I Love You that's Why

77 2 0
                                    

I Love you that's Why

May crush ako.

Pero di ko alam kung magugustohan niya ako.

Di naman kasi ako gaanong kilala dito sa school eh.

Ako lang naman tong si Janine Peachy Deval.

Crush si Tristan John Teval. Di na nga ata crush eh. Love na.

Yeah, magkatunog ang surname namin. It creeps me out but somehow kinikilig rin kasi minsan, kala ko Teval ang naririnig ko kapag binabasa ni ma'am ang attendance. Hehe. Adik eh. Inlove na tong lola niyo. Pero takot ring masaktan.

Pero one time pinansin niya ako..

nung nadapa ako sa hagdan.

Epic!!! >.<

Tinulungan niya akong pumunta sa clinic kasi walang tumutulong sakin tumayo. Siguro naawa.

Kaawa awa ko kasing tignan. Hayy.

Hinahabol ko siya lagi but di ko siya maabot abot.

Pero di ako titigil!

I won't give up!

Fighting!

****

Nandito kami sa school ngayon. Kasama ko bestfriend kong si Danica.

"Pwend, si Tristan oh!" Sigaw niya habang may tinuro.

"Asan?!" Lumingon ako dun sa tinuro niya pero wala. I glared at her. Grabe kasi! Paasa siya. Tsk

"Ewan ko sayo pwend, and adik adik mo na kay Tristan eh di ka na nun magugustuhan! Masasaktan ka lang" aniya ni Danica habang pinapat ulo ko. Ah, si Danica pala, bestfriend ko ring sikat. Minsan nga lumalayo ako sakanya kasi naririnig ko, ginagamit ko lang daw si Danica para sumikat rin.

"Eh basta! Ayokong mag give up..." aniya ko." Hay, dun ka na nga sa boyfriend mo! Di ka nakakatulong eh!" Dagdag ko habang tinutulak tulak ko siya kay Erick yung boyfriend niya. Tsk

"Support ako dyan pwend! Goodluck nalang lagi! Labyu!" Sigaw niya habang naglalakad palayo kasama si Erick.

I sighed

"Hayy" anong gagawin ko? Lagi nalang vecant sa class namin. Ang lonely ko rin pero pweh, sanay na ako. :')

Maya maya ay PE class na namin and kailangan na mag bihis ng pang PE. Pawis na pawis ako dahil ang init dito sa dressing room. Basang basa na ang bangs ko. Feel kong ang lagkit lagkit ko na agad.

"Pwend! Di pa nag sisimula yung PE class pero pawis na pawis ka na? Tara nga talian kita! Tignan mo! Para ka nang si sadako." Nag aalalang sabi ni Danica. Tinalian na niya ako at hay, ang presko sa feeling. Nagulat nalang ako nung pinabanguhan niya ako. Pero ang bango ha bongga.

"Ayan-" nakita ko namang parang nagulat siya.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Waaaah!! Sabi ko na eh! Konting ayos lang lalabas na rin ang kagandahan mo! Wah! Now! Bagay na bagay na sayo ang pangalan na Peachy! Because you're so beautiful!" Nagulat ako sa sinabi niya. Maganda na ako? Wah! Talaga?! O baka pinag titripan lang ako nitong babaitang to. Hay. I just frown at her and sinuot ko na ang sapatos.

Nauna na siyang lumabas kasi tinatawag na siya ni Erick. I tied my shoes and went out.

Nung lumabas ako. Nakita ko namang natulala ang mga classmates ko. Why?

"Oh! What a hot babe ." Sabi ni Luke sakin and winked. Huh? Babe? Hot? Shet kadiri niya!

"Huh? Luke anong pinag sasabi mong babe? Ako to si Janine." Bulong ko. Nakita ko naman siyang nagulat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You that's WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon