SALAMAT

900 20 0
                                    

Bestfriend, eto ang label nating dalawa. Pero pasensya na, pasensya dahil humigit soon ang pagtingin ko para sayo.

Pero naaalala mo pa ba? Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? Naaalala mo pa ba yung mga masasaya nating alaala? Naaalala mo pa ba? Sana oo. Pero heto parin ako, nagpapasalamat sa iyo. Nagpapasalamat dahil dumating ka sa buhay ko, nagpapasalamat dahil tinulungan mo akong buohin ang mundo ko kahit na alam natin sa umpisa palang ay hindi na makukumpleto. Humihingi ako ng kapatawaran, kapatawaran dahil alam kong nasasakal ka na. Oo, alam kong makulit ako, pero hindi ko parin mapigilan ang mga luha na nagtatangkang pumatak sa tuwing malalaman kong may mahal ka na.

Heto nanaman, heto nanaman ang mga luhang nagtatangkang pumatak mula sa aking mga mata. Heto nanaman ang aking damdamin na itinago ko na sa kailaliman na, nagtatangkang lumabas at saktan ako.

Pero ayos lang, ayos lang na masaktan ako at tumulo na ulit ang luha na kanina ko pa pinipigilang kumawala. Para saan pa? Para saan pa kung ang lahat naman ng ating pinagsamahan ay wala na? Dahil tinapos mo na ito, sa kaparehas na paraan kung paano tayo nagkakilala.

Hugot BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon