Ang simula ng pagmamahal

12 1 0
                                    

"Ayaw ko na mabuhay". Malungkot na sinabi ni faye. "Bakit ganyan, pakiramdam ko parehas tayo ng sitwasyon pero bakit ako lumalaban pa rin". Pagalit at malungkot na sinabi ni mai, dahil sa mga problema nilang dalawa. Nagsimula yung pag ikot ng mundo ni Mai kay Faye.

"Sorry ha? Kung ganito ako palagi sayo. Palaging sinasabi na ayaw ko ng mabuhay". Nasa isip isip ni faye, "Galit ata siya sa akin, lalayo na lang ata ako".

Hindi naramdaman ni Faye na mahal siya ni Mai. "Ano ba naman yan, mahal kaya kita HAHAHA"! Pa joke na sinabi ni Mai yung nararamdaman niya kay Faye. "Wag kang ganyan sa akin Mai, may mahal pa kong iba haha". Malungkot na sinabi ni faye kay mai.

Simula nun palagi na silang nag uusap, nag chachat, at nagkikita. Hanggang dumating sa sitwasyon na. "Uy Mai! Kailangan ko tulong mo. Malungkot ako dahil yung mahal ko, ay may mahal siyang iba". Malungkot na sinabi ni Faye kay Mai ito. Habang si mai nagtataka kung sino siya. "Sino nga ba yang minamahal mo Faye?". Nag isip muna si Faye bago niya ito sabihin kay Mai.

"Mai, gusto ko nang sabihin sayo kung sino siya. Yung mahal kong tao ay si Revz". Nagulat si Mai dahil kaibigan niya pala itong mahal ni faye. "Mai please patulong, nag away kasi kami ni Revz". Malungkot na sinabi ni Faye.

Ako naman. Minamahal ko si Faye in a way na tintutulungan ko siya sa taong mahal niya. "Oh sige Faye! Tutulungan kita! Wag ka mag alala! Ito na ichachat ko na si Revz".

Sabi ko kay Revz. "Bro, kamusta kayo ni Faye". Sabi naman ni Revz, "Huh? What do you mean kamusta kami? Diba magkaibigan lang naman kami". Narealize ko na nasasaktan talaga si Faye dahil sa pagtrato ni Revz sa kanya. Nalungkot ako dahil ganun nga sitwasyon nila.

"Uhm, Faye. Satingin ko malabo na kayong dalawa ni Revz". Ayaw kong sabihin sa kanya yun, pero kailangan ko sabihin. "Mai, satingin mo magugustuhan pa ko ni Revz?". Malungkot na tinanong ni Faye kay mai. "OO NAMAN! SUS! MAGUGUSTUHAN KA RIN NUN!". Pasigaw at masayang sinabi ni Mai kay Faye na magugustuhan rin siya ng taong mahal niya.

Lumipas ang ilang linggo ~
"Hindi ko na talaga kaya". Malungkot at paiyak na sinasabi ni Faye kay mai. Paulit ulit niyang sinabi yun. "Alam mo Faye. Don't be sad. Andito naman ako. Yung totoo". Nag isip si Mai kung sasabihin ba niya talaga.

"Yung totoo Faye. Mahal kita!". Paiyak na sinabi ni Mai ito. Hindi makapagsalita si Faye ng ilang minuto. Inisip niya muna ng mabuti yung sinabi ni Mai sa kanya.

"Oh my god Mai. Bakit ako?". Malungkot niyang sinabi kay Mai. Habang si Mai nalulungkot dahil iniisip niyang baka siya ay tanggihan ni Faye.

Lumipas ang ilang minuto. Ayun. Sumagot na rin si Faye. "Uhm, mai. Sorry ha? Mahal rin naman kita pero as a friend lang". Tumibok puso ko ng mabilis, at inisip. "Bakit kaya ganun? Mahal ko siya. Pero di siya mahal ng gusto niya. Bakit hindi na lang ako?".

"Uhm. Haha. Okay lang yan Faye. Mamahalin mo rin ako sa tamang panahon. Sa ngayon. Atleast happy tayo. Happy in a way na nagtututulungan. At nandiyan para sa isa't isa". Malungkot na sinabi ni mai ito kay faye. Nasa isip ko. Okay lang sana sa akin na ganun, basta natutulungan ko siya. Hindi rin naman ako naghihintay ng positibong sagot. Dahil ganun naman eh, ganyan ang buhay.

Nag lagay kami ng nicknames ng isa't isa. "Mr happy life", sa akin. "Ms happy life", sa kanya. Oh diba masaya talaga HAHAHA. Masaya pero masakit. Masaya dahil, natutulungan ko siya. Sa mga problema niya. Masakit, in a way na baka hanggang doon na lang.

Isang linggo ang lumipas, nagkikita kami tuwing makalawa. Nililibre ko siya. Ayan, mcdo, mcdo, mcdo. Kung saan niya gusto. Mahal ko siya eh. Makita ko lang na masaya siya, okay na ko.

"Faye alam mo bang sa tuwing nakikita mo yang mukha mong naka ngiti. Masaya rin ako". Sinabi ko sa kanya. "Awe, salamat mai. Salamat at dahil nandito ka para sa akin". Masayang sinabi ni Faye.

Lumipas nang dalawang araw. Dineretso ko na kay Faye yung gusto ko talagang sabihin. "Faye. Mahal na mahal kita. Ngunit, hanggang doon na lang ba? Gusto kong sagutin mo ko ng diretso. Alam ko namang mahirap humingi ng higit kasi may mahal ka pang iba". Malungkot at paiyak na sinasabi ni Mai ito kay Faye.

"Di natin alam eh". Sinabi ni Faye kay mai. Nalungkot ako sa sagot niyang yun. Ngunit sinabi ko na lang sa kanya na. "Oh well, hayaan mo na! Hahaha. Basta happy tayo". Kaya nga kami Mr and Ms happy life eh hahaha. Palagi namin sinasabi sa isa't isa na happy life lang. Para sa ganun parehas kaming ngumingiti.

Ako nga pala si Mai, yung magmamahal kay Faye ng todo at nag eeffort ng todo. Para lang alam niyo. Di ako yung taong iisang bagay lang ang focus. Nandiyan ang love life. Pero i have my own goals.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang storya ng pagmamahal ni Mai kay Faye.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinagsisihan mo ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon