Ang ganda talaga ni Aya. Simple,mabait, mahinhin at higit sa lahat siya ang nakabihag sa puso ko.
1st year highschool palang ako noong una ko siyang nakita. Tumatakbo siya pababa sa hagdanan malapit sa classroom namin. Ang haggard niya noon dahil may hinahabol pero di ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng puso ko. Corny man pakinggan, pero tae mahal ko na ata. Na love at first sight ako. Mula noon lagi ko na siyang pinagmamasdan at ngayon kung sinuswerte ka nga naman, kaklase ko siya!
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang mag-bell na, hudyat na tapos na ang mga klase sa araw na to.
Nabigla ako noong lumingon siya at nangiti sa direksyon ko. Napangiti rin ako sa gawi niya at kumaway naman siya ngunit nawala rin ang aking mga ngiti noong tinawag niya si Jezrael.
Napalingon ako sa aking likuran, siya pala ang nginitian at kinawayan ni Aya, ang bestfriend ko, si Jezrael.
"Bro, alis na kami ng girlfriend ko. Kitakits nalang tayo bukas!" Ani ni Jez.
Tanging pagtango ang nagawa ko at pagmasdan silang magkahawak kamay na lumabas sa classroom.
Oo nga pala, bakit ako ngingitian at kakawayan ni Aya? Napatawa nalang ako ng pagak. Nakakapanghina mang isipin pero ang babaeng pinakamamahal ko eh siyang mahal rin ng aking pinakamatalik na kaibigan at sila.