"Autumn! Alis na 'ko ha? Mag-ingat ka!" bilin ni Xandra sa'kin bago siya lumabas sa office namin.
"Oh sige,sige! Ingat ka din!" pag-papaalam ko sakanya habang kumakaway.
Mag-oovertime kasi ako. Buti pa si Xandra, wala siya masyadong ginagawa. EH AKO?
A-Aray! Sumasakit nanaman ulo 'ko. Wrong-timing naman oh!
"Autumn! Para sa'yo oh!" masaya niyang inabot yung box sa'kin.
Nagulat ako. Siyempre. "Talaga?! Thank you ah? Na-alala mo pa 'yung birthday ko"
"Alangan! Nililigawan kita kaya dapat alam ko yun! Happy birthday ulit, Autumn!"
Ano 'yun? Sino 'yung lalaking 'yun? Atsaka, bakit parang familiar 'yung mukha niya? Sobrang sakit talaga ng ulo 'ko. Siguro,uuwi nalang ako.
"Uhhmmm. Ian! Uuwi muna ako ha? Sumakit kasi bigla ulo ko eh." pag papa-alam ko kay Ian. Ian? Yung parang may-gusto sa'kin. Kapal ko noh? Pero totoo naman eh. Siya na mismo 'yung nag-sabi sa'kin nun. Liligawan niya na sana ako pero, ayoko. Wala talaga sa isip ko yun. Para kasing may isang importanteng tao talaga akong dapat mahanap.
Tumayo siya at hinawakan 'yung noo ko. "Kaya mo ba? Gusto mo ihatid na lang kita?"
Umiling ako. "Hindi, hindi. Okay lang ako. Sige, una na 'ko!"
Humarap si Leica sa'kin habang kumakain kami ng hotdog. "Ate, okay ka lang? Gusto mo pa-check up ka namin ni Mama?" Worried ba siya sa'kin? O baka gusto niya lang mag-pabili sa'kin ng kung-ano ano?
Kumagat muna ako ng hotdog saka sumagot sakanya. "Sige, samahan mo 'ko ha? Isama mo na rin si France para 'pag may pinabili kang kung ano-ano sakanya mo ipapabitbit. Wait lang, tatapusin ko lang 'tong hotdo—"
"Ate! Thank you! Yehet! Makaka-sama 'ko nanaman si France! Ate, ay labyuu na talaga! Magbibihis lang ako ha? Ite-text ko na 'rin si Fra—"
Sabi na eh. Tsk!
"Leica! Pedeng mamaya mo na tawagan si France? Pwedeng tayo nalang muna? Para makapag-bonding tayo. Pwede ba?" pag-tatanong ko sakanya. Sana pumayag siya.
Ngumiti siya. "Oo naman ate! Matagal-tagal na 'rin since yung last na bonding natin!" buti naman at pumayag siya.
"Hehehe. Sige sige! Thank you!"
Lumapit sa'kin si Mama "Autumn, itago mo 'to ha?" binigay niya sa'kin yung familiar na box. Yung box na binigay sa'kin ng isang lalaki sa isang flashback sa utak ko.
Ang tagal naman ni Leica oh! Mamaya hindi na namin maabutan si doc.
"Ate! Tapos na ako!" papalapit na si Leica sa'kin ng bigla siyang natapilok sa hagdan dahilan para mapa-upo siya sa sahig.
Humagalpak muna ako ng tawa bago ko siya tulungan. "HAHAHAHHAHA! Ang tanga-tanga mo talaga sis!" Inabot ko yung kamay ko sakanya para tulungan siya pero hinila niya ako pababa. Infairness! MASAKIT SA PWET!
"HOY MGA BABAE! BILISAN NIYO NA!"
"Tara na Leica! Bye Mama!"
"Mag-ingat kayo!"
Pumara na kami ni Leica ng taxi. Pagka-sakay na pagkasakay ko...
"Alam mo ba ate! Si France.. ang bait niya!"
Sumakit nanaman yung ulo ko. Kaya pinikit 'ko muna 'yung mata ko. Bahala si Leica diyan mag-kwento!
"Autumn! Kelan mo ba ako sasagutin?" halata sa mukha niya ang pag-kainip.
![](https://img.wattpad.com/cover/13282038-288-k731.jpg)