"Obviously, sinuntok ko siya." irap ko. Tanga ba tong babae na to? Sinasayang ang oras ko kaya tumalikod na ako at miniddle finger na lang sila. Mga bull shit.
Pero bago pa man ako makalayo, tinapunan niya ako ng alak sa likod. Amoy na amoy ko pa kung anong alak iyon. Absolut, huh?
Agad ko siyang nilingon at deretsong sinuntok sa mukha. Punyeta ka, maghahamon ka na lang ng away, doon pa sa hindi mo naman pala kaya? Tulog ka tuloy.
Naglapag ako ng pera sa lamesa para sa batad sa Absolut na tinapo ng bwisit na yun sa akin. Baka walang pangbayad eh.
Kung maglalandi ka lang din naman, siguraduhin mo din na may pangbayad ka sa mga itinatapon mo.
Derederetso ang lakad ko palabas ng bar, hindi pinapansin ang tingin ng mga tao sakin. Gusto ko na lang at umiyak magdamag. Buong linggo. Buong buwan. Buong taon. Ayoko na.
Fuck all of you.
BINABASA MO ANG
One-shots \(^.^)/
RandomSo, these are my one shots. Just fucking read them if you want to. nakakatamad talaga gumawa ng description seryoso.