Car Racing & Underground Street Fight

6.4K 121 2
                                    

Simula ng first heart break ni Mitch, illegal car racing and underground street fighting na ang kanyang libangan, ngunit hindi pa rin niya pinabayaan ang kanyang pag aaral, ngunit ni isa man ayaw niya itong kausapin. Mag isang buwan na nag umpisang sumali sa illegal car racing. Nagtaka si Lisa na palaging nag training si Mitch, dahil matagal pa ang sasalihan niyang tournament, pag tinatanong naman niya ito wala kang matatanggap na kahit anong sagot. Palaging tumatawag si Nick ky Dave at Lisa pero walang pakialam si Mitch.

Pagkalipas ng isang buwang training ni Mitch, handa na siyang sumubok na lumaban sa underground street fighting. Dahil baguhan siya, mga baguhan din ang kanyang mga nakalaban. Tatlong match ngayong gabi ky Mitch, kong papalain sya na manalo sa tatlong match, manalo siya ng 100k peso. Una at pangalawa mabilis napatulog ni Mitch ang kalaban, ngunit ang pangatlo marunong itong makipaglaban, pero sa huli nanalo si Mitch pero may mga pasa din siyang natatanggap. Pagkatapos nakuha ang pera umuwi na si Mitch, hindi niya alam hinintay pala siya ng lahat. Ala una na ng madaling araw dumating sa bahay si Mitch.

Lisa: saan ka galing. Bakit ngayon ka lang umuwi. (naka hoodie pa si Mitch)

Mitch: dyan lang nagpahangin. (tinanggal ni Lisa ang hoodie)

Lisa: anong nangyari sayo, bakit puro pasa yang mukha mo.

Mitch: may match ako kanina.

Dave: bakit nagka ganyan ka Mitch, hindi na ikaw ang Mitch na kilala namin. Anong nangyari sayo, ni ayaw mo nga kaming kausapin.

Mitch: sorry kuya, pero pabayaan nyo na ako.

Lisa: nagkaganito ka dahil sa Nick na yon, please naman best wag mo namang parusahan sarili mo.

Mitch: sorry guys pagod ako at inaantok ako. Good night everyone.

Wala na silang magagawa dahil ayaw makinig ni Mitch sa kanila. At bali balita sa kanilang school na mag underground street fighting at may baguhan napaka galing daw nito nasa rank 5 na daw e ka bago pa daw. Parang babae daw ito, ata palaging naka hoodie at mask daw ito.

Papunta na naman si Mitch para sa laban, hindi niya alam sinundan siya ni Dave at Lance kong saan siya pumupunta tuwing gabi. Nagulat sila ng pumasok si Mitch sa isang abandonang lugar, tapos parang kilala siya doon, sinundan nila ito, tag 5k ang entrance fee, so napilitan silang magbayad.

Nag umpisa nang match ni Mitch lalaki sing tangkad lang ni Mitch, magaling din ito pero parang baguhan, with in 5 minutes tulog na ang kalaban ni Mitch. Noong gabing yon lima naka laban ni Mitch include ang rank 3 and 4, dahil natalo ni Mitch naging rank 3 na siya. Maraming nakakilala ky Mitch bilang "shadow lightning" dahil sa bilis umataki nito. Naka 600k si Mitch sa gabing ito. Pagkatapos natanggap ang pera pinaharurot na niya ang kanyang motor, may mga pasa din sya gaya ng dati, pero ngayon sanay na siya sa sakit. Sinundan din nila pauwi si Mitch, nagulat si Mitch dahil pagbaba niya sa motor yon din ang pagbaba ni Dave at Lance sa kotse.

Dave: so ganun pala ang ginagawa mo tuwing lalabas ka ng bahay. Bakit?

Mitch: gusto ko lang libangin ang sarili ko kuya, maka pag relax lang ako kong nandoon ako, pwedi kong ilabas ang sama ng loob ko sa pakipag laban, kaya pwedi ba pabayaan nyo na ako.

Lance: dilikado yang ginagawa mo, mapahamak ka. Maraming gangster ang natalo mo, baka balikan ka nila.

Mitch: don't worry guys, kaya ko ang sarili ko.

Pumasok na silang tatlo sa loob, narinig pala ni Lisa ang kanilang usapan.

Lisa: so ikaw yong mystery girl na si "shadow lightning"

Mitch: anong sinasabi mo.

Lisa: sikat si shadow lightning sa school. Magaling daw kahit baguhan sa underground street fighting. Best nabaliw ka na ba. Ano ba nangyari sayo.

Mitch: training lang to para sa match sa New York, chill ka lang best. Alam nyo naka 10 million na ako dahil sa illegal car racing at street fight na yan. Malapit na akong gagawa ng secret agent agency. Wish me luck guys. Adios.

Dahil medyo matagal nang hindi pumunta si Mitch sa car racing may bagong champion na, galing itong ibang bansa mahilig din sa kotse at racing kababalik ng nito sa Pinas dahil kakatapos lang ng pag aaral. Dumating si Mitch sa lugar ng car racing sinama niya si Dave, Lance at Dexter. Nilapitan siya ng kanyang kaibigan na maynaghamon daw sa kanya.

Roy: Mitch may naghamon pag matalo mo daw siya sayo na ang dala niyang kotse.

Mitch: saan ba dyan ang kotse nya. (tinuro ng kaibigan, ang ganda ng kotse at mukhang bago pa ito) e ano naman ang pusta ko.

Roy: ikaw daw isang gabi sa kanya ka.

Mitch: ang swerti niya pag ganun. Ipusta ko ang dala kong kotse, pag hindi siya pumayag walang race na magaganap.

Kinausap ni Roy si Diego, sa huli pumayag na ito.

Dave: talaga bang ipusta mo ang sasakyan mo?

Mitch: oo naman kuya, kaysa sarili ko. Ang swerti niya pag ganun. Reserve na ako para sa maging asawa ko.

Naka smirk pa si Diego subrang yabang. May pakindat kindat pang nalaman, parang gusto niya itong sipain ang mukha para mabawasan ang kagwapuhan. Natulala din si Diego ng makita si Mitch ang ganda nito at parang astigin. Hindi man lang gumana ang kanyang charm sa babae, tila na galit pa ito nang kinindatan niya. 8 laps ang kailangan para manalo.

Nauna na si Diego, after 6 laps nalagpasan na ni Mitch tuloy tuloy na hanggang nanalo si Mitch, di makapaniwala si Diego na natalo siya sa isang babae. Ngayon si Mitch naman ang naka smirk. Binigay na ni Diego ang susi ng blue Lamborghini. Binigay ni Mitch kay Lance ang susi ng kanyang white Lamborghini.

Mitch: better luck next time bro. I'm Mitch by the way. See you when I see you. (smirk)

Diego: nice to meet you too. (smile)

Umuwi na sila pagdating sa bahay ni Mitch, nagtaka si Lisa dahil may bagong kotse si Mitch at Blue Lamborghini.

Lisa: saan mo naman nakuha iyan Mitchell, nagpabili ka ba ng bagong kotse? (Mitch smirk)

Lance: napanalunan niya sa race kanilang, bilib din ako sa lalaki pinusta niya ang bagong blue Lamborghini, at tuwang tuwa naman si Mitch.

Dave: pinusta din kaya ni Mitch ang kanyang white Lamborghini. Pero no match pala ang lalaki.

Dexter: ano ang hindi kaya mong gawin Mitch, lahat nasa sayo na. Bilib na talaga ako sayo.

Unti unting bumalik ang pagka masayahin ni Mitch...............

Tuloyan na kayang bumalik ang dating Mitch? Abangan sa susunod na chapter......

Salamat

The Long Lost Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon