Dedicated kay ate charotera muntik na kong mag hyperventilate dahil nag comment siya dito sa story kong toh .. Thanks po talaga hahaha ..
READ.ENJOY.VOTE.COMMENT.
=============================================================
Noreen's POV
"Mabuti na lang talaga at dumating na kayo. Sobrang excited na talaga ko sa bakasyong to. It's now or never. Napakadaming nangyayari! Tsika ko sa inyo later. See the house there? Ang ganda diba?" Todo smile pa si Christine habang sinasabi yon. Yung katawan ko parang kinakabahan nung nakita ko yung bahay.
Nako wala lang to. Wag kang paranoid Noreen. Breathe in! Breathe out! Tanggalin ang mabigat na feeling.
"Nako! Kami hindi excited. Actually, gusto na naming umuwi ni Cherry eh. Diba no Che? Nakakakilabot kaya!" Hindi lang pala ako kinikilabutan sa lugar na toh pati din pala tong si pau and si Cher----
"Anong kinikilabutan?! Dinadamay mo pa ko! Medyo excited din ako hehehe." Pero hindi sumasang-ayon ang mata niya sa sinasabi niya.
"May nangyari ba dito habang wala kami ?" Tanong ko sa kanila.
Nagtinginan naman silang tatlo "A-ah wala w-wala!! Tara na punta na tayo dun."
Bakit parang iba kinikilos nitong mga to? Hindi naman ganto to ah. Ang weird parang yung matandang nakasalubong lang namin bago kami pumunta dito.
Kung anu anong kalokohan pinag sasabi niya kesyo may mangyayari daw masama. Ayon pinagsaraduhan namin ng bintana at pinaandar na yung sasakyan naligaw pa nga kami kaya natagalan.
Anyways back to the reality.
Kinuha na namin isa-isa yung mga gamit namin sa sasakyan. Heto't nasa harap na kami nung hanging bridge na mukhang napakaluma na at anytime, mukhang maaaring bumagsak kapag dumaan ang maraming tao. Parang may mga sirang kahoy na din.
Sabi nila ako na daw unang tumungtong kasi daw ako daw pinakamagaan.
Dahil nga mukhang marupok na tong bridge napagdesisyonan naming isa isa lang. Medyo mahaba na din naman eh.
Nakakalula siya as in ang taas may bangin pa sa ibaba. Isa konting galaw mo lang din gagalaw yung bridge as in uuga.
Tinungtong ko na yung paa ko sa bridge .. Dahan-dahan lang ..
At nag lakad ako unti unti .. hanggang sa makarating ako ng gitna ..
"Guys! Tungtong na kayo mukhang maayos naman eh.. Basta dahan dahan lang .." saba lakad ulit ng paa ko habang nakatingin pa din sa kanila ng
"AAAHH !!" YUNG ISANG PAA KO LUMUSOT DUN SA KAHOY .. Hindi ko napansin na meron palang butas yung isang kahoy ..
"Noreen anung nangyari?!!" sigaw nila ..
Mula nung makapunta ko sa gitna nagkaroon nga pala ng fog kaya hindi mo din makikita yung nasa likod at harap mo .. Yung dinadaanan mo lamang talaga yung makikita mo ..
Kaya napaka delikado ng sitwasyon ..
And at last nakita ko na yung lupa .. Medyo binilisan ko na din yung pag hakbang ko pero may nakita kong isang bata nakangiti ..
Isang batang nakakakilabot ang ngiti .. Isang batang babae na mukhang gagawa ng masama ,,
Then parang may ihip ng hangin na bumulong sakin "Welcome !" parang ganun ba .. Pumikit ako and pagkadilat ko nawala yung bata and yung fog biglang nawala ..
BINABASA MO ANG
The Unrevealed Secret
Mystery / ThrillerIstorya ng isang grupo na pumunta para mag bakasyon at mag enjoy kasama ang barkada .. Pero paano kung dito sa pagbabakasyon na toh may matagpuan silang sikreto na matagal nang pinakakaingatan ? Saan hahantong ang bakasyong matagal na nilang pinanga...