Chapter 3

23 6 0
                                    

GRACIA'S POV

As expected, inis na inis siya saken. Alam kong gusto niya akong sigawan pero hindi niya kayang gawin dahil andito sina lola.

"AKALA KO MAGBABAGO KA NA?!" sabi niya na kinokontrol ang pagtaas ng boses niya.

"Excuse me? Ikaw ba nagbago?"

"Not totally but at least unti unti. Eh ikaw? Paano mo mapapatunayan ang sarili mo kung ang pagcocollege nga ay hindi mo magawa"

"Eh hindi nga ako nakapasa" napatayo pa ako at humarap sa bintana.

"Ewan ko sayo" sabi niya at lumabas ng kwarto. Nakita ko pa siyang lumabas ng gate at sumakay ng jeep.




Shit





Hindi alam nina mama't papa na kina lola ako. Kinausap ko na rin sina lola. Sinabi ko sa kanilang busy masyado sina mama at papa ngayon. Sabi ko pa ay sa next month pa klase ko kaya napauwi muna ako dito. Susulitin ko ang summer. Pero ang totoo ay umuwi ako dito dahil wala na akong mapupuntahan.

Flashback

"So naka empake ka na?" tanong ni Daddy "Are you sure na hindi na ko susunod sayo duon para icheck yung apartment na tutuluyan mo?"

"Yes dad"

I'm packing up my things. Ang alam nina daddy ay lilipat ako ng apartment para malapit sa school na tutuluyan ko. Pero ang totoo ay uuwi ako kina lola Monika para mag isip.

Hindi ako nag aaral ngayon. Wala ni isa na University ang naipasa ko. At naubos ang lahat ang perang meron ako kakabayad ng mga nasira kong kasangkapan sa bar na pinuntahan ko.

After ko kaseng malaman na hindi ko naipasa ang lahat, nawalan na akong gana umuwi ng bahay. Kaya nagstay ako sa bar. Tapos nagpakalunod sa alak. Hindi ko na alam kung anong nangyari. Ang huli kong maalala ay binabato ko na lahat ng bote dun sa bar. Kinausap ko nalang yung may ari after tapos binayaran ang lahat na nasira ko. Maswerte nalang ay hindi ako nanakit ng tao. Kung gayun, doble ang paghihirap ko.

"Mamaya pa alis mo? Kung ngayon sana ay maihahatid pa kita sa apartment mo" daddy

"Mamaya pa dad"

Umalis si daddy at mommy. Mabuti nat papunta sila ngayon ng States para kamustahin ang negosyong naiwan nila duon. Kaya ngayon ay wala na akong aalahanin pwera nalang sa Kuya ko. Hindi imposibleng malalaman niyang nagsisinungaling lang ako. Kilala ko si kuya. At kilala rin niya ako. Kaya kaylangan kong magdoble ingat sa mga ikikilos ko.

"Aalis ka na?" sabi ni Kuya nung makita niya akong buhat buhat ang luggage ko.

"Yes"

"O sige. Mag ingat ka"




Papunta ako ngayon kina lola Monika. Okay na rin ata yun. Andun rin naman si Araw e. May tiwala ako sakanya

End of Flashback


Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung wala si Araw. Siya lang ang itinuring kong kaibigan at makakapitan ko sa twing may problema lumalapit sakin.


Siya si Araw Baltazar Magallanes. Mukha siyang utusan at mahina ngunit kabaliktaran iyon sa tunay niyang pagkatao.

'Magallanes'

Mayaman

Sikat

Matapang

Matalino

Kung itinuturing ng lahat ay NAPAKAPERPEKTO NG PAMILYA NILA.




Pero hindi













Bata palang si Araw ay malayo na siya sa media. Nakatago at hindi pinapalabas ng bahay. According sa kwento ng Daddy ko na ikinwento rin sakanya ng Lola Monika ko ay isang Beauty Queen ang mommy ni Araw. Mula nung ipinanganak niya ang ate niya ay hindi na ito muling rumampa pa. Naging aligaga ito sa pag aalaga ng kanyang anak. Ang asawa naman niya ay laging busy sa business nila. Gustong gusto niya na kapag lumaki ang anak neto ay magiging Beauty Queen din katulad niya. Ngunit hindi ito nangyari. Napansin ng media ang anak niya dahil sa kagandahan niyong taglay. Kaya kahit bata pa ay naging abala na ito dahil sa dami ng shooting ang meron siya. Kaya nawalan na ng oras ang mommy ni Araw para turuan ang anak niya dahil hindi ito makasingit sa schedule niya.

Nang isilang ang pangalawa netong anak na si Asul ay lubha itong nalungkot dahil lalaki ang anak neto. Nang itoy lumaki, napansin ng lahat ang pagiging malambot neto. Ngunit hindi niya ito itinakwil dahil nakitaan niya ito ng galing sa larangan ng FASHION at kalaunan ay natuto na itong magdisenyo ng mga damit.

Ilang taon ang nakalipas ng isilang niya si Araw. Hindi namin alam ang kanyang dahilan kung bakit pinaghihigpitan nito ang kanyang anak. Baka nga'y gusto niyang sumunod rin ito sa kanyang yapak. Kaya tinuturuan niya ito kahit labag sa kalooban ng bata. Si Araw ay naging malapit sa lolo nitong army. Tinuruan siya nitong lumaban ngunit hindi pa siya nahahasa ay nawalan na siya ng gana dahil pumanaw ang pinakamamahal niyang lolo. Labis niya itong dinamdam. At sa tuwing pinipilit siya ng mommy niyang mag practice na rumampa ay lagi niya ito tinatanggihan.

Hindi katulad ng ate at kuya niya na bata pa lang ay gumagawa na ng sariling pangalan, siya ay nagmumukmok lang sa bahay. Hanggang sa ipinadala ng mommy niya si Araw sa lola niya at di na kinuha pa ulit.

Nagkilala kaming dalawa nung Grade 4 siya at Grade 6 ako ng minsan ay binubully ako ng mga kaklase ko. Ipinagtanggol niya ako. Dun kami dalawa nagkasundo lalo na nung malaman ko na ang lola ko ay kaibigan din ng lola niya. Minsan ay nasasangkot kami sa mga gulo sa school. Lagi kaming nambubully ng kaklase. Nung naging first year ako ay nagkahiwalay kaming dalawa. Naging bully pa rin ako sa bago kong eskwelahan. Nawalan rin kami ng connection sa isa't isa.

Laking gulat ko nalang na isang araw ay nakita ko siya sa school. Third year ako nun. Siya naman ay First year. Malaki ang pinag bago niya. Hindi na siya bully at hindi na rin nagsasalita. Ngunit ay naging magkaibigan pa rin kami. Nangako din ako sakanya na magpapakabait din ako katulad niya. Kaya simula nung 4th year ay hindi nako nambully at nag aral na ng mabuti. Naging masaya siya sa akin.










At eto nga ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin.

















Binigo ko ang kaibigan ko.

Close To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon