Evening Sky

8 2 0
                                    

Aileen


We are so close yet so far. Tunay na mahirap ngang mapasabak LDR o Long Distance Relationship. You get a chance to talk to each other everyday yet you can't feel each other's warm hugs and sweet kisses. But for us? Virtual hugs and kisses are already enough to prove our undying love for each other and that's what matter the most. 



Eto ako ngayon, nakatambay sa labas ng bahay namin at pinagmamasdan ang madilim na kalangitan ngunit puno ng makikinang na bituin. 



Ate online na si Bons mo! sigaw sa akin ng kapatid ko kaya kumaripas ako ng takbo papunta sa loob at nag-ayos nang kaunti saka ko binuksan ang laptop ko. 



Bebs!! masiglang bati sa akin ni Eric at parang bata na pakaway-kaway pa sa harap ng camera. Hindi ko namalayan na halos mapunit na pala ang bibig ko sa sobrang lapad ng ngiti ko. Uy bebs miss na miss na miss na kita. sambit niya at napa-pout pa. Bakit ba napaka-cute ng Bons ko?



Miss na miss na rin kita Bons. Kumakain ka ba ng maayos diyan? Aba tignan mo nga itsura mo malapit ka na maging kalansay. pang-aasar ko sa kanya at tumawa pa. Ampayat na nga ni Eric, mas lalo pang pumapayat hays. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa kanya at sa kalusugan niya.



Kumakain naman ako noh sadyang mas lalo lang akong nangangayayat kasi wala ka dito. Eh ikaw? Mukhang pumapayat ka ah! Aba kumain ka nga ng marami Bebs di ako sanay sa ganyan mong itsura! puna niya sa akin at natawa naman ako.



Nga pala, wanna know why Bons and Bebs ang call sign namin? Ganito kasi yun. Chubby kasi ako kaya Bebs ang tawag niya sa akin. Bebang rin ang pang-aasar niya sa akin noong high school kaya yung bebang naging Bebs gets?



Bons naman ang tawag ko sa kanya, short for "Bones". Aba napaka-lampayatot kasi ng lalaking 'to nung high school kami pero ngayon masasabi kong puberty hits him hard nga naman hahahaha.



Bakit ayaw mo ba akong sume-sexy? tanong ko sa kanya. Mukhang nainis naman siya sa sinabi ko.



Ayoko. Kasi gusto ko, pag-uwi ko dyan may maha-hug akong isang malaking teddy bear. sagot niya naman at natawa. Kikiligin ba ako o maiinis? Napaka-laitero mo talaga. Hmp. at nagpout ako.



Oy Chicharon ko hindi kita nilalait noh. Nagsasabi lang ako ng totoo. Aba ako ata ang pinaka-maswerteng lalaki sa buong mundo dahil may girlfriend na ako, may life-size teddy bear pa ako! proud na proud niya pang sabi at napahalukipkip pa. Napaka-abnormal talaga neto.



Oo na tama na pambobola kita mo nang bilog na bilog na nga ako eh. sambit ko naman and we both laughed like a dumb.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Evening Sky || One-shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon