PROLOGUE
“Dude, malapit na yung birthday mo ah! Saan ka maghahanda?” Tanong niya sakin habang nakaupo kami sa swing dito sa garden ng school.
Paborito namin ‘tong tambayan. Bukod sa malilom dito, maganda din yung view. <3
“Oo nga eh. Hindi ko naman alam kung uuwi si Papa, kailangan niya pa kasing mag-report tsaka wala naman kaming extra budget para maghanda sa debut ko.”
“Ah… Eh di ba sa isang araw na yun?” I nodded.
*Message Ringtone*
Tinignan niya yung cellphone niya at tsaka ngumiti ng abot tenga. Baka si—
“Hmm excuse me Ana, Pupunta muna ako kay—”
“Ashley?” Ngumiti siya ng matamis at tumango ulit ako. “Syor! Take your time.” Pinilit kong ngumiti pero deep inside ayoko siyang umalis..
Nagba-bye na sya sa akin at gayon din ako.
Ako nga pala si Ana Santos. Napaka-effortless lang ng pangalan ko noh? Wala eh, nakuha ko yang pangalan ko galing sa mga cheap na taste ng aking mga magulang. LOL! :)) Pero ito na talaga.
Ako si Ana Santos, 17 years old bale hello 18 na sa isang araw, I’m taking up MASCOMM course basta trip ko lang ‘tong course na ‘to. Yung nanay ko naman, housewife lang at minsan may sideline din naman at yung tatay ko naman, isa siyang seaman sa norweigan. Kung familiar kayo sa kompanyang ‘yon o hindi basta doon nagta-trabaho yung papa ko. I came from a middle class of a family who has a fixed budget to pay for. Sakto lang ang aming pera para sa mga bayarin kaya yung mga bagay-bagay na uso ngayon hindi na namin binibili kasi may mas priority pa kaming kailangang bigyan ng pansin.
I’m under-bully. Well kung yung ibang tao ayaw ang nabu-bully, baliktad naman ako. Bakit? Para sa akin kasi, ang panga-alaska sakin ang dahilan kung bakit ako nakatayo ngayon… Isa itong pagsusulit para sa aking kakayahan kung paano ko hahawakan ang aking sariling renda. They’re only spending their time in the way of bullying but don’t let them face you’re affected. Subukan mo lang na tanggapin ang lahat kahit masakit… basta wala kang sinasaktan na ibang tao okay na yun. ‘Nasa diyos ang awa’ ika nga. Pero it’s merely my own opinion, nasa inyo kung gagawa ba kayo ng revenge o hindi kasi ang akin lang, siguro it’s just part of my trials kaya okay lang sakin dahil sa dulo siguro worth it din naman. Pero ulit kapag Physical Bullying na aba! Ibang usapan na ‘yan! HAHA.
I have my long-time love one slash my best friend na si Owen. Matagal ko na siyang mahal pero hindi niya alam. One sided sabi nga nila. You know guys, normal lang na ma-fall inlove ka sa best friend mo pero masakit kahit alam mong may mahal na siyang iba… Hindi naman kasi pinipilit ang mahulog sa pagmamahal sa isang tao, basta mararamdaman mo lang na mahal mo na talaga ang taong ito. So ang nangyari sakin, minamahal ko siya kahit may kaagaw ako sa atensyon niya. Sakit noh?
He’s my first love anyway. Siya ang kauna-unahang lalaking nagturo at nagparamdam ng sakit sakin pero hindi niya alam at siya din yung lalaking nagpapakilig sakin in his simple ways.. Naks! Kaso hanggang pantasya ko na lang siya eh… Para kasing ang labo na magkagusto siya sakin.
Yung mata ko napaka-common, yung labi ko naman mas mataas pa siguro sa ilong ko kapag nag-pout. Hindi pango o matangos ang aking ilong, hindi ko talaga alam kung papaano ko ide-describe yung mukha ko basta napaka-simple lang na walang sino mang magtatangkang pansinin ito.
“Hello, ma.” Bati ko sa kanya habang papasok ng bahay. Napagpasyahan ko nang umuwi, wala naman kasi akong gagawin dun sa swing iniwan pa ako.
“Oh, anak, kamusta? Kumain ka na ba?” Nanunuod siya ngayon ng t.v. at sitting pretty sa couch.