Prologue

23 6 3
                                    

 DELA TORE ASIAN SCHOOL 

Habang naglalakad sa hallway si Maxine kasabay ang kaibigang si Levi naagaw ang atensyon ng dalawang dalaga nang biglang may sumigaw.

" Hoy! Hindi mo ba ako nakikilala?! " Sigaw ng isang lalake.

Napalingon si Maxine at Levi sa mga estudyanteng nakapalibot sa isa sa mga hilera ng locker. Dahil naintriga ang dalawa sa nangyayari ay nakisingit sina Maxine at Levi sa mga studyante. Tumambad sa paningin ng dalawa ang dalawang gwapong lalake na kasalukuyang nag bubugbugan sa harap ng maraming tao. Sa kalagitnaan ng mainit na palitan ng mga suntok ng dalawa ay nagsimula na rin sigawan na mga estudyanteng nakikinood sa kanilang pag tatalo.

" Kaya mo yan Xander! " Sigaw ng mga babaeng sumusuporta kay Xander

" Xander pare tapusin mo na! " Sunod na sigaw ng isa pang lalake

"Gago! Bat si Xander ang kinakampihan mo?! " kasabay nito ay binatukan nya ang naunang lalakeng nag salita

" Dapat si Clark ang kampihan mo tanga! " Pinakikinggan nila Maxine ang diskusyon ng dalawa ng biglang may tumulak sa kanya patungo sa gitna kung saan naroon sina Xander at Clark.

" What the hell! Sinong tumulak saakin?! " Reklamo ni Maxine. Imbes na sya ay sagutin ay tinitigan lamang sya ng mga tao roon.

Napatigil ang gulo't nanahimik ang lahat.

" At sino ka naman ha?! " Agad na nilingon ni Maxine ang lalakeng sumigaw sa kanya

" Sino ka rin ba?! Kung makasigaw ka parang ang layo ng kausap mo ah! " Ani ni Maxine

" Tama bang sagutin mo ng isa pang tanong ang tanong ko? Tinanong kita ng maayos kaya sumagot ka rin ng maayos! " Ani ni Xander. Nag simula na ring mag bulungan ang mga taong nasa paligid nila.

" Maayos?! You call that asking properly? Such an asshole " Pag singit ni Clark sa usapan ng dalawa. Nilingon sya ni Xander at pinag taasan ng kilay.

" Tanginang to tsk Eh bat nakikisali ka?! " Hiyaw ni Xander kay Clark. Mag sasalita na rin sana pabalik si Clark ngunit inunahan na sya ni Maxine.

" Maxine is the name " Napalingon ang dalawa sa kanya 

" Kung mag papatayan kayo, please, wag nyong idaan sa suntukan tsk napaka cheap nyo naman! " Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Maxine

" Go on and stab each other with sharp knives, nag sisigawan kayo sa gitna ng hallway wala naman nangyayari pfft puro kasi kayo yabang! Douchebags! " Iyon na ang huling sinabi ni Maxine kanila Xander at Clark bago pa sya mag walk out kasama ang kanyang kaibigan.

" Aba gagong babae yun ah! Lagot ka sakin pag nalaman ko kung sino ka! " Sinubukang sumigaw ni Xander ng malakas nag babakasakaling maririnig pa iyon ng dalaga ngunit huli na ang lahat. Balak sanang tapusin ni Xander ang gulong ginawa nila ni Clark ngunit nagulat ito ng maabutan ang binatang parang tangang nakatulala sa direksyon na pinuntahan nila Maxine.

When two worlds collideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon