Chapter 7

163 7 1
                                    

" Ma, yung mga titig mo ha? Makahulugan. Inuunahan na po kita, si Doc Zack ay kaibigan ko lang. Isa pa, doctor sya dito at doctor narin ni lola, that's it. " pagpapaliwanag ni gwen sa kanyang ina na kanina pa nakatitig sa kanya at halatang punong-puno ng mga katanungan.

" Hmm? Kung sakaling ligawan ka nya anak, kailangan makilatis ko muna ha? Tyaka mo na pwedeng sagutin. " sagot ng mama nya. Tyaka ito pabirong natawa sa kanyang anak.

" Maaaa! " pinanlakihan nya lang ng mata si mama yolly.

" Biro lang. " nilapitan nya si gwen at iniipit sa tenga ang nakahawing buhok sa mukha, " Pwera biro, kung sakaling magmamahal ang anak ko, susuporta si mama. Kasi, buong buhay mo naibigay mo na sa amin ng lola mo, at isa pa gwapo si doc, nak! Bagay kayo. " sunod nitong pahayag, tyaka nya niyakap ang anak na natatawa na lamang na naiiling.

Gwen's POV

Pinauwi ko muna ang mama dahil bakas sa kanya ang pagod at lungkot habang nakikitang nakaratay si lola, kanina kasi ay nanginig ang lola sanhi na magulangtang kami mabuti nalang naagapan ng mga doctor, sa ngayon napagdesisyunan na namin na ipa-opera na si lola mamayang gabi, kaya naman narito ako sa harap ng panginoon para magdasal na maisakatuparan na maging matagumpay ang operasyon.

"Panginoon, buong buhay ko po ay si lola na ang umagapay sa akin, sya ang nagturo sakin ng mga tama at mali, ang lahat lahat, hindi po ako sanay na wala sya. Kung kukuhanin mo man po sya sana ay hindi na muna, hindi ko po kaya ang mawala sya, lord hindi napo ako hihiling ng kahit ano kapag gumaling na si lola. Pangako ko po na hindi na magpupuyat para kapag nagyaya si lola na magsimba ng ganitong kaaga ay hindi ako puyat. Pagalingin nyo po sana ang lola, kahit wag nyo na po akong bigyan ng Lovelife basta buhay po si lola, kayo no po ang bahay lord, Amen. "

" Gwen? " saktong pag-upo ko ay may tumawag sa akin

" Doc, magdadasal karin ba? " paglingon ko si doc zack pala, siguro'y magdadasal rin ito, doctor nga diba.

" Almost done, anyway your lola will be fine. Katuwang namin mamaya ang diyos. " isa pang dahilan kung bakit laging tagumpay si zack ay nananalig sya sa diyos kapag oras na ng trabaho.

" Thank you. " simpleng ngiti ang ginawad ko, or kilig? joke.

" Don't mention it. That's my job. " papalabas na kami sa kwarto ng dasalan, habang nagkekwentuhan. Nakakatuwang isang doctor e naging kaibigan ko pa, nang dahil lang sa nagkabunggan at nagkachikahan sandali.

" Uhm, One last thing doc, may naalala kasi ako. " halos kanina ko pa talaga iniisip sasabihin ko, hindi na nga ako mapakali.

" Ano yun? " hindi ko alam kung bakit napangiti si zack.

" Sa simbahan — " naputol bigla ang sasabihin ko ng may nurse na nagsalita mula sa aming likuran.

" Doc, tawag na kayo sa operating room. Naka set na ang lahat. " saad nya, Tyaka tumalikod palayo sa amin.

" Gwen, sorry mauna na ako. May ooperahan kasi ako ngayon. See you later. Bye! " nagmamadaling paalam sa akin ni doc zack.

" O-okay doc, Goodluck. " sabi ko sa kanya,

" Thanks. " he just mouted, habang papalayo sa tabi ko ang imahe ni zack.

Bumalik na ako sa kwarto ni lola, hindi ko naman inaasahan na may tao pala sa loob, nakatindig na nakaharap kay lola.

" Excuse me? Who are you? "

" Charot mo!! Baklush! "

" Huyy! Ang ingay mo gaga ka. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon