Sinisimulan mo ang umaga sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti, isang napakalakas na pagbati. Pagkatapos mong gawin ang lahat nang iyong kailangan eksaktong 7:oo aalis kana patungong eskwela.
Ako naman nang hindi mo namamalayan, tinitingnan ka sa may kalayuan, bawat kilos pati ang pag kumpas ng iyong mga daliri ay pinagmamasdan .
Sa paglakbay mo patungo sa eskwela ay kasama mo ako . Di man tayo magkasabay sa paglakad andun naman ako kasunod mo. Kahit para sayo'y wala lang ang presensya ko para sa akin ang presensya mo ang mundo ko.
Para akong asong sunod ng sunod sa amo.
Okay lang na magmukha akong tanga at okay lang kahit di mo ko kilala.Ngayon, isang hakbang nalang papasok na tayo sa paaralan, isang hakbang na paulit ulit kong pinipigilan sa aking isip. Isang hakbang na kung pwede di nalang ituloy, isang hakbang na palagi akong sinasaktan.
Sa pagpasok natin, andun siya, sinasalubong ka ng magandang ngiting mas maganda pa sa umaga. Pagnakahakbang kana , dito na magtatapos ang imahinasyon ko sa ating dalawa, pag nakikita kitang kasama siya.
Kasi alam ko , na kahit anong lapit ko, na kahut anong papansin ko, di mo kailan man makikita ang ako kasi may KAYO at walang TAYO.
Isa lang akong ordinaryong kabataan na namomroblema sa larangan ng pag-ibig.
Isa lang ako sa maraming mga M.U
Mag isang Umiibig
Mag isang Umaasa.

BINABASA MO ANG
The Space Between U & I
Подростковая литератураI always follow you around Always trying to make a sound So that you can notice me But its not really that easy 'Coz no matter how close we are from each other There's a space that separates us from one another.