Chapter 5: Messages

7 0 0
                                    

~•~

Saturday today, walang pasok, obviously. I planned na mag-shopping but, tinatamad naman ako. Siguro mamaya na lang. Nandito ako sa sala. Nakapatong ang mga paa ko sa center table, popcorn on my right side and phone, laptop and remote on my left side. Kinuha ko 'yong remote at nilakasan ang volume. Nanunuod lang akong movie. Pero kahit na, sobrang bagot parin ako.

"Yaya!"di umabot ang limang segundo, nasa harapan ko na si Yaya hingal na hingal pa 'to.

"Y-yes Yushiu?"tanong n'ya sakin. Nakahawak pa siya sa tuhod niya at sobrang bilis ng paghinga nya.

"Anong nangyare sayo?"takang tanong ko. Binaba ko 'yong paa ko sa na nakapatong sa center table.

"W-wala. Nagmadali kasi ako papunta d-dito."sabi niya pa at unti-unti na s'yang umayos.

"Gusto mo popcorn?"tinaas ko pa 'yong lalagyan ng popcorn. Umiling naman si yaya. Siya kasi parati kong tinatawag pag may kilangan ako. Well, mas comfortable ako sa kanya kesa sa ibang mga maids namin dito.

"Jusmeyo kang bata ka. Hinihingal na nga ako, papakainin mo pa ako n'yan. Papatayin mo ba ako, ha?"nakapameywang pa siya sa harapan ko.

Tinapon ko sa harapan ni yaya 'yong isang throw pillow sa tabi ko. "Ya! Alis ka nga d'yan. Nanunuod ako ng camp rock e."

"Nako kang bata ka! Wala ka bang lakad ngayon?"tanong ni yaya habang pinupulot iyong nagkalat na throw pillow kasama iyong tinapon ko sa kanya.

"Wala ya e."binalik ko ulit ang mga paa ko sa center table at kinandong ang throw pillow. "Pakuha na lang akong juice ya."

Tumango naman si yaya. "Thanks yaya,"sabi ko bago siya pumasok sa kusina.

Kinuha ko iyong cellphone ko na nasa tabi ko lang. May 23 messages 'yon. 5 kay Claire, 2 kay Zethcana, 1 kay Elias, 10 sa triplets--Halos kina Uno at Dos lang pala tapos may 1 kay Tres. May dalawang galing sa unknown number.

Binuksan ko naman. Syempre, curious ako e.

'You're smiles make me melt. :)'

'Have a great Saturday <3'

Iyan lang naman ang naka-lagay d'un. Ang creepy ng una niyang message ah! Kala mo nakikita--nakikita niya ako?! stalker ata to e!

In-open ko iyong twitter ko. May tweets galing kina Claire at Zethcana. Tinignan ko naman iyong DM's dahil meron akong 2.

'yong una ay galing sa friend ko sa US. Nangangamusta. If I know nakikipag-plastikan lang 'yon. Duh!

Yung isa naman galing kay WeirdSmiles.

'Saranghae <3'

'Have a great Saturday'

What the heck! Parang 'yong sa unknown number na nagtext lang sa'kin ah?

Tinignan ko 'yong timeline nya pero wala naman siyang tweets. Naka-follow lang siyang isa, which is ako. Kaagad kong binlock 'yong WeirdSmiles. Naninigurado lang nu. Baka di natin alam, killer pala 'yon tapos stalk ng stalk sa'kin kase mayaman ako. D-u-h! people do anything for money.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng marinig ko ang tunog na nagsasabing may bago na naman akong message. I got confused when it was from an unknown number again. I open and read it, anyway.

'Hey, girlfriend. Mall tayo 4:00 pm. See you at Max :* -Claire pretty evah.'

Nangunot naman ang noo ko. Nagbago ng number si Claire? Well, hindi naman imposible. I didn't reply na lang sa kanya. Tumayo ako sa pagkaka-upo ko. Pinatay ang tv at umakyat papuntang kwarto para maghanda na. It's 2 pa lang naman. Yes, it's 2 in the afternoon at wala akong ginawa kaninang umaga kase 11 na ako nagising.

The Cute Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon