Between Two

15 0 0
                                    

"Mahal kita"

Salitang matagal ko nang hinihintay na marinig mula sayo.

Masuklian naman ang tinitibok ng puso.

Pero, bakit ngayong narinig ko na mula sa bibig mo..

nagbago bigla ang timpla ng mundo?

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Noon, ay hinihintay ko ang katagang 'yan na lumabas sa bibig mo. Ngayon, ay mas gugustuhin ko na lamang na maging bingi upang 'di ko marinig ang sinasabi mo.

Ngayon ay nalilito na 'ko.

Ano ba ang gagawin ko?

"Magiging masaya ka sa kanya." Sabi nila.

Magiging masaya nga ba ako kung pinipilit ko na lamang ibalik ang dating tayo?

"Magtiwala ka." Payo nila.

Nahihirapan akong magtiwala sa bagay na alam kong hindi sigurado.

Lalo na't alam kong sa huli ay masasaktan lang ako.

"Tanga ka!"

"Nandyan na siya! Pinakawalan mo pa."

"Mas pinili mo lang na saktan ang sarili mo! Kesa ang lumigaya ka."

"Tonta! Hindi ka marunong mag isip."

"Bakit bumalik ka pa!?"

Sigaw nila.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapakla. 

Mali ba ako? o mali ang pinili ko?

Pakiramdam ko ang sama-sama ko.

Ang bilis nilang husgahan ang desisyon ko.

Dahil nagawa kung bitawan ka at mas pinili siya.

"Sa lahat nang pwedeng mahalin. Bakit siya pa!?" Tanong mo. 

Pero tumawa lamang ako sabay ng pagtulo nang luha ko. 

Wala kang alam.. Dahil ni minsan ay wala ka naman talagang pakealam.

Dahil sa lahat ng pwedeng mahalin ay bakit nga ba siya pa!?

Bakit siya pa ang minahal ko, kung nandito ka naman sa tabi ko?

Malungkot kitang tinitigan at malungkot akong ngumiti.

Simpleng sagot lang naman ang kailangan, upang maintindihan mo kung bakit mas pinili ko siya.

'Yun ay...

"Mas mahal ko siya."

A.N// It's been a while.

All Right Reserved

@2017Acaflojah444

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between Two (November 21, 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon