Part 2

108 1 0
                                    

Halos mapugto ang aking hininga nang makarating ako sa bahay.habol habol ko ang bawat paghinga,parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang takot..lintek!! Sa tagal ng panahon na nagpapasada ako,ngayon pa lang ako nakaengkwento ng ganung pangyayari!!!
Sino kaya ang matandang yun? Bakit siya nagpakita sa akin?

Hindi kaya isa siyang maligno?hinde eh..sana kung maligno siya dapat masangsang ang kanyang amoy...pero hindi eh..!

Ayun sa yumao kong lola,ang mga maligno daw ay lumalabas tuwing alasais ng hapon at babalik sa kanilang mundo,pagsapit ng hating gabi..

Kadalasan daw sa mga engkanto ay nagkakatawang tao at nakikisalamuha na parang isang normal na tao,..kadalasan daw silang lumalabas sa kanilang teritoryo pag araw ng biyernes at linggo..
Nagsisimba din daw ang mga ito..pumapasok sila sa loob ng simbahan upang manalangin sa poong maykapal..subalit saglit lng ang mga ito sa loob ng sambahan sapagkat ayaw nilang makita sila ng mga mortal..

Ayun pa sa lola ko,kung gusto mo daw makakita at makipagkaibgan sa isang engkanto,abangan mo sila sa loob mg simbahan sa araw ng biyernes..dapat mauna ka sa kanila sa loob,pagbukas na pagbukas ng sambahn dapat pumasok ka na sa loob,,at kailangan wag kang lilingon sa may pintuan oras na nakapasok ka dahil ang susunod na papasok ay isang engkanto!

Mapapansin mo daw na walang kanal ang itaas na bahagi ng mga labi nila ( yung pagitan ng ilalim ng ilong at labi)..at malalaman mo daw na engkanto sila kapag ang kanilang amoy ay masangsang..
Pero bakit yung nakaengkwentro ko kanina na matanda hindi naman masangsang ang kanyang amoy??...

Di ko maipaliwanag ang halimuyak ng matanda..
Kakaiba ang kanyang amoy..
Pero parang naamoy ko na ung ganung halimuyak...
Parang amoy ng isang patay..
Oo,,amoy patay!!!alam mo ba ung amoy ng laway pag natuyo??
Parang ganun!!

Napakalakas ng aking sigaw ng maramdaman kong my kamay na dumantay sa aking balikat!!
Kakaripas na sana ako ng takbo ng marinig ko na nagsalita ang nagmamayari ng kamay..

" hoooy!..anu ba at napakalaks ng sigaw mo ???
" lintek,naman oh,,tinakot mo naman ako karing!!" Halos malaglag ang puso ko sa gulat..
"Aba,ricardo ngaun ko lang ata nalaman na matatakutin ka pla??"panguuyam ng aking asawa.

"Anu bang meron ha,at inabot ka nang dis oras ng gabi?? Aba,baka nakakalimutan mo na may asawa at mga anak kang naghihintay at nagaalala sa yo dito??" May himig ng pag aalalang sabi nya..
" pasensya ka na karing..niyaya ako ni kanor maginom kanina eh napahaba ang aming kwentuhan .bertday kasi nun." Paliwanag ko
"Ayun ,....mas inuna mo pa pala ang huklubang kaibgan mo kesa sa akin na maghapong nagalala sa yo? Nakalimutan mo nasiguro na nagluto ang asawa mo ng pagkain mo sa hapunan at buong tyaga na naghintay sa yo..," tila maluha luhang wika nito..
" naku..heto na namn kami..umpisa na nmn ng dramahan..."hehehe napangisi ako sa tinuran ng aking asawa..

Nilapitan ko ang aking asawa at masuyong hinagkan sa nuo..
"Alam mo ba mahal,kya kita kita mahal na mahal kasi ganyan ka ang hilig mo magdrama hehhe" pabiro kong sabi sa kanya..
"Ewan ko sa yo!!!" Tila batang nagmamaktol ito at tinabig ang mga braso ko..
Tumalikod ito at iniwan ako sa labas..
" " ano dyan ka na lng ???? Di ka papanhik??" Malabing nitong sabi pero pagalit..
" papanhik na mahal..."

Pinarada ko muna ng maayos sa gilid ng aming bahay ang tricycle.
Pagkatapos ay kinuha ko ang trapal para pangtaklob,upang hindi mabasa ng hamog..ang aking pinakamahal na sasakyan.
Nang may mapansin ako sa loob ng tricycle..
" ang basket....."
Muling nabuhay ang kilabot sa buong katauhan ko...
Nahihiwagaan man ay kinuha ko ang basket sa loob ng tricycle..

Naalala ko na hawak ng matandang yun ang basket na to..anu kyang laman nito??

Binitbit ko sa loob ng bahay ang basket..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TricycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon