*Im sorry besh busy ako today kaya hindi kita masasamahan*
"Ganon ba ?Hayyss.Okay.Bye!" and I ended up the call. "Ano kayang pwede kong gawin?" Im freaking bored.Kanina pa ako nakadapa sa higaan ko at nag iisip.Isip ako ng isip pero hindi ko naman maisip kung anong gusto kong isipin! Hano ? Errrr ! Im getting crazy.Kaya mas gusto ko ang weekdays kesa sa weekends eh ! Mas nalilibang ako dahil may pasok.Hayyssss!So ano na ?Sa labas nalang ba ako kakain? O kakain pa ba ako? O magbigti na lang kaya ? Lels ! "Nakakatamad na araw" bumangon ako at pagkatapos ay dumiretsyo ng banyo para maligo.Pupunta nalang sa lugar kung saan narerelease ko ang lahat ng worries and depression ko.Sa baywalk.Oo tama sa baywalk.Huling punta ko dun ay nung napahiya ako.Bakit ? Nag ala'Darna lang naman ako at binugbog ko yung lalaking binubugbog yung gf nya.Akala ko totoo na,taping lang pala ang nyeta! Ayon ,dumugo yung ilong ng lalaki.At talagang napahiya ako publicly.So sana naman walang makakilala sakin dun pag punta ko,kundi delikado ang buhay ko.Napakapakilamera ko kasi kaya heto ang napapala ko.
Anyway,nasa baywalk na ko at nagwawalk trip.Mabuti naman at walang masyadong tao.Ayon,dinadama ko ang hangin kahit na ang langsa ng amoy.Hayysss,mga mangingisda talaga !
"Ate tabi !!!" nanlaki ang mga ko sa nakabisekletang bubunggo sana sakin.Ewan ko kung anong nangyari basta may naramdaman akong humila sakin.Pagdilat ng mga mata ko , binatukan nung lalaking sa palagay kong humila sakin yung batang muntik na kong patayin.
"Hindi ba sabi ko magdahan dahan ka ng patakbo mo?Talagang makakabunggo ka sa ginagawa mo!Hala magsorry ka sa babae" nilapitan nila akong dalawa at nagsalita yung bata.
"Sorry po ate" he bowed and I sighed.
"Ayos lang" ngumiti ako at saka humarap sa lalaki "Salamat nga pala"
"Okay lang.Pagpasensyahan mo na tong kapatid ko.Sabik kasi to sa bisekleta kaya wala ng pakialam kung makakabunggo na sya o hindi" ah.So magkapatid pala sila.Pernes! Both gwapo.
"Ayos lang talaga.Medyo kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nakatingin sa daan" response ko.Ngumiti lang sya at inaya na ring umalis yung kapatid nya.Biglang tumunog yung tyan ko. "Hindi pa nga pala ako nag uumagahan" I murmered to myself.