CHAPTER 1

36 0 0
                                    

"Manager Lee!! Kailan ba pupunta dito ang aking Future Husband?? Isang buwan ko na siyang hinihintay dito ngunit hindi parin siya bumabalik, asan na ba siya huh? Managerrrrrrrrr Leee!!"

Para akong pulubi na nanghihingi ng barya sa mga tao.
"Heh! Tigilan mo nga ako sa kadramahan mo diyan, Aletthea! Baka gusto mong sipain kita palabas sa club nato.!"

Mas lalo ko pang inayos ang drama ko, para naman sabihin na sakin ni Manager kong saang lupalop nandodoon ang aking sinisinta.

"Manager, Im begging you! Pleaseee tell me where is my............"

"Shut up ,Aletthea! Kanina kapa ah! I already Told you.  Hindi ko alam kong saang universe ang future husband mo."

Bagot akong umupo, ehhhh! Namimiss ko na talaga ang aking love of my life!! Talagang si Boss Yokho na lang talaga ang aking pag-asa, yon nga lang ang katanongan pupunta ba yon dito ngayon?? Eh dalawang linggo na yon hindi bumibisita dito sa club niya. . Naiiyak na talaga ako! San ko ba mahahanap ang aking inspirasyon?

"Mamaya kana mag drama diyan, babae! Malapit na kayong mag umpisa."

Saway sakin ni Manager Lee, pinsan siya ng may-ari ng club nato kaya malakas kami sa may-ari,  nag peperform kami dito kada gabi malaki ang sahod at hindi mahirap ang trabaho kaya swak na swak dito, isa pa ang club nato ay isa sa tinitingalang club ngayon sa pilipinas, hindi ito basta-bastang club, dahil puro mayayaman ang karamihan sa pumupunta dito..

"Ehh, pass mona ako manager! Wala akong ganang mag perform!"

Di ko kita ang reaction ni Manager dahil nakayuko ako ngayon, I felt so hopeless!! Wala akong magawa.

"Haish!! Pag-ibig nga naman! Lumabas nanga tayo at baka makita mo pa don ang loveydovey mo."

Agad akong napatayo sa sinabi niya.

"What do you mean,Manager??"

"Tsk.. Who knows! Baka nandito yong sinisinta mo. Kaya halika na."

Mabilis pa sa isang kisap mata ang pag takbo ko palabas sa dressing room.  Pero agad din akong napasimangot nang makitang sobrang daming tao,. GODS and GODDESSES are in everywhere! Parang party ng mga maharlika dahil sa angking kagandahan at kagwapohan. Naman! San ba sila inilihi ng mga magulang nila??

Sumasakit na ang leeg ko sa kalinga-linga, ngunit!  Wala akong nakitang Timothy Dalton ni anino niya isang napakalaking WALA....   Babalik na sana ako sa dressing room nang may mahagip ang aking mga mata! OMMMMMMGGGGGGGG!!!! TOTOO BA TO??  Hiiiiiiiis here... Napatanga ako dahil sa kaba at excitement sa isang buwan na hindi ko siya nakita gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya ng sobrang higpit... How I wish! I can do that.

Club Series 1: The Stubborn IntruderWhere stories live. Discover now