CHAPTER 10* FOUNDATION ANNIVERSARY *
Paki-abot naman ng gunting, at paki design na din ng letters na to para sa tarpaulin mamaya.
Utos ng SSG PRESIDENT.
Mga busy lahat dito dahil sa gaganaping Foundation na anniversary ng University'ng ito.
Kaya maaga talaga ako nagising at nagtungo ng skwelahan para lang makatulung dito sa ag dedecorate. Kasama ko nga pala ang buong section namin maliban sa mga boys na may kani-kanila ding ginagawa.Pagkatapos namin mag design ay isinunod naman namin ang pag aayos sa stage at sa tulong ng iba pang section ay natapos din ito na hindi umabot sa limang taon..
Maya maya pa ay nagsisimula na ang program pero bago ang main event ay meron munang mga Nag perform ,may sumayaw, may kumakanta ,may vocal solo. At duet at kung ano ano pang mga ka echosan ang ginawa ng mga nag-aaral dito.
Dahil manunuod lang din naman ako ay napagpasyahan ko nalang na maupo sa gilid ng stage.. At doon nakita ko ang kaba sa mukha ng mag v0-vocal solo. At ang kakantahin niya ay OPM song daw.
Nang magsimula na ang gitara ay siya din naman ang pagsimula niya ng pagkanta.
NOW PLAYING BA'T DI MO PAGBIGYAN'
🎶🎶BAKIT BA HINDI PWEDENG MAGING TAYO' ANG NAIS MO AY KAIBIGAN LANG AKO🎶 DINAMDAM KO NG LUBOS ANG MGA SINABI MOOOO... WALA NA BA AKONG PAG-ASA SA PUSO MO.
Pagkanta ng babae sa Taas ng stage, hindi naman ngayon valentines eh' pero bakit love song yang kinanta niya? Hindi ba siya marunong mamili ng kanta na aakma sa okasyon?" Hayyy na ta-touch tuloy ako sa bawat lyrics ng kanta na sinasambit niya. Paano ba naman with emotion pa kasi ang paraan ng pag-awit niya. May pinagdadaanan ata itong si ating!
Nang matapos na niya ang kanta ay siya namang palakpakan sa paligid , marami din palang mga studyante amg nanunuod nito..
May narinig pa akong nagsisigaw na mga lalaki
"Akin ka nalang Ms.!!!! Sabi nang nasa nagkukumpulang kalalakihan. Tsssk! Manyak! Napailing na lamang ako sa mga naririnig ko.
Pagkatapos ng kumanta ay may sumayaw din na hindi ko naman maintindihan kung nag kakarati ba sila o ano. . basta tumitingin lang ako sa isang lalaki na biglang susuntok sa hangin tapos may pa alon-alon pa ng kanyang kamay. Yung isa naman kikimbot tapos bigla na lang mag aala ninja moves, yung katabi niya naman ay parang si Jackie chan. Hayy ewan di ko maintindihan yung mga ginagawa nila. Oo alam kong hiphop yung sinasayaw nila pero ang pangit tingnan mga sis.
Since nababagot talaga ako ay naisipan kong tumambay sa Puno ng mangga habang tinitingnan ang mga studyanteng nagsisitakbuhan. Pero bakit kaya mag-isa lang ako dito?" Bakit walang tumatambay sa punong ito. Hay weird naman. Isinandal ko ang ulo ko sa puno ng mangga habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa aking makinis na mukha at nililiad nito ang rebanded hair ko na nilagyan ko pa ng conditioner ng tatlong beses.
Maya maya pa ay may naramdaman akong humigpit ang pagkakahawak sa braso ko at nang iminulat ko ang mga mata ko ay unang tumambad sa akin ang lalaking may naka printed na SSG sa kanyang t-shirt.Hindi na ako nanlaban dahil pinaliwanag naman niya sa akin kung bakit niya ako hinuli. Kaya pinagsisihan ko talaga ang pag tambay sa puno ng mangga na yun.
Inilagay lang naman ako nila sa Kulungan at isinarado ito.
"Hindi ka po makakalabas jan kung walang tutubos sayo. Sabi ng lalaking nagdala sakin dito.
Wattda?" Ano?? Eh' mga baliw pala sila eh' paano nalang kung wala tlaga magtubos sakin dito? Eh' mabubulok ako dito ganun??
Nakadungaw lang ako sa labas habang pinagmamasdan ang mga iba pang studyante na hinuhuli din. Laking pasasalamat ko naman ng may nahuli na namang isa para may kasama naman ako dito. Pero nilagpasan lang nila ang pinaglalagyan sa akin at sa kabilang kulungan inilagay amg bagong huli nila kaya napa-upo na lang ako sa sahig.Itinxt ko si Kierra baka sakali tubusin niya ako dito para makalabas naman ako.
Me : Bessy, tubusin mo ako nahuli ako nasa room 12 nila ako inilagay.
Message Sent
Nov. 16 , 2017Hayyyy! Mabuti nalang dala ko ang phone ko at may load ako.
Maya maya pa ay nagreply na siya.
FROM : DIYOSANG MALUPIT KIERRA'
' Nahuli din nila ako bess, dito na yata ako mabubulok paki alagaan nalang ang dalawa kong aso, painumin mo ng gatas, arugain mo gaya ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanila. Patutulugin mo si Hannah (babaeng aso) wag palalabasin ng bahay,bata pa siya para lumandi. K bye. Pakisabi na rin na mahal ko sila. Huhuhuhu
Madramang reply sakin ni Kierra ,loka loka talaga ang babaeng yun, imbis na mainis ay napatawa na lang ako dahil sa ka abnormalan niya.--KRECCCCKKKKKKK!
"Wahhhh may mumu pa yata dito eh' ito na ba yun tapos kakainin ako?
Napatingin naman ako sa sulok kung saan nanggaling ang tunog na yun.. At parang may tao din doon sa bandang kanan medyo madilim kasi kaya hindi ko masyado maaninag.
Hello! May tao din ba dito maliban sa akin?" Pasigaw kong tanong habang sinusuri ang pinagmulan ng ingay.
Maya-maya pa ay nakikita ko na ang anino nitong naglalakad papunta sa akin at ganun na lamang ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
* TO BE CONTINUED *
WAHHHHHHHH! PASENSYA NA GUYS SA PABITIN EFFECT! hahahaha Nasa next chapter na po ang Continuation nito at malalaman niyo na kung sino ang kasama ni Yasmine sa loob.
What do you think ? Sino sa tingin niyo ang nasa loob?
COMMENT and VOTE po!
Salamat! 😘😘
ENJOY READING!
BINABASA MO ANG
When Yasmine Meet Yvan
HumorKinainisan sa umpisa pero sa huli ay minahal din nya.! Ang weird no?" Haha wala eh mahirap kasi pag natamaan ka ni Kupido. Love Four letters One syllable Minsan masarap Minsan mapakla Yan ang tunay na definition nang love Pag nagmahal ka handa mong...