Chapter 5 ( Bar Hop )

12 2 0
                                    

Kim's POV

Mag aalas sais na ng makauwi ako sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto para makapag pahinga. Pero malapit na ako sa kwarto ko ng makita ko si mama na may kausap sa phone.

["Hello,... Oo ayos lang kami.. Wag kang mag alala nagiingat naman kami... Bakit? Ayoko dun gusto ng anak ko.... No hindi ko siya ililipat ng university ayokong pigilan ang makakapagpasaya sa kanya.!"]

At ibinaba na niya ang tawag. Sino kaya ang kausap ni mama ?Bakit kailangan naming mag ingat? At bakit nasama ang salitang anak? Ang daming tanong na namumuo sa utak ko. Matagal ko na ring napapansin na parang may tinatago si mama sa akin pero hindi ko magawang itanong dahil baka magalit siya.

Flashback [4 years ago]

Isang linggo na simula nung sinabi sakin ni mama na patay na si papa. Namatay daw siya dahil sa isang aksidente,nung mga panahong yun ay di ako makakain at makausap dahil sa sinapit ng aking ama. Habang nakaupo ako sa labas ng bahay namin dito sa aming probinsiya ay nakita at narinig ko si mama na may kausap sa cellphone.

["Oo..... Gumawa nalang ako ng kwento...... Alam mo na ayoko ng nagsisinungaling pero kung para sa kaligtasan mo at kaligtasan ng anak natin ay ginawa ko....... Oo dito muna kami hanggang sa medyo tumigil na sila mga plano nila... Oo balitaan mo nalang ako tungkol sa mga nangyayare ha! Sige mag ingat ka. I love you."]

Sino kaya ang kausap ni mama? Bakit nag I love you siya?!

"Mama sino po ang kausap mo?"Tanong ko kay mama.

"Ka-kanina ka pa ba dyan?" Nauutal niyang sabi.

"Opo!"Buong tapat kong sagot.

"Naku wala un anak kaibigan ko lang yun."Sabi niya habang pinagpapawisan.

"Ah ok po.! Tara na po sa loob." Aya ko sa kanya at pumasok na nga kami sa loob ng bahay.

Pero kahit sinabi ni mama na kaibigan niya lang yun ay hindi ako naniwala bakit siya nagI love you at sinong may plano... Hay lalo akong madedepress sa kakaisip e.

End of Flashback

*******************

Almira 's POV

Calling..... Louie...

"Hello"

"Kamusta na kayo diyan ni Kim?"

"Ayos lang kami"

"Mag-iingat kayo at wag magtitiwala sa ibang tao ha!" Sabi niya na may halong pag aalala ang boses.

"Wag kang mag alala nagiingat naman kami."

"Nag-iingat? E bakit base sa kinuha kong private investigator nag-aaral si kim sa Swiss High University! Almira for god sake alam mo naman ata na dun nag aaral ang anak nila tapos dun mo din pinag-aral si kim ano ka ba ?! Are you out of your mind?! Ngayon din ilipat mo ng university si kim!!"

"Bakit? Ayoko! dun gusto ng anak ko hindi ko siya ililipat ng university ayokong pigilan ang makakapagpasaya sa kanya!"

Pagkatapos ay dali dali kong inend ang tawag ni Louie.

******************


Kurt' POV

Pagkatapos kong magstay sa ospital for almost 5 hours ay nakauwi na rin ako sa bahay. NapakaOA naman kasi ng mga kaibigan ko nasuntok lang ako dinala na agad ako sa ospital e may clinic naman sa university baka isipin pa ng Jollibee na un weak ako. No way! Kailangan ko nga palang kumbinsihin si ate sa punishment ng babaeng un dahil sa ginawa niya sakin.

Ms.Nothing Vs Mr.Everything [ON -GOING]Where stories live. Discover now