Zanixia and her friends are wasting their time drinking and having fun.
Makalipas ang ilang oras ay nagyakag na si Zanixia na lumabas at maglakad-lakad muna sa park malapit sa bar na pinanggalingan nila dahil medyo maaga pa naman.
Naisipan ni Yvez, Zanixia's bestfriend na idare si Zanixia. Dahil nga may tama pa ito, pumatol naman ito sa kalokohan ng kaibigan.
"Do you see that c-couple on the bench?" Medyo magulo'ng sabi ni Yvez.
"That ugly girl and the fafi?" Tanong agad ni Zanixia.
"Yah babes. Now i dare you to g-get that f-fafi."
Nginisian ni Zanixia ang mga kaibigan at nagtilian naman ang mga ito.
Nilapitan ni Zanixia ang magkasintahan at agad nito'ng sinampal ang babae.
"What's your problem, Miss?" Asik nito sa kanya.
"YOU ARE MY PROBLEM!" may diing sabi ni Zanixia.
Di pa man nakakasagot ang babae ay bumira na naman s'ya.
"Malandi ka! You stole my boyfriend." Sabay tingin naman n'ya sa lalaki'ng hindi n'ya kilala na kanina pa s'yang pinipigilan.
"Akala ko ba ako lang? Sino 'to huh? Pinagkatiwalaan kita pero ano 'tong ginanti mo sakin?"
Madamdamin n'yang saad at tsaka sinampal ito ng pagkalakas-lakas. Naaawa man s'ya sa gwapo'ng lalaki ay wala s'yang magawa sapagkat nagkakatuwaan sila.
Nang makita n'yang nag-aaway na ang magkasintahan ay agad s'yang bumalik sa pwesto ng mga kaibigan n'yang kanina pa nagtatawanan.
"Akala ko ba get the fafi?" Tanong ni Amara.
"Oo nga!" Sabat din ni Uni habang tumatawa pa rin.
Batid na ni Zanixia na hulas na ang mga kaibigan. Saglit s'yang tumingin sa gawi ng magkasintahan na kanya'ng pinaglaruan kani-kanina lang. Umiiyak na ang babae at sinampal nito ang gwapo'ng lalaki. Nakaramdam s'ya ng awa para sa lalaki. Upang maiwaksi ang nadarama ay binalik n'ya ang titig sa mga kaibigan na nagtatawanan pa rin sa ginawa nilang kalokohan.
"Nagbago isip ko eh. Pasensya na mga babes sa tingin ko kasi mas masaya yung ginawa ko." Sinabayan n'ya ito ng pagtawa.
Psstt...
Napatigil s'ya sa pagtawa at hinanap kung saan nang galing ang boses na kanya'ng narinig.
"That was really epic!" Sabi ni Gry habang tumatawa pa.
"I never imagine that Zanixia could do something like that!" Maarteng sabi ni Sky.
"Nag-iimprove ka na babes." Wika ni Yvez.
Sinabayan lang n'ya ang tawa ng mga kaibigan.
"Wait guys, sasagutin ko lang yung tawag ni Thirdy!" Masayang wika ni Yvez.
Unti-unting naging mapakla ang tawa ni Zanixia pagkarinig sa pangalan ng kaniyang sinisinta.
"We should go home now, Guys. See you again tomorrow." Paalam ni Zanixia sa mga kaibigan.
Pagkapasok n'ya sa condo unit n'ya ay may nakita s'yang gwapong lalaki na nakaupo sa kama nya.
YOU ARE READING
Cupid's Curse
FantasyZanixia Clementine Abella is a not-so-nice 18 years old lady who loves to have fun. Everything was accordingly in order in her life until Cupid, curse her for a mistake she did.