Fritzie's POV
'AIHMCUIZSAUKM'
Dalawang pangalan...
Binaliklad?
Sa una syempre binaliktad mo at naglagay ng isa pang letra para hindi maintindihan!
Pero,ba't parang nagiging pangalan din yun letters na yun?
AIHMCUIZSAUKM...
A H C I S U M
I M U Z A K
Musicha at Kazumi?!
Kailangan malaman 'to nilang dalawa.
'Punta kayo dito. Dalian nyo. Alam ko na kung sino ang mga salarin.'
'K'
Ilang sandali,dumating na silang dalawa.
"Sino?"nagtatarantang tanong ni Jincent.
"Si...."
"Wag ka magpabitin effect sa akin."banta ni Yazmin.
"S-si Musicha at Kazumi."bulong ko.
Biglang lumaki ang mata nilang dalawa.
"Baka mali yang solvings mo."sabi ni Jincent at nakakakunot ang noo.
Umiling ako. "Sure ako dyan. Binigyan ako ng clue ng kaibigan ko."sabi ko.
"Paano natin masasabi 'to sa iba?"tanong ni Jincent.
Ngumiti lang ako ng nakakaloko at sya naman ay nagpoker face lang.
Napatingin kami kay Yazmin na ganoon parin ang reaksyon.
"Are you okay?"tanong ko.
Hindi parin sya umiimik.
"Psst."
"Yaz."
"Nakain mo?"
"Hoy!"sabi ni Jincent habang kinakalabit sya.
"H-ha? B-bakit?"medyo nagulat na sabi nya.
"Kanina ka pa tulala dyan. Okay ka lang?"tanong ko.
"Ahh-ehhh. Y-yeah. I'm fine. Mag-usap lang kayo dyan. Lalabas lang ako."sabi nya at hindi na kami hinayaan na makasagot.
Problema nun?
May bumabagabag talaga sa isip nun.
****
Yazmin's POV
H-hindi...b-baka pumapatay sya dahil noong--hindi!
D-diba hindi n-naman sya non? Imposible!
M-mali lang 'to.
BINABASA MO ANG
The Class Picture
Mystery / ThrillerThey all thought everything was normal. Not until their Class Picture day arrives,maraming malalagim na mga pangyayari. How could they survive the killer's little game? Highest rank: #9