3

657 20 0
                                    

"Miss? A-ayos ka lang ba?" naiilang na sabi  nung babae sa akin.

"O-oo," nahihiyang sabi ko at napahawak sa batok ko. Bigla tuloy akong nahiya. Titigan ko ba naman sya ng matagal habang nakanganga pa ako? Sana kainin nalang ako ng lupa. Aish.

"S-sorry nga pala ha," nahihiyang sabi ko at inabot na sa kanya ang mga papel na nahulog nya.

"Ayos lang yun." nakangiting sabi nya. Oh my gosh. Feeling ko naubusan ako ng hangin? Bakit ba ang free tea nya?

"Miss, namumula ka." sabi nya at ngumiti ng bahagya, "Ayos ka lang ba talaga?"

Lumunok naman ako at tumango tango. Deym. Baka isipin nya ang weird weird ko.

"Sige. Una na ako. Miss?" ugh, tinatanong nya ang pangalan ko. Kinikilig ako.

"Kang Seulgi." inabot ko sa kanya ang kamay ko at nakipagshake hands ako. Napangiti naman sya. "Im Irene." nakangiting sabi nya.

Irene. Ganda nya. Pakshet.

"Bye." nakangiting sabi nya at umalis na.

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko na late nga pala ako kanina pa! Nakipagkwentuhan pa kasi ako sa Wendy na
ito!

"Hoy panget! Mamaya nalang tayo magusap! 15 minutes late na ako!" hindi ko na inintay ang sagot nya dahil tumakbo na ako papunta sa classroom ko.

Sana lang, sana lang talaga makita ko ulit si Irene.

--

ako din. sana makita ko si Irene. hahaha.

let's not fall inlove // seulreneWhere stories live. Discover now