Rebound (one shot story)

31.4K 708 144
                                    

( NOT MY OWN STORY )

REBOUND:

Ano nga ba yung rebound?

Ang alam ko, sa basketball lang meron nun. Pero meron nga bang ganun sa love? Sabe nila oo.

Pano nga ba yung rebound sa love? I may not know what that really is but based on my understanding, yun yung panakip butas lang.

Yung tipong kaya kayo sweet ay para matakpan yung loneliness na nafifeel ng isang tao.

But is it possible na kahit panakip butas ka lang, mainlove siya sayo? Or kahit like man lang?

Ang dameng tanong. Masyado na ding madaming gumugulo sa isip ko. Ang masasabe ko lang, mahirap maging rebound o panakip butas lang.

******

Just call me Janica. Im 17 years old and I want to share my true to life experience about being a rebound.

It all started last summer. It was May 2011 that time. Ikekwento ko muna kung pano nagsimula ang lahat hanggang sa makarating tayo sa present time.

There's this guy that I really like. He's a year older than me. Let's just name him as Patrick. Mabait siya, gwapo, matangkad, sweet. Hindi siya matalino. Average lang.

Classmate ko siya since 1st year highschool ako. We never got a chance to know each other well until we reached our 3rd year in highschool.

Makulit siya and may pagkabipolar. I started liking his actions. I really find his actions cute. Natutuwa ako pag nangungulit siya. Hindi din kasi siya malapit sa babae. Sabe nga daw kasi nila, may pagka torpe siya.

Dun na ako nagsimula na magkagusto sa kanya pero I ignored it at first. Hindi rin naman kasi kame close kaya hinayaan ko na lang.

Sinubukan ko na magkagusto sa isa ko pang classmate called Renz para naman mawala yung feelings na yun. Since 24 lang naman kame sa batch namin, mas madali akong napalapit kay Renz and I started thinking na nagwowork naman dahil parang nawawala na pagkagusto ko kay Patrick.

We were in 4th year highschool ng naging close kame ni Patrick. Nawala na din kasi yung pagkakagusto ko kay Renz that time.

Nagkakatext kame, nagkakachat. Seatmate ko na nga siya sa 2 namin na subjects pero hindi ko alam kung bakit kahit sa chat, may napaguusapan kame. Siguro dahil sa nakakapagbigay ako ng magandang topic.

Ayaw na ayaw ko nga doon sa teacher namin sa 2 subjects na yun ee. But I'm really thankful to her. Ginawa niya kasing alphabetical yung seating arrangement kaya nakatabi ko si Patrick.

Rebound (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon