1

10 0 0
                                    

Zanixia's Pov

"Sino ka!?" gulat na tanong ko sa lalaking nakaupo sa kama ko.

"My name's Beau." habang sinasabi niya ang pangalan niya ay tumayo siya.

Akmang lalapit siya sa computer table ko ng magsalita ako.

"'Wag mong galawin 'yan. Baka madelete mo yung thesis ko diyan." nag-aalala kong sinabi.

"Huwag kang mag-alala Zanixia. Hindi naman ako taong bundok." sabay ngisi niya.

Punye**** lalaki 'to.

"Ano bang ginagawa mo dito ha? Paano ka nakapasok dito? Paano mo ko nakilala?"

"Hinay-hinay lang sa tanong miss. Napaghahalatang interesado ka sa'kin."

"Ang hangin. Punyemas.Excuse me lang ha. Hindi mo 'to bahay kaya lumabas ka na." itinutulak ko siya palabas. Pagkalabas niya ay agad kong sinara ang pinto.

Didiretso na sana ako sa Cr ng mapalingon ako sa kama ko.

"DIBAPINALABASNAKITABAKITNANDITOKANANAMAN? HOLYSH*T!" dire-diretsong talak ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Bakit ba pati pagtawa ng nilalang na 'to eh napakagwapo?

"Pinalab--bas na k-kita d-diba?" utal-utal kong sabi.

"Ako ang pinadala ni Eros dito para parusahan ka. Hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo at nababahala na si Eros sa mga magkasintahang nasisira mo. Tulad na lang ng kanina."

Marahan kong pinisil ang braso ko para malaman kung nananiginip ba ako o kung ano.

"Hindi ka nanaginip, Zanixia. Bibigyan kita ng kalhating taon para ayusin ang mga taong nasira mo at bumuo ng koneksyon sa iilang taong iniatas ni Eros sa'yo." iniabot niya sa akin ang isang kapirasong papel. Dinaig pa ng papel na iniabot niya sa akin ang pinakamahal na stationary sa nb.

Kulay itim ang papel. Makinang ito at kaaya-ayang tignan. Sa bawat pagdampi ng mga daliri ko ay unti-unting nakikita ang mga letrang nakasulat sa kulay pula na makinang na tinta.

"Pakisara ang bibig mo baka pasukan ng langaw." sabay talikod niya at higa ulit sa kama ko.

"Nakakailan na talaga sakin 'tong siraulo na 'to. Ang kapal kapal ng pagmumukha!" bulong ko.

"Naririnig kita."

Sa sobrang inis ko, dumiretso na lang ako sa cr ko.

Habang naliligo ako ay nakailang pisil ako sa sarili ko baka sakaling magising ako sa panaginip na 'to.

"Matagal ka pa ba diyan, babae? Pagamit ako ng cr mo." Sigaw ng kakaibang nilalang na makapal ang pagmumukha.

"Saglit lang!" sigaw ko pabalik

Agad akong nagbanlaw at lumabas ng nakatapis.

"Hindi ka ba nahihiya na nakatapis ka lang at may kasama kang isang gwapong nilalang ha?" bungad niya sa'kin.

"Ikaw ang dumayo dito kaya makisama ka."

Saktong pagkabihis ko ay siya'ng pagtunog ng cellphone ko.

"Yes, Gry?" bungad ko pagkasagot ko.

"kinukumusta ka nga pala ni Thirdy."

Napangiti ako ng marinig ko 'yun.

"Tell him, I'm okay. Anyway, how is he nga pala? Haven't seen him this past few days." tanong ko.

"Hindi ko rin alam, Nix. Kay Yvez lang naman nagsasabi 'yun." and it wakes me up from my day dreaming. He's into Yvez nga pala.

"oh okay. You should sleep na, Gry. Gabi na masyado. See you sa school."

"Goodnight, Nix." Gry ended the call.

"Ikaw rin dapat matulog na." bulong sakin ng pesteng nilalang na 'to.

At nagsimula na namang mabuhay ang pagkairita ko. Sasagot pa lamang ako ng bigla siyang tumalikod at nagsalita.

"Tulog na, 'di ka mahal nun."

Saktong ibabato ko na sana ang phone ko sa kanya ng magpaalam siya at bigla na lang mawala.

Kahit na gulat ay pinilit ko pa ring magbihis dahil paniguradong lalamigin ako kung uunahin ko ang pagkabigla at takot ko.

Humiga ako sa kama at direcho lang ang tingin. Ang daming pumapasok sa utak ko at naalala ko ang papel na iniabot sa'kin ni Beau.

Agad kong kinuha ang papel na nakapatong sa drawer ko. Pinagmasdan ko ito at napansin ko ang dalawang pangalan na nagnining-ning.

Samantha Hernandez and Allie Mariano

I knew them! They were studying on the same school I am currently enrolled.

"Ah! The stupid girl who accused me." Bulaslas ko.

"You're really mean, Xia." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"At paano ka na naman nakapasok dito ha?" Masungit kong sambit.

"Secret!" At talaga namang nilabas niya pa ang dila niya para asarin ako.

"Urghhhhh! Bahala ka sa buhay mo!" Sabay talakbong ko ng kumot sa mukha ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cupid's CurseWhere stories live. Discover now