1st day
Uhm 1st day ng pasukan,
Maraming estudyante ang nagkalat, Abala sa paghahanap ng kani- kanilang silid aralan.Saan kaya ako?
Uy ano section ka?
Sana classmate tayo.
Ilan lang yan sa mga maririnig mo sa mga estudyante sa unang araw.
WAHHHHHH LATE NA KO ASAN NA BA KASI YUNG ROOM KO san ka na ba 1 emerald!!! takbotakbo
1-EMERALD
Haist sa wakas nakita din kita
Hinanap ko ang aking pangalan sa list of student na nakadikit sa gilid malapit sa pinto
24. Buenaflor, Miracle Andrea Joyce S
Sumilip ako sa pinto at nakita ko na wala pa kaming guro
Nilibot ko ang aking paningin upang humanap ng mauupuan.
Marami-rami na din kasi ang nasa loob .Joyce dito!
Hinanap ko ang tumawag sa akin si Darlene pala
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa bakanteng upuan.. Wala pa kasi ako kilala dito kundi si Darlene. Hindi kame close magkaservice lang kami. Habang nag-uusap kme may mga maiingay s likod namin.
Daming chix dito hahahaha sabi ni boy 1
Oo nga pati yung mga nasaunahan natin boy 2
Hahahahhaha boy 3
Yan yung convo nila.. Napatingin ako sa likod namin nung marinig ko yung tawa nung huli ang swabe kasi ng pagkakatawa niya...
Paglingon ko nagtama ang mga mata namin ni boy 3 katapat ko pala siya
Ganito kasi ung upuan
Girl darlene ako
Boy1 boy2 boy 3O M G bakit ganito ang bilis ng tibok ng puso ko feeling ko biglang nagwala na lang ito sa bilis... Bigla ko binawi ang tingin ko... Pero hindi nabago ung tibog ng puso ko...
Naririnig ko na kinakausap na ng mga katabi ko ang 3 hindi ko maintindihan pinag uusapan nila tangin tibok lang ng aking puso ang naririnig koGoodmorning class
Nagulat pa ako ng magsalita ng aming guro. Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala.. Nagpakilala siya. Hindi ko maintindihan kung anu ano pa ang kanyang sinasabi ang natandaan ko lang hindi pa ito ang final section namin... malalaman pa namin ito bukas... Dahil wala pang final section maaga kami pinauwi
Haist s--- anyare sakin? Bakit ganito di maalis sa isip ko ung muka niya...
Ahhhh seconds ko lng siya natingnan memorize ko na agad bawat detalye ng itsura niya