Chapter 1 - Oops! I'm late!

13 0 0
                                    

A/N: OC po dito :) You and Kai :)

CHAPTER 1

Nagmamadaling tumakbo si Blanche papunta sa sakayan ng jeep. Isa siya sa mga nabiktima ng alarm clock na nakalimutan ma-iset sa AM ang oras.

Shit. Fifteen minutes na lang, mag 8:00am na. Pag di pa tumigil sa kaka-antay tong jeep na to sa pasahero. Bwisit na lang talaga. sabi ni Blanche habang nagtitimpi ng galit sa driver ng jeep. Ang dami niyang ginagawang pagtiyatiyaga sa loob ng jeep para lang di siya malate.

Tinitiis niya ang amoy ng kilikili ng katabi niya sa jeep na full of confidence pa kung itaas. Tinitiis niya rin ang batang uhugin sa harap niya na hindi man lang pinapansin ng nanay nito. Tinitiis rin niya ang nakakapang akit na amoy na donut na with feelings pang kinakain ng katabi niya. Lalong nadagdagan ang gutom niya dahil hindi na niya nagawa pang magbreakfast, kakamadali.

Akala ni Blanche wala ng mas babadtrip sa araw niya sa pangyayari sa umaga niya ngayon, pero mali siya. Para talagang nananadya ang tadhana dahil huminto pa sa gasolinahan ang jeep na sinasakyan niya at wala pang panukli ang gasolinahan.

Habang inaantay niya ang sukli ng driver ay nag-isip na rin siya ng idadahilan sa teacher niya kung sakali mang hindi siya umabot. Nagpapasalamat na din si Blanche kahit papano na hindi Monday ngayon, kung hindi lagot talaga siya.

Hindi niya namalayan na nasa babaan na pala sila ng jeep. Inunahan niyang bumaba ang mga kapwa estudyante niya at nagpatawid na agad sa pulis at tumakbo papunta ng loob ng campus at dumiretso sa building nila, sa room nila to be exact.

"Huy. Akala ko di ka na papasok, pre. Three minutes before 8:00am na kaya." sabi ni Ailee sakanya habang tinuturo nito ang kanyang relo. Ito agad ang bumungad sa kanya sa pintuan.

"Nalate kasi ako ng gising eh. 6:50am na. Ge, dun na ako sa seat ko. Ikaw rin." sabi ni Blanche kay Ailee at nagsimula ng magtungo sa upuan niya. Kung saan katabi niya si Kai.

"Aga ah." sabi ni Kai sakanya. Ngumiti siya at sinabing "Ganun talaga." at siya ay umupo na sa tabi nito dahil dumating na ang guro.

"Nag review ka ba?" tanong nito sakanya patungkol sa gaganaping periodical exam nila sa health. Laging nauuna ito kumpara sa iba nilang academic subject.

"Slight." nakangiting sagot ni Blanche kay Kai habang kinukuha ang notebook nito sa bag para marefresh ang nireview niya.

"Alam na ha?" tanong ulit ni Kai sakanya at sabay kumindat. Pakshet ka Kai, tumigil ka. Hindi ako makapagconcentrate sayo. Asdfghjkl. gigil na gigil at punong pagtatago ng kilig na sinigaw ni Blanche sa isip niya.

At dahil baka masabi niya pa iyon ng malakas at maipahiya ang sarili niya, she just nodded as an answer. Mahirap na, mabuko pa siya ng hindi oras.

"Distribute the test papers now. Get one and pass." their teacher commanded which the students obeyed. Pero syempre yung ibang maaarte gusto nila yung pinaka hindi lukot na testpaper. Yung tipong may gusot na hindi na kukuhanin.

Napasa na ni Kai kay Blanche ang testpaper at pinasa niya na ito sa katabi. Sinimulan niya ng isulat ang pangalan, section at date. Sinagutan niya na agad ang mga test questions na naging madali para sakanya dahil hanggang gabi niya iyon nireview.

"Exchange papers with the opposite row." their teacher commanded which the students obeyed. Pero syempre hindi mawawala ang mga humehebor na tao na pinipili pa ang testpaper ng crush nila at lalagyan nila ng heart pagkatapos ilagay ang 'corrected by'. Meron din naman pinipili ang konti yung mga sagot para konti ang checheckan.

Natapos na ang subject nila ay oras na para sa next subject nila. Magkatabi pa rin si Kai at si Blanche. Habang inaantay ang teacher para sa next subject ay nag-usap naman sila.

Tinititigan ni Kai ang mga kamay niya at kinocompare ito sa kamay ni Blanche. "Ang konti naman ng pagkakapula ng kamay mo." sabi ni Kai habang tinuturo pa ang kamay ni Blanche. "Ang liit liit pa." dagdag pa ni Kai. Babawiin na sana ni Blanche sa pagkakahawak ni Kai dito dahil puro panlalait ang naririnig niya ng biglang ikinulong ng dalawang kamay ni Kai ang munting kamay ni Blanche.

Pinigilan ni Blanche na umakyat ang dugo niya sa pisngi niya dahil baka mahalata ito. Kaya kahit labag man sa loob ni Blanche ay binawi niya ang kamay niya. Pero dahil humehebor si Blanche ay pabiro niyang hinampas ang braso ni Kai.

 "Aray naman. Sobrang brutal mo naman." reklamo ni Kai kay Blanche habang hinihimas ang parte ng braso niya kung saan ito pabirong hinampas ni Blanche. "Arte naman nito. Ang hina hina lang nun no!" depensa naman agad ni Blanche habang nagmamake face.

"Hoy akyat na kayo sa computer lab. Daldal niyo eh." sabat naman ni Ailee sakanilang dalawa at hinigit si Blanche. Umalis na si Kai at sumama kila Sehun at Luhan na matagal ng nag-aantay sakanya.

"Kanina ka pa namin inaantay nila Yanyan." kwento ni Ailee kay Blanche na kanina pa nakangiti. "Uy, nagdrugs ka ba? Nakakatakot na Blanche."  puna ni Ailee. "Ailee, anong meron dyan at parang ugok?" tanong naman ni Gail. "Hoy narinig ko yun! Ugok agad? Diba pwedeng asfjghi--" pagtatanggol naman ni Blanche sa sarili pero hindi na natuloy dahil sa kakiligan niya.

"Magkwekwento di naman maintindihan. Tsk. Baliw talaga." komento naman ng isa pa nilang kabarkada na si Yanyan. "Ako na naman napagdiskitahan niyo. Tara na nga. Pasayawin pa tayo ni Sir dun dahil late tayo." pag-iiba ng topic ni Blanche habang umaakyat kasama ang mga kaibigan.

Nang maka upo na sila ay tanaw na tanaw niya si Kai na nakaupo sa ibang upuan, sa upuan na malayo sa kanya. "Hays. Kung hindi lang talaga malamig dito sa computer lab, ayaw ko magklase dito eh." Blanche said with a sigh that caught the attention of Ailee.

"Bakit? Kasi di mo siya katabi? Landi. Hahaha." tukso ni Ailee kay Blanche. Umirap naman si Blanche at sabi "Uy. Medyo lang naman. Hahahaha." Pinatahimik naman sila ng nasa katabing table.

"Sorry na!" sabi nilang dalawa at nag peace sign pa.

Natapos ang araw na ang mga itinuro ng mga teachers ang mga dapat aralin sa dadating na periodical exam.

------------------------------------------------------------------------------------------------

-eyeriri

Hope you'll support this story lalo na sa mga exo stans like me o kaya naman sa mga nakakaranas ng unrequited love diyan. LOL XD ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not his CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon