Tingin

693 25 3
                                    

Warning: CLICHÉ.

This is the edited version.

***

Tinitignan siya sa malayo at sumusulyap ng patago..

Yan ang hilig kong gawin sa bawat araw na binibigay saakin ng Diyos.

Akala ko, mananatili nalang ako na tinitignan lang siya at hindi niya alam ang mga nararamdaman ko.

Pero hindi.

Nagising nalang ako isang araw... Alam na niya. Hindi lang siya, kundi lahat ng tao sa eskwelahan ko ay meron naring nalalaman.

Nakakainis nga e, parang dati, ako lang ang may alam ng nararamdaman ko. Pero ngayon, lahat ng nakakasalamuha ko araw araw ay alam ang tungkol dito... at isa nang bukas na libro sa lahat ang aking nararamdaman. Nakakahiya tuloy sakanya.

"Uy si Storm!" siniko ako ng isa kong kaklase at nakita ko si Storm na padaan sa harapan namin.

Nung makadaan na si Storm sa inuupuan namin sa cafeteria, "Ehem, ehem." narinig ko yung iba kong classmates.

"Yula oh!" tinignan ko ng masama yung nagsalita.

Pinakita ko sakanilang wala akong pakielam sa mga sasabihin nila at umakto nalang akong walang gusto kay Storm... kahit kalat na kalat na meron naman talaga...

Kadalasan nalang kapag nakikita nila si Storm meron silang kanya kanyang dialogue, mga tingin na alam ko na kung anong gustong sabihin at mga ngiting nangaasar sakin.

Umirap ako at tumayo sa kinauupuan ko. Nakakainis and at the same time, nakakahiya. Nahihiya ako sakanya. What if he's annoyed? Knowing Storm, mukhang ayaw niya ng nasa kanya ang attention.

Kahit na alam na ni Storm na may gusto ako sakanya, nakakahiya parin yung mga ginagawa nila. Kaya nga minsan gusto kong lamunin nalang ako ng lupa sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko.

Umupo ako sa may hagdan sa may di kalayuan kung saan nakikita ang kabuo-an ng quadrangle at canteen ng aming paaralan. Mula rito, nakikita ko ang mga estudyanteng sumasayaw sa gilid, may naglalampungan, kumakain lang, nagkakantahan, nagaaral. At heto ako, nagoobserba.

Pero bigla nalang dumaan si Storm sa harapan ko... Tila nag slowmotion ang lahat.

The way na suklayin niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri ay ang dahilan para makaramdam ako ng butterflies sa aking tiyan.

Hindi ko nga malaman kung sinadya niyang dumaan sa harap ko ng slowmotion o may problema lang ako sa mata, o di kaya'y feeling ko lang talaga na slowmotion siyang dumaan dahil sa kakanood ko ng mga telenovela at romantic movies.

In short, isa akong feelingera.

Napatitig ako sakanya. Nanigas ako sa kinauupuan ko...

Hindi ito yung unang pagkakataon na manigas ako dahil sa kanya. Maski ang mga kaibigan ko ay napapansin na madalas akong manigas at matulala kapag nandiyan siya. Siguro nga, baliw na ako sa isang 'to. Sa isang bagyo... At kung hindi naman ako maninigas, madadapa o matitisod naman ako. Sobra akong nakakahiya noh? Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito pagdating sa bagyong iyon.

Napapansin ko rin na sa tuwing nagkakatinginan kami ni Storm, ako yung unang umiiwas ng tingin, hindi ko kayang tignan niya rin ako habang nakatingin ako sakanya. Haynako, kahit makipagtitigan na ako sa kahit kanino, wag lang sakanya. Kahit ilang seconds nga lang na mangyari yung eye-to-eye contact namin, juice colored mahihimatay na 'ko sa kilig!

TinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon