" limang minuto n lng mag aalas onse na pala ng gabi" napailing kong sabi ng sulyapan ko ang orasan sa kamay..
Bwecet kasing kanor n yan.nayaya pa akong uminom!( si mang kanor ang kasama kong tricycle driver sa bayan)
" patay ako kay misis nito..." Sambit ko habang mabilis kong pinapatakbo ang aking pinakamamahal ko na tricycle..
Medyo may kalumaan nga lang..maingay na yung andar pero sa awa ng dyos eh malaking pera n ang naibigay nito sa pamilya ko..
Halos dito nanggagaling ang panggastos nmin araw araw.
Minana ko pa ang tricycle na to sa yumao kong ama..
Wala nman naiwan sa akin ang aking ama ng pumanaw ito kundi ang kanyang lumang tricycle.Hay naku.. Anu na namn kaya ang pwede kong idahilan ky erlinda kung bakit ako ginabi?" Sambit ko.alam ko kasi umuusok na ilong ng aking asawa sa kakahintay sa akin.
Kya sigurado paguwi ko nito away na nmn kapag wala akong matinong dahilan!" bahala na..." Kinasa ko ang silinyador hudyat upang bumilis ang takbo ng tricycle ko..
Kailangan makauwe ako bago maghating gabi..
Malayo layo din ang lalakbayin ko bago ko marating ang aming munting tahanan..
Tatlong lumang sementeryo ang aking lalagpasan..Oo,aaminin ko,tuwing daraan ako sa tatlong lumang sementeryong yun eh nilulukuban ako ng kakaibang pakiramdam,ung parang nanayo lahat ng balahibo ko?ewan! Di namn likas sa akin ang matatakutin pero sa tuwing nadaraan talaga aq sa sementeryong yun eh pakiwari ko' y my mga matang nakatitig sa akin..pero sa awa ng dyos sa araw araw na dumaraan aq sa lumang sementeryo ay wala pa nmn nagpapakita sa akin..
Dalawang kilometro na lang malalampasan ko na ang unang lumang sementeryo..
Huminga aq ng malalim.
Nararamdamn ko na umaandar na naman ang takot sa dibdib ko.
Kahit nakainom ako eh tinatablan pa din aq ng pangigngilabot!
Muli kong kinasa ang silinyador upang bumilis pa ng kaunti ang takbo ko..Malayo pa lang ako'y tanaw ko na ang matandang nakamahabang damit na itim at may dalang basket..
Kumakaway xa sa akin.
Mdyo nawala ang takot sa dibdib ko..
" ayos may pasahero pa aq hahaha! E di xmpre di na ako matatakot nito haha" nakangisi kong sambit sa sarili.Pumara ako sa tapat ng matanda,
Di ko maaninag ang mukha nya,madilim kasi ang bahagya ang kinarorooonan nya tanging tanglaw ng buwan lamang ang umaaninag sa kanya pero tantya ko nasa sitenta anyos na xa..
May dalang basket..ung basket na pabilog,di ko alam anung tawag dun pero may ganun kami.
Ginagamit ng asawa ko pamalengke.." saan po ba tungo nyo inang? " tanung ko sa matanda.
Parang hirap siya sumagot.." Sa paglagpas lng sementeryo amang!" Wika nito
Napakunot nuo ako
Wala kasi aqng nakikitang bahay sa tatlong lumang sementeryo..
Araw araw akong dumadaan pero wala ni isa akong nasilayan duon na bahay.." ah,san po duon ' nang ..pauwe n po kayo? Muli kong tanong sa knya
" oo,amang kung maari lng sana akong makiangkas sa iyo,pero pasensya ka na dahil wala akong pera na ibabayad sa yo!"mahina g wika nito
" ayos lang po yun ' nang! Nakangiti kong sagot.."
" salamat amang ..di bale maya dala akong gulay at itlog sa aking basket iyon na lng ibibigay ko sayo!" Wika pa nito.
"Di bale n po nang, ok lng po sa akin kahit walang bayad" sabi kong nakangiti.
Sige na po 'nang sakay na po!!!..Sa loob ng side car,kampante na sumakay ang matanda..
Nang palapit na kami sa bungad ng unang sementeryo..
Tiningnan ko sa side mirror ko ang matanda at tinanong...
" inang nasa bungad na po tayo ng sementeryo.."sambit ko" ah sa isa pang sementeryo amang.." Mahina nitong sagot..
Nagtataka man ako,ay muli kong pinatakbo ang aking tricycle..
Kinilabutan ako sa haplos ng hangin..
Malamig..
Tila may pinapahiwatig ang simoy ng hangin..
tila nagbabanta
Nanunuot ang lamig sa balat ko..Pagsapit namin sa bungad ng pangalawang sementeryo,muli kong tinanong ang matanda..
" nang,dto na po tayo sa bungad ng pangalawang sementeryo.." Sabi ko sa kanya"Sa pangatlong sementeryo ako bababa amang...." Sagot nito,pero parang may kakaiba sa boses nya..
Parang bahaw ung boses nya
Ung parang boses na..hirap na hirap?
Ung parang galing sa ilalim ng lupa...Guni guni ko lng siguro yun..kumbinsi ko sa aking sarili
Nagsisimula na talaga akong makaramdam ng kilabot sa katawan!..Ano ka ba ricardo,,wag ka ngang praning? Mahina kong sambit sa sarili..
Muli kong pinaandar ang tricycle at mabilis kong pinatakbo yun..
Lalong naramdaman ko ang malamig na haplos ng hangin..
Nanayo ang mga balahibo ko
Kakaiba na ang aking nararamdaman..Nang malapit na kami sa pangatlong sementeryo..
Muli kong tinanong ang matanda..
" nang,dto na po tayo sa pangatlong sementeryo,san po ba kayo banda bababa? ,"Tahimik lang ang naging tugon sa tanong ko..
Nagsisimula na akong lukuban ng takot
Kinabahan ako..Tinigil ko ang takbo ng tricycle,
Sinulyapan ko ang side mirror..
Di ko maaninag ang matanda sa loob ng side car..
" nang....san po ba kayo bababa ? Dto n po tayo sa bungad ng pangatlong sementeryo, " muli kong sambit..Subalit nanatili ito'ng walang tugon..
Bumaba ako sa motor upang puntahan na lang siya sa my side car..baka nakatulog ang matanda..Tanging ang maliwanag na buwan ang aming tanglaw ng mga oras na yon..
Sinilip ko sa loob ng side car ang matanda ...
Di ko pa din maaninag ang knyang mukha ,tanging ang basket at mga paa nito ang nasisipat ko..Dahan dahan kong ipinasok sa tricycle ang aking kamay..
Kinalabit ko ang hita ng matanda..
" nang dto na po......."
Bigla,ay napaigtad ako ng mahigpit nyang hinawakan ang aking kamay..!!!
Mahaba ang kanyang mga kuko!!!
Nanlilisik ang knyang mga mata...
" ahhhhhhhhhhhh!!!!!!"
Napakalakas ng aking sigaw!!" amang dto na nga! "
Maraming salamat sa yo...Bumaba na ang matanda..
Lumakad palayo
Naiwan akong nakatanga, di makapagsalita..Sinundan ko ng tingin ang matanda..
Ilang kurap pa ng aking mata ay bglng nawala na sa paningin ko ang matanda..
Mabilis pa sa eroplano akong umangkas muli sa tricycle at mabilis na pinaharurot.....
BINABASA MO ANG
Tricycle
Mystery / ThrillerSa pagkagat ng dilim,may mga kaluluwang ligaw na magpapaalala sa yo na sila ay nasa paligid lamang...mga kaluluwang di natatahimik..mga kaluluwang nananatili sa ating mundo at nakikisalamuha..patuloy na nagpaparamdam sa pagkagat ng dilim..