Unsent Messages

4.4K 262 36
                                    

Mother's Day 2017 one shot story by PEPCAT

Happy mother's day!

~~~~~

Sabi nila walang Nanay na hindi mahal ang kanilang anak. Isipin mo. Ang mga Nanay ang nakaramdam ng unang tibok ng puso nating mga anak. Ang mga Nanay ang unang nakaramdam ng unang pag galaw natin. Nabuhay tayo sa loob ng tyan nila sa loob ng syam na bwan. At higit sa lahat nandoon sila nang imulat natin ang ating mga mata sa mundo.

Ako si Olivia Cruz. Nabuhay kami ni Mama na kami lang ang magkakampi. She was young when she got pregnant. Seventeen to be exact! Di naging madali sa kanya ang lahat. Kinutya sya ng mga tao. Minata. Hinusgahan ng marami pero kahit isang beses ay di niya naisip na ipalaglag ako o alisin sa kanyang sinapupunan.

Kahit pa iniwan lang sya ng lalaki na nakabuntis sa kanya nang malaman nito na nag dadalang tao ito. Nakakalungkot isipin pero it's true, my father didn't want to know me from the start. Pero kung tatanongin niyo ako kung galit ako sa kanya? I'll say no. Besides my mother he's also a reason why I am here. Siya ang dahilan kung bakit naging Nanay ko ang the best mom in the world!

Ginawa ni Mama ang lahat para sakin. Ibinagay ang mundo na kaya niyang ibigay. I saw how she worked so hard just to give all I need. Kahit nahihirapan na sya. Kahit minsan ay nakikita ko na gusto na niyang sumuko.

Caregiver si Mama sa Singapore.
2nd year highschool ako nang napilitang mangibang bansa para matustusan ang pagaaral ko. Graduating na ako ngayon at halos dalawang taon na ng huli niyang uwi pero nag promise siyang uuwi siya sa graduation ko at isinumpa ko sa sarili kong magtatapos akong cumlaude para naman kahit papaano ay maging proud siya sa akin at masuklian ang mga paghihirap niya sa ibang bansa.

Masaya akong nakamit ko ang minimithi ko. Finally ako naman ang mag ta-trabaho para sa kanya. Ako naman ang mag bibigay ng lahat sa kanya. Ako naman ang mag papasaya sa kanya. It's my turn to make her feel loved. It's my turn to make her proud! Aakyat siya sa stage para isabit sa leeg ko ang gintong medalya. I am graduating with honours. Magna cumlaude pa.
Pero bakit ganito. Isang linggo bago ang graduation ko ay naka tanggap ako ng tawag.

"Oli. Ikaw ba yan" sabi sa kabilang linya.

"Opo. Ako po ito" sagot ko naman na may kaba. Nanlalamig dahil sa tono ng pananalita ng babae "Si ate Melba mo ito. Neng wag kang mabibigla. Patay na ang Mama mo"

Di ko na magawang mag salita. Tanging luha at hagulgol ang lumabas sa mata at bibig ko.
Ilang minuto rin ako na di nakapag salita hanggang sa pinilit ko ang sarili ko na palabasin ang ilang salita sa bibig ko

"Ano po ang nangyari?" namamaos kong tanong.

"Hindi mo ba alam?"

"Ang alin po?"

"May sakit ang Mama mo Oli. Stage 4 stomach cancer"

Lalong nagdilim ang mundo ko sa sinabi ng kaibigan ni Mama.

Bakit ganito? Bakit hindi nya sinabi sa'kin?

Paano ko pa sya mapapasaya. Paano ko pa maibibigay ang mga bagay na gusto kong ibigay sa kanya. Mga bagay na kinalimutan niya simula ng maipanganak ako.

Hindi ako makapaniwala na ataul niya ang sinalubong at binuksan ko sa araw bago ang graduation ko.

"Mama!" humahagulgol kong sigaw "Paano na ako! Ikaw lang ang kakampi ko! Bakit mo ano iniwan!" kausap ko ang ina ko na nakahiga sa loob ng puting ataul.

"Miss. Ito ang mga gamit ng mama mo" sabi sa akin ng isang lalaki nang iabot ang isang platic.

"S-salamat po" sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unsent Messages Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon