Sampung taon na ang nakakalipas ng mangyari ang araw na iyon. Ang araw kung kailan nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ko. Ang araw kung kailan nakasakit ako ng mga taong sobrang nagmamahal sa akin. At ang araw kung kailan napatunayan kong nag-iisa ako.
Nang mga panahong 'yon, sinisi ko ang Diyos kung bakit Niya pa ako binuhay, kung puro sakit lang naman ang mararamdaman ko. Sana nga naging manhid nalang ako para kahit papaano maibsan ang pagdurusa ko.
Subalit lahat ng 'yon hindi nangyari. Nanatili akong buhay subalit ang damdamin ko'y unti-unting namamatay. Pakiramdam ko isa akong mabangis na hayop na pinapatay ng paunti-unti dahil sa pananakit ng tao. Mas masakit. Mas ramdam na ramdam ang pait ng kamatayan. Sana pinadali nalang, para matapos na ang lahat. Nang malasap ko naman ang tamis ng kapayapaan.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
RomanceNapakaraming nangyari sa buhay ni Sophia. Nais na niyang sumuko sa lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay niya. Ang mawalan ng hindi lang isang mahal sa buhay ang napakalaking dagok sa kanya. Gustuhin man niyang iahon sa sakit ang mga taong nag...