CHAPTER 1

11 0 0
                                    

ALLIE'S POV

Naglalakad-lakad ako sa bagong campus na pinapasukan ko. Kasalukuyan kong hinahanap ang locker ko para sana mai-ayos ang mga gamit ko doon.

"Oww..another new student huh?"Sabi ng isang lalaki habang patango-tango pa.

Napalingon ako sa kanya dahil aksidente palang nabunggo ko siya. Sorry naman di ko naramdaman eh dahil medyo mahina lang naman ang pagkakabunggo namin, at aminado rin naman akong hindi nakatingin sa daan dahil inililinga ko nga ang paningin ko para mahanap ang locker ko.

"A-ah I'm sorry." Nauutal kong sabi dahil kinakabahan ako sa kanya. Siya ata ang siga rito ayon sa tindig at postura niya.

Pagkatapos kong humingi ng paumanhin ay lalagpasan ko dapat siya para sana maipagpatuloy ko na ang paghahanap ko sa locker ko ng harangan niya ako.

"Teka. Hindi pa ako tapos sa'yo eh." Then an evil smile suddenly appeared on his face.

Naglalakad siya papalapit sa akin at ako naman ay umaatras. Atras lang ako ng atras hanggang sa may maramdaman akong matigas sa likuran ko dahilan para mapahinto ako. Hindi naman sing tigas iyon ng pader kaya naman nilingon ko kung ano ang nabangga ko. A guy wearing plain yellow shirt and maong pants.

"What's happening here?" Pormal na tanong nung lalaking naka yellow shirt.

"Nothing. She just bumped into me earlier."

"Then why are you walking towards her?" Kalmadong tanong niya at hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha niya simula nung mabangga ko siya.

"Because that's my way to our room."

"Masyado namang malaki ang hallway para salubingin mo pa ang daan niya? Pwede kang gumilid at d'yan maglakad, kung 'yon lang talaga ang intensyon mong gawin." Anak ng...nakakapag tagalog naman pala eh paduduguin pa ilong ng mga nakakarinig?

"A-ah e-eh oo nga! Sabi ko nga eh! Sige na. Mauna na ko ah?" Sabi niya at patakbong umalis ngunit ang daang tinahak niya ay salungat naman sa sinasabi niyang dapat ay dadaanan niya.

Hinabol ko muna ng tingin yung lalaking yun bago maisipang magpasalamat sa lalaking naka yellow. Pero parang bulang naglaho ito sa tabi ko, at nang ilinga ko ang ulo ko ay nakita ko siyang naglalakad na papalayo.

'Sa susunod na lang siguro.'

Nahanap ko na yung locker ko. Iniwan ko ang mga gamit na hindi ko pa kakailanganin sa ngayon. Inayos ko ang gamit ko sa loob at isinara ang locker ko.

"Ayy! Bwisit!" Pagbaling ko kasi sa kanan ay nakita ko yung lalaking nakayellow shirt na nakatitig sa 'kin at hindi maalis ang ngiti.

'Kanina lang ay nakita ko na siyang medyo malayo na, tapos sinara ko lang locker ko nakita ko ulit siya? Aissh.'

Nang makarecover ako ay dun ko lamang naisipang magpasalamat. "Thanks nga pala, dun sa, kanina." Nahihiyang sambit ko.

"Hmm. Wala yun! Transfer student?" Nakangiting pagtatanong niya sa akin.

"Ah yah! Galing sa school na malapit lang dito. How about you?" Pagbabalik ko ng tanong. Nakakaloka makipag englisan ah!

"I'm also a transfer student, also from the school that you are talking about. It's CIHS right?" Paniniguro niya.

"Yes CIHS. Pero sa ilang taon ko na dun parang hindi naman kita napansin?" Tanong ko at natawa naman ito. Ang cute niya sa tawang iyon.

"May kalakihan kasi ang CIHS. Also, last year lang ako nag-aral don, bago doon ay sa iba pa ako nag-aaral, bali transfer student lang rin ako last year. Hindi rin ako pala ikot sa campus, kaya malabo rin talagang makita mo ako." Masayang kwento nito.

5 Colors of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon