This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved ©Sarlora
--------------Napangiti ako nang makita ang nagliliparang paru-paro. Inabot ko ang hintuturo ko sa kanila at balak sanang iabot nang bigla nalang silang naghiwa-hiwalay at lumipad pataas, palayo sa'kin.
Sandaling nawala ang ngiti ko at napangiti ng malapad. Lumingon lingon ako at napansing nasa isang magandang lugar ako. Mga puno at mga dahon nito'y buhay na buhay. Nagliliparang paru-paro na may iba't ibang kulay, mga ibon ay malayang nagsisiliparan.
Napayuko ako at napansing nakatayo ako sa isang mayaman at matabang lupa na napapaligiran ng damo at mga bagong tubo na bulaklak. Nahigit ko ang aking hininga at lumuhod. Inabot ko ang isang puting bulaklak na sa tingin ko'y natatangi sa iba pang naka paligid. Pinitas ko ito kasabay ng paglakas ng simoy na hangin at nilipad ang aking mahabang buhok.
Napapikit ako nang maramdaman ang unti unting pag angat ng aking ulo na parang may sariling buhay ang hangin sa pagkontrol nito. Minulat ko ang aking mga mata at napaawang ang aking labi nang makita ang ilog na asul ang kulay at kumikinang na parang kristal dahil sa sinag ng araw.
Dahan dahan akong tumayo galing sa pagluhod habang dala dala pa rin ang puting bulaklak. Naglakad ako at tumungo sa ilog, para akong inaakit ng asul at malinis nitong katawan at parang may umuudyok sa'kin na maligo doon.
Dahan dahan akong naglakad hanggang sa naramdaman ko na ang kalamigan at asul na malinis na tubig sa aking binti at ang pag lutang ng aking puting bestida. Nakaramdam ako ng galak at nagpatuloy pa sa pag lakad hanggang sa kinailaliman nito.
Umabot na ito sa aking mga balikat hanggang sa aking leeg. Pinikit ko ang aking mga mata at humugot ng hangin sabay ng pag lubog ko sa aking sarili. Naramdaman ko ang lamig ng tubig at ang pag lutang ng aking mataas na buhok at ang aking bestida. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at wala sa sariling ngumiti na nakatikom pa'rin ang bibig.
Napabuga ako ng hangin at dali daling lumangoy pataas para humugot ng hangin. Sa pag langoy ko pataas ay bigla kong nabitiwan ang puting bulaklak-kasabay ng pag lamon sa'kin ng kadiliman.
Oh kay gandang panaginip.