'I think I'm fallin' fallin' inlove with you,
and I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away
but I'll say it anyway,
I think I'm fallin'... for you...'
Nakasalpak ang earphone sa aking tainga, seryoso akong nakikinig sa isang awitin ng paulit ulit. Naka upo sa aking silya sa loob ng room. Katabi ko ang bukas na bintana at tulala habang nakadungaw, naghihintay ng sariwang hangin. Free time at kaonti lang kami na naiwan sa loob.
Tuloy-tuloy na sana ang pagtakas ko sa reyalidad, kung hindi lang umilaw ang screen ng aking phone at makumpirma na tumatawag si Ivory.
"Bakit?" pasigaw kong tanong, istorbo eh.
"Oh, ikaw naman! High blood?" pang-asar niyang tono.
"Bakit nga!" pag uulit ko.
"Eto na nga, 'di ba nag papasundo ako sayo dito sa court! Kanina ko pa na i-text yon sayo, wala ka pa rin hanggang ngayon, Zhan. Paasa ka." pag iinarte niya sa kabilang linya.
"Tse. Tinatamad ako, ikaw tong iniwan ako mag isa sa room! Ang sabi mo ay mag ccr ka lang."
"Kaya nga pumunta ka dito ng makita mo!" aba.
"Huh! umiyak ka muna." natatawa kong asar sa kanya.
Pero ang katotohanan ay malapit na ako sa hagdanan para bumaba. Iniinis ko lang siya pero 'di ko siya matitiis.
"Sige na dali, bulok na ang mga dahilan ko para makatakas sa mga nanghaharang na boys! Gad." Naiirita pero may bahid ng kalandian.
Tsk, as if naman na hindi neto gusto ang hinahabol habol ng mga kalalakihan, ang sabihin niya, wala lang siguro don yung crush niya. Wala siyang dahilan para mag paselos. Di naman siya pinapansin.
"Ang ganda mo kasi e no!" nasabi ko na lang, na may halong katotohanan.
Hagikgik lang ng isang maarteng babae ang narinig ko mula kay Ivory Sarmiento.
"But! make sure na walang nag papractice na players, tataguan talaga kita." pagbabanta ko.
Natahimik ang kabilang linya, walang sagot.
"Ah basta! Bilisan mo, nagugutom na'ko!" hanggang doon na lang at na call ended na.
Huminto ako sa kalagitnaang parte ng court, Iginala ang tingin. Oo nga't may mga lalaki, basketball players. Malakas ang loob ko pumunta sa gitna, dahil nagpapahinga ang mga katatapos lang mag practice. Pero wala si Ivory!
Inaartehan lang yata ako ng loka. Sinayang ko ang pag momoment ko sa room para kumagat dito? ako pa yata ang tinaguan, pashnea. Mag-pasalamat siya at natigil ang pawisan na mga lalaking ito para mamahinga, bago ako pumarito. Hmp! Kaya naman pala natahimik kanina ang loka.
Magagawa ko na sana ang umalis sa lugar na iyon, kung hindi lang nahagip ng mga mata ko ang pag bato ng player sa bola. Pabiro. Hindi niya ako napansin, mukang hindi niya intensiyon na i-shoot ang bola sa ring!
Natulala ako.
No, no, no. Sa lawak ng court, wag sa pwesto ko. Wag sakin.
Sa mga segundong ito, hindi ko man lang maihakbang ang mga paa ko.
Mapapahiya ako sa buong buhay ko, pero wag naman ngayon.
Mahigpit ang pag kakapikit ng aking mga mata. Nasa isipan ko lang ang hindi mailabas na pagtili. Parang isa akong estatwa makatayo, sabayan pa ng pagtigas na katawan.
Akala niyo ba sa love at first sight lang nangyayari ang slow motion?!
Hindi! Dahil sa mga segundong ito hindi parin tumatama sa pagmumukha ko ang bilog na bagay mula sa ere. Sa akin ba iyon mahuhulog, o nag aasume lang ako?
Nakarandam ako ng presensya sa kaliwang bahagi ng aking katawan, at sinalo ng aking kaliwang tainga ang mainit na paghinga. Gad! Nangilabot ang katawang lupa ko.
Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata ang pag hagkan ng isang matipunong lalaki sa aking kanang kamay. Nakuryente ako."Sa susunod na may mahuhulog sayo, wag kang tatanga tanga, Na kung may posibilidad na masaktan ka, Iwasan mo." malamig niyang tuwiran.
Inabot niya sakin ang bola! Hanggang sa maglakad paalis na ang dalawang kamay ngayon ay nakapasok sa kanyang bulsa.
"Ay sorry, Zhanaya. Hindi kita napansin sa pwesto mo. Buti na lang at nasalo ni Raven yung bola bago ka pa tamaan." pag papahingi ng paumanhin ng isang player sakin. Aero San Diego. Hindi ko manlang napansin ang pag lapit niya. Masyado yata akong natulala sa pangyayari na yon.
"Ay wala yon, anyway nakita mo ba si Ivory? Sabi niya kasi ay nandito siya? Baka lang naman." pag sasabaliwala ko sa nangyari.
Tumikhim siya.
"Hindi." lang ang tangi niyang sagot at nag paalam na babalik na sa kapwa niya manlalaro. Hmm.
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionBola, isang bilog na bagay, na kung tutuusin ay maihahambing sa sitwasyon na kinakalagyan ni Raven Fortaleza. Siya'y hindi mo matatawag na pinaglalaruan, kung sa katunayan, ay ikinasasaya ng kanyang pagkatao ang mapasakamay ng kung sino mang mga man...