1

4 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papuntang school, walking distance eh. Sasakay sana ako may ale lang kasing reklamo ng reklamo sa dyip na dapat sasakyan ko. Kesyo daw ang sikipsikip na! Mainit! Para na nga daw silang de lata. Hah! Pano hindi sisikip, ang laki-laki niya! Tapos nakabekaka pa. Kaya imbes na makipagsiksikan at makikinig sa ratatat ng ale, bumaba nako at eto nga nilakad ko nalang.

After 10 minutes, nakarating rin ako sa school ng late, at dahil uso sa highschool ang lista-lista kapag flag ceremony eh di ayun, umepal nanaman ang klasmate kung mukang listahan.

"Uy meana, late kana naman?!"
Kunwari patung si kristine na parang worried, eh kung makapangalandakan na late ako, daig pang may megaphone tsk.

"Oo nga eh, sayang saya kana naman" Walang gana kong pagsang-ayon.

"Ay! Grabi kana man meana, hindi rin. Pagod na pagod na nga ako sa paglista eh" pinatamlay pa niya ang kamay.

"Ganun? K."
Mukhang nakuha niya naman na wala akong gana sa pagkausap sa kanya kung kaya, umalis na rin siya at naghanap ng pwedeng eh announce.

Maya-maya pa biglang may nagsalita sa tabi ko.

"3 years na tayong classmate, di kapa rin nagbabago mean? " amuse na tanong ni Ron. Klasmate kung walang alam kundi magsalita. Minsan nagdadoubt nako kung lalaki talaga to eh, daldal ng daldal.
"Hindi ka ba nagsasawa? Haha"
Tuloy nya pa

Hinarap ko siya, yung halos 3 inches nalang yung layo ng mukha namin. Sa sobrang gulat nya hindi na sya nakagalaw pa kaya napangisi ako.

"Oo nga nuh? 3 years na tayong klasmate. Syempre sawa na ko!" Singhal ko sa kanya kaya napaatras siya at nakabawi.

" Oh? Sawa kana?" Tanong niya uli.

"Oo sawang sawa nako sa pagmumukha mo, nakakasura na ngang malaman na klasmeyt kita eh". Sabi ko sa kanya

" Ang mean mo! " kagat labi nyang sabi.

" Ang bakla mo!" Paggaya ko sa kanya.

"Anung sabi mo?! Hindi ako bakla ha! Halikan kita diyan eh" hamon niya pa. Agad naman akong napangisi.

"Talaga lang ha? Segi gawin mo." Hamon ko rin sa kanya.

"Talaga!" Agad nyang sagot pero hindi naman gumalaw, lunok lang nang lunok.

Napangisi ako sa reaksyon niya kaya mas nilapit ko yung mukha ko sa kanya at hinalikan sya, smack lang naman. Tiwala naman ako na baklesh to kaya go lang.

"Oh ayan! Di kana bakla"
Natawa nalang ako ng dahan dahan siyang umalis at tumalima sa pagtakbo palabas ng room.

Hanggang sa dumating na si Ma'am English.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHE IS MEAN MAYERRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon