3 months.
Ano nga ba'ng pwedeng mangyari sa loob ng 3 buwan?
Para sa iba, wala lang..
Maikli.
Boring.
Madaling lumipas.
Nakakatamad.
Ordinaryo.
Sakin?
Ha.
Asa ka pa.
Pareho lang din ng description sa taas. Wala naman kasi akong inaanticipate. Hindi uso sakin ang boyfriend o ano. Kahit barkada, sapat lang. Sakto lang kasi akong tao. Average student sa loob ng isang paaralang kinalalagyan ko mula elementary.
^
l
l
l
At 'yan ang akala ko..
5 years ago.
Hindi ko naman alam na magbabago pala ang lahat. Na magiging dahilan kung bakit nagsusulat ako ngayon dito...
October.
Yan ang naging start ng turning point ng buhay ko.
Kasali ako nun sa training sa school. Yung COCC.
(Para sa mga hindi aware, para siyang CAT. Training para sa mga gustong maging officers for CAT. :>)
Ordinaryong COCCian.
Nang biglang isang araw..
"Eka! Erikaaaaa!" Yeaps! Erika po. :) Shane Erika Ramos. 3rdYr HighSchool. 14 years old. Marian. Need I say more?
Lumingon ako at nakita ko yung officer ko na patakbo sa direksyon ko..
At hindi lang basta officer.
Yung 2nd highest ranking officer naming gwapo pala. :DD
"Bakit po, sir JC?"
"Ano.. Kasi..
.. Pwede ko bang mahingi yung number mo?"
Being generous as ever, binigay ko naman. HAHAHAHA! Walang halong kalandian yan, ha?
May girlfriend kasi si Sir Jc. :) Ang ganda nga e, si Ate Steph. Para mo nang nakita si Snow White. Srsly.
Pagtapos nun, umuwi na 'ko.
Wala na naman kasi akong gagawin.
Atsaka mapapagalitan ako ni Tatay kung 5:30 eh wala pa 'ko samin.
Astig no? Curfew sucks. Tsk.
Paguwi ko, parang wala lang naman. Ganun pa din.
Palit ng damit, aral kuno. Hahaha.
Tamad na tamad talaga 'ko sa buhay ko.
Pano naman, WALANG BAGO.
Not knowing that a phone call will be the start of change.
Tinawag ako ni Kuya kasi may tawag daw para sa'kin.
"Sure ka, kuya? Sakin talaga?"
"Oo nga. Kulit pa?"
Wala naman kasing tumatawag sakin e. At wala din naman akong tinatawagan. Pano puro incoming calls lang. Kailangan pa kasi ng card para makatawag. Tch.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away.
Teen FictionHmm. Ang lahat ng mababasa mo dito mejo non-fiction. Hahaha! Kaya kung meron man na kahawig or something.. Coincidence lang po. :)