1- Her Long Time Crush

87 7 2
                                    

"Someone struck a match against the night
All I could see was you and I
I was captivated"

Ayanna

6:00 AM
"Aya! Bangon na, may pasok ka pa!"

Parang kapipikit ko pa lang kanina a? Napatingin ako sa paligid, madilim pa naman. Masyado na namang excited si Mama sa pag gising sakin.

--

7:27 AM
"Ayaaa! Bangon na! Malalate ka na talagang bata ka! Alas syete na!", sigaw ni Mama mula sa baba ang nagpabalikwas sa akin sa pagkaka gising. Alas otso ang unang klase ko ngayon pero nasa bahay pa din ako!

Madaling madali akong kumain at pumuntang banyo para makaligo na. Kung bakit ba naman kasi napuyat ako kagabi kakaisip sa isang taong—ay teka bakit iniisip ko na naman sya ngayon samantalang mala-late na ako!

--

7:40 AM
"Ma, alis na ako! Bye! Mwaps"

I didn't wait for my Mom's answer, I immediately hail a tricycle. Malapit lang ang paradahan ng tricycle sa amin kaya madaling makasakay.

Habang nasa tricyle, inilabas ko ang beauty pouch ko para mag suklay at mag ayos ng konti. Konti as in, lip tint lang. Hindi ko na kailangan pang mag pulbos dahil fresh pa naman. #FreshFromTheBath

--

7:55 AM
Agad akong bumaba ng tricyle pagkahinto nito sa gate ng school namin dahil 5 mins na lang talaga late na ako!

"Uy neng! Bayad mo!", shit! I totally forgot.

"Teka po, nalimutan ko! Pasensya na.", sabay halungkat ko sa bag ko para hagilapin ang wallet ko na naiwan ko pa ata sa bahay huhuhu, wait nakita ko na  "Teka manong, ito--" Naiwan sa ere ang kamay ko at napahinto ako ng biglang may nagsalita.

"Ito na po bayad nya, Manong", sabi ng pamilyar na lalaking may baritonong boses. Tinignan nya lang ako sabay umalis na.

Samantalang nakatingin na lang ako 'sakanya' habang naglalakad na sya papasok sa gate, hindi ko na inalintana kung mala-late na ba ako o hindi, minsan ko lang sya matignan kaya susulitin ko na.

"Ayaaa! Buti nakita kita, may kasabay na ako ma-late", Chloe said, my bestfriend since I first enter this school. "Ay wow, todo titig baka matunaw si B-", hindi ko na sya pinatapos pa dahil baka may makarinig sa amin. Sikat pa naman 'yon dito.

"Ssh. Tara na nga!", sabi ko na lang at hinila na sya papunta sa klase namin. Ngunit ayaw nya pa din talaga paawat dahil kinukulit nya pa din ako hanggang makarating kami sa room namin.

"Hi Chloe ko! Hi Aya! Wala pa si Sir, may early meeting daw ang faculty and staffs!", Marco said. Class president namin at manliligaw ni Chloe. Magkakaibigan kaming tatlo simula junior high ngunit ang loko, hindi naiwasang magkagusto kay Chloe, hindi kalaunan nagkagusto din naman si Chloe pero ewan ko ba at hindi nya pa sinasagot, takot ata sa commitment. Ayan todo harutan ang dalawa. Imagine maging kaibigan ng dalawang 'to, araw araw ka third wheel. Haynako.

"O bakit ang aga agad nakasimangot 'tong bestfriend natin?", Marco asked.

"Nakita nya si-", Chloe stop and lower her voice. "Si Bryan." She stop again to laugh, hinampas ko tuloy ang lokaret!

"Ouch ha. Pero teka, diba dapat masaya ka? Nakasilay ka na  nga sa crush mo, e taga ibang strand yon, mahirap makita.", she added again. This time, nakatitig silang dalawa sa akin ni Marco na parang nagtataka.

Oonga naman, sinong malulungkot pagkatapos makita ang crush nila? My honeybunch, sugar plum, pumpy-umpy-umpkin, and my sweetie pie. Parang lullaby song na 'yong description ko sakanya a! Napangisi tuloy ako sa naiisip ko.

"Hala Chloe, nababaliw na sya. Ganyan din ba epekto ko sayo?", Marco said while smiling charmly in front of my bestfriend, may paglagay pa sya ng kamay sa ilalim ng pisngi na parang nagpapacute. Mas lalo tuloy akong natawa!

"Hala grabe, kanina lang hindi maipinta ang mukha mo a, ngayon tuwang tuwa ha!? Share naman dyaaan",she said ng hindi pinapansin si Marco kaya bumalik na uli ito pagiging seryoso.

Ang totoo nyan hindi naman ako malungkot. Masaya ako, pati ang puso ko dahil nasilayan ko si Bryan. Matagal ko na kayang gusto yon, at simula nag-senior high ay hindi ko na sya madalas makita kaya sinong hindi matutuwa?

Ang kaso nabo-bother ako dahil sya pa ang nagbayad ng pamasahe ko kanina. Nakakahiya. Hindi ko alam kong paano ako makakabawi.

"May utang akong twenty pesos sakanya sa pamasahe. Paano ko ibabalik?", nahihiyang sabi ko sakanila. At grabe ang itsura nila, kulang na lang magkaroon sa noo nila ng 'yun na yon?'

"Ay grabe, hayaan mo na yon! Akala ko naman kung ano na. Edi abot mo lang sakanya, antayin mo mamayang 7pm", natatawang sabi ni Marco.

Hanggang 4pm lang talaga ang klase pero sa piling araw may club hours kami. Kaming tatlo sa Art Club, at sya naman sa Math Club. If I remember it right, he wants to pursue Accountancy. At syempre kami ni Chloe, Architecture. Samantalang Civil Engineering daw ang kukuhanin ni Marco para partner sila ni Chloe. Napaka haharot talaga.

"Hindi lang basta ganon 'yon! Dapat special yung pagkakaabot! Six years mo ng crush yon, at malapit na tayong grumaduate pero hindi mo pa naaamin man lang yung nararamdaman mo! Malay mo ito na yon girl! Paano ka makakausad kung wala ka man lang ginagawa kundi patingin tingin sa crush mo! Harot harot din!", mahabang litanya ni Chloe habang may pag mwestra pa ng kamay sa hangin. Ganyan sya tuwing nag eexplain.

Hindi pa ako nakakasagot nang biglang umayos ang lahat sa pagkaka-upo hudyat na nandyan na ang Teacher namin. Napatingin naman ako sa bente pesoa na kanina ko pa pala hawak hawak. Napaisip ako sa sinabi ni Chloe. Kailangan ba talaga special pa ang pagbabalik ng bente? Hays. Pero totoo naman, anim na taon ko na ding gusto si Bryan.

In those years, lagi lang ako nakamasid sakanya. Masaya ako. Kinikilig. Pero may kulang sa puso ko dahil habang nakatingin ako sakanya, hinihiling ko din na makasama sya.

~*~

To be continued.

Again, this story is published years ago. It's under editing and revising (like updating the educational system as what we have right now) pero hindi ko papalitan yung flow ng story kaya pag pasyensyahan nyo na kung mejo lame. This story is special to me so I can't find myself to delete it. Hehe.

Don't forget to vote and comment! Let me know your thoughts :)

FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon