Chapter 2 ~ Ang Maling Akala ~

105 2 3
                                    

~Kelly’s POV~

~ Flashback ~

Last Thursday ..

“Kelly! Naghihintay si Jericho doon sa Mini Forest! May gusto daw syang sabihin sayo!” – sabi sa akin ng classmate kong si Jake, isa sa mga kabarkada ng Boyfriend ko, si Jericho.

O_o huh? Bakit naman kaya?

“Ilyan! Gora na! baka mag po’propose na yan!” – XD sabi ni Ayeen. Noreen ang real name nya but I call her Ayeen.

“HAHAHAH! Hindi! Baka, ikikiss ka na! or iha’hug!” – Michelle.

Holoo? Grabeh naman :0

“Noooo! Jill .. baka .. “ – Jee yan. Leanne ang real name nya but we call her Jee yan. Naputol naman ang sinabi nya dahil may nagwala agad. :3

“WAAAAHHH! Ilyan! Oh my gosh! KINIKILIG AKOOO! XDD sige na puntahan mo na!” – sabi ni Mary na tumatalon talon pa. =_= tong babaeng ito talaga, napaka babaw ng kaligayahan.

Pagbigyan na nga! ^_^

“Hoy! Ano ka ba! Sumusulpot ka naman sa pag e’espech ko eh!” – sabi ni Jee yan kay Mary at binatukan pa ito.

“Oo sge sge, pupunta na ako. Kayo naman! Kung ano-ano sinasabi nyo!” – ako

Hihihi. Kinikilig tuloy ako. X)

Pagdating ko sa Mini Forest ..

O_O ano toh?

Ano yan?

HUH?

Nakita kong may kayakap si Jericho.

Plano ko sanang magtago sa punuan kaso nakita na nila ako.

Yung babaeng kayakap nya, nakatingin sa ibang direksyon. Halata namang naiilang sya dahil nakita ko sila MAGKAYAKAP.

Parang sinaksak ng malaking kutsilyo yung puso ko. 

ayy! ano bah! magkayakap lang naman sila eh! ^___^ baka kaibigan nya lang yan! :)))

SANA NGA.

“Oh! Richo! pinatawag mo daw ako? hehe. kinabahan tuloy ako. akala ko kung ano na. sino pala siya?” – sabi ko habang nakangiti ng FAKE. Richo nga pala ang tawag ko sa kanya.

Lumapit si Jericho sa akin..

“Break na tayo.” – Jericho.

O_O

Expressionless ang mukha nya.

Walang lumabas na salita sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit. Ang dami kong gustong sabihin. Pero niisa walang lumabas!

At dahil wala akong sinabi, umalis na silang dalawa. Iniwan nila akong nakatulala at tameme.

Mga ilang minuto akong nakatayo doon habang ang mga tao ay nakatingin sa akin.

“BAKIT?!?!”

At nakapag salita din ako.

Para akong baliw sa harap ng mga tao.

Napaluhod nalang ako. At umiyak.

Maya-maya dumating ang mga kaibigan ko. Hindi sila nagsalita. Inalalayan nalang nila ako pauwi sa bahay namin.

Patuloy pa rin ang pag iyak ko nang makarating na kami sa bahay.

“Ilyan, tama na .. habang nakikita ka naming umiiyak, napapaiyak rin kami.” – Michelle.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon