Chapter 1: Wish Ko...

9 1 0
                                    

            Krrriiiinggg! Tumunog ang alarm clok. Nagulantang ako at nahulog sa kama. Pagtingin ko sa orasan ko "Holy cow! Late na ako! My goodness! Late na!" tumayo ako kumuha ng twalya at dali dali na naligo. Mabilisan lahat ng ginawa ko. Mabilisan na pag kain, mabilisan na pag palit ng uniform.

Lumabas na ako ng bahay di na nagpaalam sa nanay ko na tulog parin sa sala. Pumara ako ng jeep.

"Manong isa po," inabot ko yung bayad kay kuya driver. Hindi pa ako nakasuklay at basang-basa pa yung buhok ko. Nagpulbo ako at nagpabango. Habang tinitignan lamang ako ng mga pasahero at tila sila ay nagrereklamo. Ingat na ingat ako sa sarili ko dahil puti ang aking uniporme.

You heard it right! Ako pala si Camiah N. Martinez, Miah for short, isa akong Medical Technologist. Siguro nagtataka kayo kung ano yun? Kung totoong trabaho ba yan or gawa-gawa ko lang. Medical Technologist, sila yung mga taga examine at collect ng mga body fluids tulad ng ihi, laway, tae, dugo at kung ano-ano pa. Kami yung kinakatakutan ng mga taong ayaw makuhanan ng dugo.

First day ko ngayon sa trabaho, kakatanggap ko lang sa isang public hospital sa siudad namin. At kung sinuswerte nga naman, eto, late at hindi prepared.

Pagkababa ko ng jeep, dali dali kong sinuklay ang buhok ko habang tumatakbo papuntang entrance ng hospital. Nagtime-in ako at dumiretso sa laboratory. (Laboratory: lugar kung saan kami nakakulong este nagtratrabaho)

"Miah!" Tawag sa akin nung best friend kong si Zira, sabay kami natanggap sa hospital pero hiwalay kami ng lugar. Ako kasi sa Blood Bank na-assign (Iyan yung lugar kung saan ka magdodonate ng dugo at hihingi ng dugo para sa pasyente) Siya naman sa Clinical Microscopy (eto naman yung lugar kung saan mo isusubmit yung mga ihi at tae)

"Zira, briefing na diba? Anyway, punta nako sa section ko (yan ang tawag doon sa room kung saan ako na-assign). Naghug kami saka naghiwalay. Pagkapasok ko sa section ko, anlakas ng pintig ng puso ko. Parang sasabog sa kaba, ikaw ba naman first day mo magwork.

"Ma'am Camiah Martinez?" biglang may lalake na lumapit sa akin at aakmang makikipagshake ng hands. "Ako si Alex Ramos ang nakaduty ngayon time na ito, welcome,"

"Ah, opo, Miah na lang po sir Alex," nakipagshake hands din ako. In fairness gwapo si Sir. Back to reality, so nabrief ako sa mga equipment, kung saan nakalagay ang mga kagamitan. Pinakita rin sa akin kung paano gamitin ang mga equipment at kung ano ang mga rules at regulations sa loob ng section. Malaki yung room, at nahati sa tatlo, yung pinaka harap na area (kung saan ako pumasok) doon yung para sa mga kukuhanan ng dugo or magdodonate ng dugo, sa pangalawang area, mga machines at kagamitan para sa pagprepare ng mga itratransfuse or ibibigay na dugo sa mga pasyente, at sa pangatlong area naman eh puro mga ref kung saan itinatago ang dugo.

After ko nabriefing, pinag observe muna ako. Habang naglalakad ako nakita ko sa ding –ding sa first are yung organizational chart. Binasa ko at tinignan ko kung sino ang head nila at mga katrabaho ko.

"Miah?" biglang may nagsalita sa likod ko.

"Ah yes po?" Pagtingin ko isang maliit na dalaga ang bumungad sa akin. Simple pero pretty siya. "Ako si ma'am Anne, isa sa mga nagwowork dito, alam mo na ba gamitin yung mga machines?"

"Ah oo tinuro kanina sa akin ni sir Alex" sabi ko naman

"Pero if may tanong ka lapitan mo lang kami ha," sabi niya na nakangiti.

"Sino pala ang head niyo?" tanong ko sa kanya

"Ah si Sir Je, wala siya ngayon, off nya kakatapos kasi ng night duty niya. Baka bukas mameet mo siya,"sabi niya ulit na may ngiti. "Sige usap na lang tayo mamaya"

"Sige," sabi ko naman. So habang dumaan ang oras sinubukan ko din kumuha ng dugo, gamitin yung machine at magrecord ng mga dapat irecord. Hanggang natapos na ang first day ko.

Lumabas muna kami ni Zira bago kami umuwi, nagchill muna kami sa McDo at kumain ng sandamakmak na fries.

"Bes! Andami dumating kanina, huhuhu natoxic ako agad" pagrereklamo niya sa akin, ako naman nakikinig lang. Tuloy tuloy lang siya nagkwento hanggang nagtext yung pinsan ng kaibigan ko.

Text Message:

FROM: Ash

MIAH TULOY KA PA?

TAPOS NA KAMI BUMISITA. DAAN KA KAHIT SAGLIT LANG.

Tinignan ko yung oras. "Hala!"

"Bakit? Miah? May problema ba?" tanong ni Zira na halatang halata na nagulat sa biglang pagsigaw ko.

"Zira, bes, una na ako ah, may kailangan pa akong puntahan," sabi ko sa kanya. Dali-dali akong umalis at tumakbo. Sumakay ako ng jeep saka ng tricycle. Palubog na ang araw ng makadating ako. Dahan dahan lang ako na naglakad patungo sa kanya.

"Hi Kuya Philip, kamusta ka na?" tinitigan ko lang yung puntod niya as usual wala nanaman siyang sagot. Kumirot nanaman yung puso ko, tumulo nanaman yung luha ko. "Anim na taon na nakalipas kuya, masaya naman ako ngayon pagod nga lang. Namimiss na kita. Sana, sana kung pwede lang, sana makita kita uli at sabihin yung mga bagay na diko pa nasabi."

Biglang may nahulog na maliit na sanga sa ulo ko. "Aray! Kuya ah! Hindi yun nakakatuwa! Hindi na ako iiyak promise!" sabi ko ng pajoke. Kinuha ko yung nahulog na sanga at saka nagwish ng parang baliw. "Sana makita kita uli" bulong ko. At linagay yung sanga sa taas ng puntod niya "Baliw na talaga ako".

Habang naglalakad ako palayo, naalala ko nanaman lahat.

FLASHBACK

"Kuya Philip tulong! Tulungan moko!" sigaw ko, lumulubog nako, nalulunod na ako. Mamatay ba ako?

Biglang naramdaman ko na may pumulupot na kamay sa bewang ko at iniahon ako. Inubo ko yung tubig na nainom ko. Pagdilat ng mata ko si Kuya Philip buhat ako at linagay ako sa gilid ng ilog. Pinaupo ako sa mga bato. Nakangiti siya sa akin. Tapos bigla na lang, siyang inanod ng ilog. Nakita ko siya na napunta sa malayo, at biglang lumubog.

"Kuya Philip!"

"Beep! Beep!" Nagulantang ako, binubusinehan na pala ako ng sasakyan. Nasa kalsada na pala ako. Pinunasan ko yung luha ko at dali-dali akong tumawid.

Naglakad na ako pauwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECOND CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon