Mcdo

11 0 0
                                    

Nagsisimula na ang klase ng sumagi sa isip niya ang isang lalake. 

Lalake na umiiyak sa telepono. 

"Anu kaya ang pangalan niya?  Kamusta na kaya siya?  Bakit kaya sila nag aaway?  Sinu kaya yung babae?" Tanong ito sa sarili.

Natapos ang araw na nasa isip ang binata. 

Dumaan ulit ito kung saan nasaksihan niya ang pag sigaw at iyak. 

Nabigo ito ni anino ng binata wala. 

Nagpasya ng umuwi ito at mag aral nalang. 

7:30pm ng makaramdam ng gutom,  hindi kase kumain ng husto dahil nasa isip padin niya ang binata. 

"SAM" Tawag ng isa niyang ka bordingmate. 

Napalingon ito at hindi umimik. 

Bagkus nginitian niya lang ito. 

Alam kase nitong yayain siya lang mag-bar. 

Nasa Mcdo na ito ng maka order at maghahanap na ng bakanteng upuan.

Ng may nakitang makitang pamilyar na mukha,  hindi siya nagkakamali ito yung lalakeng umiyak sa telepono. 

No choice siya dahil puno din ang mga lamesa at upuan. 

Kaya kinapalan niya ang mukha niyangmaki upo

"Hai,  pwede maki-upo" tumango lang ang binata at binaling ulit ang atensiyon niya sa telepono

Awkward dahil minsan nahuhuli si Sam na tumitingin sa binata.

Malapit ng matapos ito ng tumayo na ang lalaki at kinuha ang Cellphone. 

Hinatid lang ito ng tingin hanggang sa mawala sa kanyang paningin.

"Muntikan nako doon,  kung hindi pa umalis, makikita niya kung panu ako mamula sa kilig!". "Bakit ganun?  Ba't Ganito nararamdaman ko. May paghanga ba ako sa lalake?  Hays. Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig? Hindi ko mapigilan ang nadarama ko".

StayWhere stories live. Discover now