Nagising ako sa nurse na pumasok para I check ang Bloodpressure ko. Kada apat na oras ganito dito sila minsan nga gusto ko ilock pinto para di nila ako maistorbo sa pag tulog
"90 over 60" sabi ni Gin nurse siya tuwing night shift
"Pakainin niyo nga ako ng matataba Gin para tumaas ang presyon ko" sabi ko kaya tumawa siya
"Loko ka talaga Jam, oh ayan medyo may sinat ka teka lang kunin ko lang saglit sa station yung gamot mo" tumango lang ako
Sanay na ako sa araw araw na routine ng buhay ko dito sa hospital. Mag aanim na buwan nako dito, gusto ko na nga umalis gusto ko mag mall gusto ko makagala gusto ko ng mga pagkain sa labas gusto ko ng spaghetti ng jollibee! Hay, kailan kaya ako makakatikim ulit non? Ayoko na kasi sa apat na sulok ng kwarto na to dahil alam ko rin naman na hindi na ako gagaling kaya minsan pag natutulog ako hinihintay ko nalang na hindi ako magising. Meron kasi akong acute leukemia sabi ng doktor hanggang anim na buwan nalang itatagal ko. Nararamdaman ko rin naman na mahina na talaga ako at payat na ng husto although, kahit kakaunti na ang buhok sa ulo ko tingin ko maganda parin naman ako.
"Jam eto na gamot mo sa lagnat tapos eto for pain incase ulit na sumakit buto mo" kinuha ko yung gamot at ininom sa harapan niya
"Wala kabang bantay?" Umiling ako
"Meron kanina nandyan lang o baka umalis kumain saglit, siguro?" tumango siya bago umalis
Umayos ako ng higa sabay kinumutan niya ako.
"Kanina ka pa ba nandyan?" Tinignan ko ang natatagong maganda niyang mukha.
"Palagi naman akong nakabantay sayo, hindi ba?" Ngumiti ako sakaniya
"Nag ikot ka na naman ano?" Siya naman ngayon ang ngumiti hawak hawak ang isang orasan sa kamay niya
"Kailangan eh." umupo siya sa tabi ko
"Alam mo nagtataka ako araw araw kang may kinukuha dito pero samantalang ako hindi pa, yung totoo?" Tumatawa ako kasi nagkakapag taka
"Kasi hindi mo pa oras" mga ilang segundo akong nakatitig sakaniya. Mula nung mahospital ako palagi siyang nakabantay sakin. Napaka ganda niya kahit di ko tanaw ang mukha niya ng husto, mahaba ang buhok niya, maputi siya kaya litaw na litaw ito sa damit niyang itim na hoodedcoat at pamilyar din ang boses niya. Nung una ko siyang makita akala ko tao siya na palaging may dinadalaw sa hospital pero hindi, dahil ako lang pala nakakakita sakaniya
"Tagal ko na naghihintay" sabi ko sakaniya
"Mas matagal akong naghihintay at di biro ang mag abang ka sa simula ng buhay hanggang matapos ito" sagot naman niya
"Basta ha? walang kalimutan pag oras ko na" Ngumiti lang siya sakin
"Matulog kana Jam" niyakap ko ang unan ko ng mahigpit. Alam kong babantayan niya ako hanggang sa pag gising ko
"Good night Morte" sabi ko bago ko ipikit ang mga mata ko
.....
Nagising ako sa ingay ng paligid. Pag dilat ko kumpleto ang dalawang kapatid kong lalaki
"Ang ingay niyo ha" saway ko
"Sorry bunso, si Kuya Joey kasi eh inaasar ako don sa ex mo hello! Duh! as if naman, dyusko di maganda habol ko kundi gwapo ano!" natawa ako sa binabae kong kapatid.
"Nga pala speaking of ex mo, hindi ko minsan nakitang dumalaw yun dito" umayos ako ng upo
"Hindi na niya kailangan pa ako makita. Okay na yung tinapos ko na samin lahat bago pa ako napunta dito sa hospital. Ayoko rin naman na balang araw eh maiiwan ko siya." malungkot ako ng gawin ko ang pag iwan sakaniya ng walang dahilan. Alam kong labis ko siyang nasaktan pero anong magagawa ko? Mas masasaktan ko siya kapag namatay ako.