"Friend mo ba yung nangulo kanina?" Napalingon ako sa nagsalita. Nasa kusina ako nila Junghyun nakatambay. Tapos na yung party. Siguro mga 3am na.
"Excuse me?" Ahh Oo nga siya yung Minhoo yung friend ni Junghyun.
"Sabi ko kung friend mo ba yung nangulo kanina? Yung babaeng nagdala dun sa lalaking biglang nanuntok Kay Ricky"
Napataas yung kilay ko. Aba ang gentledog naman pala nito.
"Ahh si Janna yun and Oo friend ko siya. hindi nangulo si janna and Hindi niya dinala si David dito, Siguro sinundan niya kami ni Janna nung papunta kami dito staka wala namang may gusto ng nangyari""Hindi intensyon pero siya parin may kasalanan kung bat nagulo ang party ni Junghyun, sana kasi nagiingat kayo, di niyo alam nasusundan na pala kayo ng Kung sino" Sabi nito magsasalita pa sana ako para ipagtangol si Janna pero bigla siyang tumalikod at umalis. Ano bang problema nun? Ang harsh niya ahh! Wala na talagang gentleman ngayon. Maliban Kay babe ko, Pero Oo nga. Nasira yung party dahil sa nangyari.
Kinabukasan pumasok ako sa school. Di ko pa din nakakausap si Janna. Bigla kasing nawala kagabi pagtapos ng party kasama siguro yung Ricky.
Uwian na. Excited akong lumabas ng school building. Siguradong inaantay ako ni Junghyun sa tapat ng Business Management building kagaya ng lagi niyang ginagawa pero wala siya.
Tinry ko siyang tawagan pero nakaoff yung phone niya.
Baka busy sa photography club niya. Nabangit kasi niya kahapon na may bagong project sila ngayon.
Isusurprise ko nalang siya.
Bumili ako ng pagkain bago pumunta sa studio nila sa HRM building. Huminga ako ng malalim bago buksan yung pinto ng studio nila pero nagtaka ako nung nakaawang yung pinto. Dahan dahan kong niluwagan yung pagkakabukas ng pinto. Bat parang walang tao?
Nakita kong may tao sa may sofa dalawang lalaking magkapatong. Naghahalikan. Habang nakatutok yung camera sa kanila.
Natulala ako. Biglang nanlamig ako nung makilala ko kung sino yung nasa sofa. Si Junghyun at Minhoo.
Parang nabuhasan ako ng malamig na tubig. Nabagsak ko yung mga pagkaing dala ko.
Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Napatigil sila ng marinig yung pagbagsak ng dala ko. Lumingon sila sakin.
"K-KC?"
Naramdaman kong tumulo yung luha sa mata ko. Agad ko itong pinunasan. Hindi. Hindi ko na kaya to. feeling ko sumikip yung dibdib ko. Nahirapan akong huminga. Umalis agad ako sa harap nila. Hindi ko sila kayang makita. Nandidiri ako
Lumabas ako ng studio nila at dire diretsong naglakad. Narinig kong tinatawag ako ni Junghyun pero hindi ako tumigil sa paglalakad, ayoko siyang makita. Hindi ko kaya. Naramdaman kong may humawak sa braso ko.
"KC let me---" Alam kong si Junghyun yun kaya sinampal ko siya agad nung paharapin niya ko sa kanya.
Napahawak siya saglit sa pisnge niyang nasampal ko. Bigla niya kong niyakap ng mahigpit.
"Bitawan mo ko! Don't touch me!" Pagpupumiglas ko sa yakap niya Pero di niya ko binitawan.
Pinaghahampas ko siya sa dibdib habang magkayakap kami. Dahil mas malakas siya wala akong magawa. Nanghihina na din ako Dahil sa pagiyak ko."I know ganito magiging reaksiyon mo. I deserve this. Kaya tatangapin ko lahat ng to. But please don't leave me. You promise diba di moko iiwan? Please KC I'm begging you. Don't leave me." Naririnig ko siyang humihikbi habang magsasalita habang magkayakap kami.
"Tell me. Are you gay?" Tanong ko.
"No I'm--" huminga siya ng malalim "I'm bisexual"
Napakagat ako sa lower lip ko. Nagpipigil akong lalong umiyak.
"May relasyon ba kayo ni Minhoo? Bakit kinukunan niyo yung pagkikiss niyo? What was that for?. Junghyun what is this!"
"Were just doing this for fans"
Napakunot yung noo ko."What?" Napatawa ako ng pagak "For fans?"
"Yeah. I'm jungkook Ph. He's Taehyung Ph. For Vkook fans" Hindi ko alam kung matatawa ba ko sa narinig ko.
"What? Are you serious? Your doing this kind of shit even you have girlfriend?" Naparoll eyes ako. Tinangal ko yung bigay niyang singsing "Never mind let's just end this" at sinauli sa kanya.
Naglakad ako paalis. Naiiyak ako. What the! For fan? I can't believe this.
Sumakay ako ng taxi. Naiiyak ako. Why did he? What is he? Napakagat ako sa kuko ko. Naalala ko yung reaksiyon ng mga kaibigan niya nung pinakilala niya ko as his girlfriend. Hindi sila makapaniwala. Maybe because they thought Minhoo and him are in a relationship. How can he do this to me?! Bat niya nagawang magsinungaling sakin? pano niya nagawang ilihim sakin to?
BINABASA MO ANG
#JungkookPH.
General FictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao, dapat mahalin mo lahat sa kanya. Pano kung yung minahal mong tao, ay iba pala sa pagkakakilala mo. Mahal mo pa din kaya siya?