Chapter 1
reminder: read the Book 3: Life and Death before reading this! Spoilers ahead!!!
Napakagat ako ng labi habang pinipigilan ang aking mga luha na tumulo. Shit, hindi ako makapaniwala na nagpakalayo ako ng tatlong taon para makapamove on sa pagkawala ni Jordan but goddamn it hanggang ngayon sariwa pa rin sa memorya ko ang pagkawala nito.
Iniisip ko nga minsan, what if hindi naman talaga namatay si Jordan? What if nagpapatay patayan lang siya para makawala sa marangyang buhay niya? Maraming what if ang pumapasok sa isipan ko ng sabihin sakin ni mommy na wala na si Jordan. Nasa tagaytay kami non kasama ang parents ko at nandoon din si Sean at nagbabalak sanang ligawan ako.
Until that happened, nabalitaan nalang namin na nawawala si Jordan. Gusto kong umuwi ng manila pero ayaw nina mommy. Gusto nila kahit sa isang araw nalang ako umuwi sa manila at umu-oo naman ako dahil alam kong mahahanap siya kaagad nina tita but I never thought that she will die. Hindi ko manlang siya nakasama ng matagal. Damn it.
Isang linggo noong namatay si Jordan at inilibing na siya nina tita, hindi ako pumunta sa libing dahil ayokong makita ang mukha nito. Nagkulong lang ako sa kwarto ko buong linggo and after a week I decided to go to Hawaii to move on.
At ngayon, tatlong taon na ang makalipas noong namatay siya pagkalapag palang ng talampakan ko sa pinas. Naalala ko lahat ng memories namin ni Jordan na magkasama, the happiest and even the saddest moment together naalala ko pa.
Simula noong umalis ako ng bansa wala na akong naging balita sa mga Zamora at kay Sean, tumitigil na rin ang pangungulit nito ilang linggo makalipas nang umalis ako ng bansa. Pinatay ko lahat ng koneksyon ko tungkol sa mga Zamora lalong lalo na sa first love ko na si Johan. Pagak akong natawa habang naalala si Johan, kumusta na kaya siya.
Hinawakan ko ang puntod ni Jordan, tatlong taon na akong hindi nakakadalaw sa kanya. Ang hirap, sobrang hirap. She's my bestfriend for god's sake at wala manlang akong lakas na loob dalawin siya for three freaking years.
"Miss na miss na kita, Jordan..." Mahinang ani ko
Ngunit napansin ko na may bulaklak pa sa tabi ng puntod ni Jordan. Hinawakan ko ang bulaklak na yun at may nakita akong pangalan.
Montereal
Napakunot ang noo ko, sinong Montereal 'to? May secret admirer ba si Jordan?
"You're here..." Nanigas ako sa kinatatayuan ko, that voice. That fuckin' voice, the voice who broke my heart into pieces years ago.
"Stop being a lunatic Gemini"
"Smiling hard even you're hurting"
"Wala akong balak na pumasok sa isang relasyon, Gemini. Tumigil kana sa kakahintay sakin, dahil wala ka lang mapapala"
Napangiti ako ng mapakla nang maalala ko ang masakit na salita na sinabi niya sakin. Naiintindihan ko naman siya kung ayaw niya sakin, pero ang sabihin sakin ang mga masasakit na salita na yun? Sobrang mapanakit niya, grabe.
Tumingin ako sa likuran ko, "Johan..." Walang emosyon ko siya sinagot. Siya na ang nagsabi sakin noon. Smiling hard even you're hurting. Kaya simula noong sinabi niya sakin ang mga katagang yun, I stop smiling at him. Ayoko ng ipakita sakanya ang mga ngiti ko na akala ko para lang sakanya pero siya na ang umayaw ng mga ngiti ko kaya itinigil ko na.
Napansin ko ang pagbabago niya, hindi na siya katulad noon. His eyes are full of sadness and guilt. Alam ko naman na sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ni Jordan. Nakasuit rin to at mukhang galing ito sa kompanya nito. I also saw his billboard while going here, he's now a successful CEO.
"Y-You're here?" Tinaasan ko siya ng kilay, "of course. She's my bestfriend" ani ko. Bakit ganon? Bakit nawala ang lamig na pakikitungo niya sakin? Tsk. Wala naman akong pake kung nawala yun.
Kinuha ko ang bag ko na nasa tabi ng puntod ni Jordan, "dadalawin kita ulit, Jordan..." Mahinang bulong ko at bumaling na kay Johan.
"Aalis na ako para hindi ko maistorbo ang pagdalaw mo" malamig na ani ko, lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko.
"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi kana pala? I should have pick you up..." Aniya, hindi ko mapigilan ang matawa ng peke. Seriously Jordan? Susundin mo ko? Tatawa na ba ako?
Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa braso ko, "you're not important, Johan. Wala ka rin karapatan para sunduin ako simula noong nawala si Jordan"
"You're important for me, Gemini. Bestfriend ka ng kapatid ko, at importante ka sakanya kaya importante kana rin sakin" naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. So, ginagawa lang niya ito para kay Jordan? Dahil bestfriend lang ako ni Jordan at importante ako kay Jordan ay importante na rin ako sakanya? Tsk
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Johan. Sa mga sinasabi mo ngayon, lalong magagalit sayo si Jordan. You know how much Jordan loves me, but don't ever tell me that I am IMPORTANT for you just to make Jordan feel happy. Wala na siya, she's fuckin' dead na kahit ngayon ay hindi ako makapaniwala na wala siya..." Galit na ani ko
"Kung sinasabi mo lang na importante ako para sayo dahil importante ako kay Jordan, then you should stay away from me. Stop bothering me." Malamig na dagdag ko pa. Nagtiim bagang siya, hindi ko alam kung galit ba siya sa mga pinagsasabi ko ngayon or what. Hindi na ako natatakot sakanya. Never.
Tinalikuran ko siya, "I hate people who are using me just for other people's happiness. Remember that shit, Johan..." At iniwan ko na siya mag-isa. I hope ito na ang huling pagkikita natin Johan dahil ayoko ng makita ang taong sumira sa puso ko at naging dahilan kung bakit takot na ako magmahal ngayon. I really hate you Johan. I hate you for hurting me and leaving a scar on my heart.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars
General FictionJohan Zyril's (kindly read Campus King meets Assassin before reading this. thank you) started: october 2022 ended: